Chapter 22: Sacrifice

18.6K 317 166
                                        

Chapter 22

Ellaine's POV

Kinabukasan ay sinikap kong umakto ng normal sa harap ng anak ko habang nag-aalmusal kasama si Nathan. Alam kong mahirap para sa part ko pero kailangan kong tiisin para sa anak ko. Hindi ko alam kung paano ko nasisikmurang makaharap si Nathan ngayon, pero ganoon siguro talaga ang isang ina, lahat ay kakayanin makita mo lang masaya at kuntento ang anak mo.

"Daddy what took you so long to go home? I missed you so much!" usisa ni Shan habang kumakain.

Tila natigilan naman sa pag-nguya si Nathan at alangan na tumingin ito sa akin bago tumingin kay Shan.

"Aaah, naging busy lang si Daddy sa work baby. I have to travel kasi para i-check yung bagong business ni Daddy." Alibi nito.

"I hope we can spend time to play Daddy. Kasi you're always busy na. I miss playing with you." Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa awang nararamdaman ko para sa anak ko, ni wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari at dahil doon ay parang madudurog ang puso ko.

Ibinaba ni Nathan ang kutsara't tinidor na hawak niya, nilapitan niya si Shan para yakapin ito.

"I'm so sorry anak ha? Patawarin mo si Daddy kung nawawalan na siya ng time sayo.. Promise ni Daddy one of this days hindi na siya mawawalan ng time sayo. May kailangan lang akong ayusin at kapag naayos ko na lahat ng 'yon lalabas tayo.. Mamasyal tayo." Maluha-luha niyang sabi kay Shan.

"Daddy... Are you crying?" inosenteng tanong nito nang marinig niya ang pag-singhot ni Nathan.

Hindi na ako nakatagal kaya mabilis akong tumayo at linisan ang hapag kainan, pumunta ako ng kwarto at doon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Hanggang kalian ko ba matatagalan ang kasinungalingan at pagpapanggap na ginagawa naming dalawa ni Nathan. Hanggang kalian ko ba pwedeng itago ito sa anak ko? Nag-aalala ako.. Nag-aalala ako para sa anak ko na kapag nalaman niya ang lahat ng ito ay hindi niya matanggap.. baka hindi niya kayanin.

At paano ko nga ba sasabihin sa kanya na ang pamilyang mayroon siya ay unti-unti ng nasisira. O sira na ngang talaga? Kung sa akin lang ay kahit ngayon mismo ay sukong-suko na ako.. Pero hindi ako pwedeng basta-basta na lang sumuko.

Bakit kailangang ako ang sumuko? Ako ang asawa at nasa akin ang lahat ng karapatan para ipaglaban kung ano ang akin! Ano, ganoon ko na lang kadaling ibibigay sa kanila ang kaligayahan na gusto nila? Paano naman ang kaligayahan ng anak ko? Kung gusto nila ng laban, bibigyan ko sila ng labang maganda!

Sa kaiisip ko ay hindi ko na namalayan ang pagpasok ni Nathan.

"Bakit bigla kang umalis? Baka kung ano ang isipin ng bata dahil umalis ka na lang ng walang paalam." Makikita ang pag-aalala sa mukha nito.

"Ang kapal ng mukha mo! Anong gusto mong gawin ko? Ang ipakita sa kanya na kunwari masaya ako? Na kunwari hindi ako nasasaktan? Na kunwari wala lang 'to? Tang*na Nathan! Hanggang ngayon ba naman kailangan ikaw pa rin ang magdidikta kung ano ang dapat kung maramdaman? Kailangan bang sabihin ko pa sa'yo kung gaano na kasakit? Ayokong makita ng anak ko kung gaano ka-miserable ang nararamdaman ko ngayon! Tao ka pa ba? Tao ka pa ba haaaa? Hayup ka!" Mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako. Pinag-papalo ko ito sa dibdib. Hindi ko na alam kung ilang beses kong ginawa 'yon basta ang alam ko lang ay hindi pa rin naiibsan ang bigat ng dibdib ko. "Hayuuup ka! Hayup ka!" sigaw ko habang nag-iiiyak.

"Ano pa ang kulang sa akin Nathan? Ano pa? Bakit ganoon! Bakit nagawa mo 'yon.." Hinang-hina kong sabi habang humihikbi.

"Alam kong hindi ko kayang ibsan ang sakit na nararamdaman mo Ellaine.. Pero hayaan mo akong humingi na tawad at ipaintindi sayo na hindi rin madali para sa akin ang mga nangyayari. Ayokong saktan ka ng ganito, pero alam kong huli na.. At... A-at hindi na basta basta mababago pa ang nararamdaman ko.. I-iba na ang nag-mamay ari ng p-puso ko. I'm so sorry Ellaine. I'm so sorry."

A Seductive MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon