2 : Hearst High Academy

216 16 6
                                    



****



Hanne Raven




     ang bilis ng araw. parang katutulog ko pa lang kahapon ay buwan na ng Hunyo bukas.  Ilang araw na lang ay mag papasukan nanaman.  Hectic , busy , stress , depress at hopeless love life nanaman ang dadagundung sa pasukan. Wait, wait. Bakit naisali ang lablayp dyan ? ang epal . Ano bang pinag-iisip ko ? Ang dapat ay magpokus ako sa pag-aaral dahil iyon ang pangako ko kay mama.


Hindi ko malaman kung sabik ba ako na kinakabahan o ano ! Ugh ! ewan ko ba ! Siguro ay naninibago ako at lubos na kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit pero parang may gusto akong hanapin.

New faces na naman . Bago nanaman.Kakayanin ko to ! Mababait naman sila di ba?


isa lang ang masisiguro ko doon. Perfect feature ang mga estudyante roon. Hindi gaya sa amin , pantay at patas ang isa't isa. Walang nakakalamang walang nagmamataas.



" ma..."  pagtawag ko kay mama na nakatalikod dahil nagluluto siya para sa hapunan.

" nasaan si papa ? ..." wala ko sa sariling pagtatanong sa kanya. Sumagi na lang bigla sa isip ko na ' sino ang ama ko ? ' ,  na nasaan ba siya ? '  bakit niya kami iniwan ? at... '' alam niya bang may anak pa siya ? '


ang daming nagsisiksikan na mga tanong sa isipan ko. Punong puno. Halos mabaliw at sumabog ako. Nagsisimula nanamang magluha ang aking mga mata.


" ...Hanne , ...hindi ko alam ." walang gana niyang sagot sa 'kin.

alam kong nalungkot si mama , base sa tono ng pananalita niya. Alam kong alam ni mama at may rason siya kung ayaw niya pa sabihin sa'kin.

kumain na lang ako ng tahimik at dumiretso sa kwarto. Ang bigat sa pakiramdam.



" ma , una na po ako sa taas ." saad ko sa kanya at dumiretso na sa taas.

" sige . " tipid niyang sagot.

halatang wala na sa mood si mama dahil sa tanong na iyon. Humiga nako sa kama at napatingin sa ilaw ng kwarto ko.

' pano kaya kung nandito pa si papa , masaya kaya kami ?'

' kilala niya kaya ako ? '

at ...

' buhay pa ba siya ? kung oo bakit wala siya dito ? '


hanggang sa bumibigat na ang talukap ng mga mata ko kasabay ng pagtulo ng akong mga luha.

***** 



pasukan na naman at simula na naman ang pigaan ng utak. Nakahanda na ako para pumasok. Room 014-S ako. Ang kinikilalang highest section sa Hearst High Academy. Fourth year na ko at I'm really proud na ga graduate na ako .



" ma ! alis na ako . Bye !! " sigaw ko kay mama at nagmamadaling pumunta sa garahe. Nandoon kasi yung service na sabi ni mama. Masyadong protective si mama eh. Beybing beybi ako niyan eh. HAHA

" ingat ! andyan na si mang kiko . Bagong driver natin. " hiyaw naman niya na mula sa kusina. Umalis na ako sa bahay at nagpahatid na kay mang Kiko.



" ms. Remulla , nandito na po tayo . " sagot naman ni mang Kiko sa 'kin. Ang bilis naman. Parang ka sasakay ko lang a. Para naman kaming kidlat .




" thank you po . " pagpapasalamat ko naman kay mang Kiko at pumasok na sa HEARST HIGH ACADEMY.



here I am !


" siya ba yung transferee nang 14-S ? "


" Hindi naman siya pamilyar  , siya nga yung transferee  na sinabi nila."



" saka highest section yun hindi ba ? "


"  siguro... di ba pag low sections eh kulay white ang uniform katulad natin tas Black pag highest. katulad niya kulay black yung uniform niya . Sure na 14-S ang section niya."

Bungad ng maagang bulungan nung pumasok ako. Masyadong exclusive ang entrance ko. jusko naman ! saang lupalop ako maghahanap sa lawak nito ? Pambihora naman kasi.


14-S ??? nasaan ka !!!! Famous masyado ang section na yun. Palibhasa highest kase. at isa pa naka black uniform kame. at isa pa ulit skirt pa talaga at ang ikli. ARGGH !!!! Kung sikat ang section na iyon  dapat mas madali yung makita ! E bakit ang hirap hanapin .

kanina pa ko lakad takbo lakad takbo dine pero wala akong mahagilap na 14-S ! Nasaan ba yun ? ! Tumingin ako sa cellphone ko , ugh ! Alas otso na  , late na ako nito panigurado. Kahiya.



tatakbo na ako nang biglang ...


* boom



" aray ko ! " daing ko habang naka hawak sa may bandang pwetan ko. ang lakas kase ng impact buti na lang at kakaunti lamang ang dala ko kundi mamumulot pa ko at mas mahuhuli na ako sa klase plus pa iyong hindi ko pa mahanap yung classroom na papasukan ko. Nakakainis naman yung first day ko . First day with kamalasan naman ako ngayon . Bwisit.




ansakit talaga promise.  saan ba 'ko nabunggo ? Bwisit na 14-S yan kase ! ang hirap hanapin . Kanina pa ko paikot-ikot dito. Pinagtitinginan na nga ako mg mga estudyante rito ngunit ng lumapot ako sa kanila para naman akong may virus kung makalayo sila. ugh ! monday na monday kamalasan agad . wala bang time out ?!





" miss... sorry hindi ko sinasadya . " pag aapologize nya sakin . kaya naman pala. lalaki na kala mong si Edward Cullen ang nakabunggo ko . 


" 14-S ka din ?! " gulat kong sambit sa kanya pero may saya din kase sa wakas may makakapagturo na kung nasaan yung lechugas na room na yun.



" ah. oo bakit miss ? " marahan niyang tanong sakin. Ang lamig at lalim ng boses niya. Masculine na masculine talaga. Bakit iyon naman agad napansin ko ? Hanne magtino ka nga muna ! Kailangan muna nating hanapin yung room mo ! Alam ninyo ninyo yung parang tanga na nakikipag-usap sa sarili ?



puwede namang makisabay di ba ? hindi naman siya nangangain ng tao di ba ? hindi naman siya mukhang halimaw.



" puwedeng makisabay ?" pagtatanung ko naman sa kanya.


" oh sure. tara ? " saad naman niya at ngumiti. Sa wakas makakarating na ako sa room na iyon.









****

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon