THIRTY EIGHT : Si Black ay si Black

57 4 1
                                    

"Protect the one thing you want to protect until the very end." - Sakura Kyouko ( Mahou Shoujo Madoka Magica)

---------×

Yaj's POV

Naghiwa-hiwalay kami nang sabihin ni Lance ang nasabing plano para mas mapabilis ang paghahanap. Halos mahilo na rin ako sa kakaikot. Lumiko ako sa kaliwa at mapansing hindi pa 'to napupuntahan. Mabilis akong nagtago nang may marinig akong mga yabag ng pagtakbo.

Dahan dahan akong sumilip at sulyapan ang mga nangyayari. Isang babae na duguan , at may hawak hawak na katana. Napakapamilyar niya. Pati ang pakiramdam ko ng makita ko siya ay pamilyar.

Napapitlag ako ng tumagilid siya. Sapat na para mamukhaan ko siya. Nagtago akong muli at naguguluhan sa nakita. Imposibleng siya ang pumapatay. Isa siya sa hinahanap namin at napakaimposibleng gawin niya ang mga sunud sunod na pagpatay. Sumulyap akong muli at wala na ang babaeng kamukha niya.

Siya ba talaga ang nakita ko o guni guni lang iyon. Gulung gulo lang siguro ako.

" Yaj ! " pagtawag ni Sean habang tumatakbo. Napahawak siya sa kanyang tuhod at hinahabol ang hininga . Sino ba kasi talaga yung nakita ko ?

" bakit ganyan 'yang mukha mo ? "Pagtataka niyang tanong sa akin. Napasabunot na lamang ako sa mga nangyayari.

" S..sean, nakita ko si Black. At kamukha niya si Hanne." Wala sa wisyo kong sagot sakanya. Pilit ko pa ring itinatanggi na hindi siya iyon at ilusyon ko lamang ang nakita ko pero kahit anong pilit ko ayaw pa rin.

" Tss, sigurado ka ba sa nakita mo ? " pagtatanong niya naman. Tama , baka nga pagod lang talaga ako at napagkamalan kong siya si Hanne. Napakaimposible rin kasi.

" siguro pagod lang talaga ko. Tara na dun , baka nandoon sina Hanne." Turo ko sa kabilang daan. Isang mansyon lamang ang kinalolooban namin ngunit magkandahilo-hilo na kami sa kahahanap. Hindi ko aakalain na mangyayari 'to sa'king buhay na akala ko hanggang pelikula at mga libro lamang ang mga ganitong pangyayari , posible rin pala sa realidad. Na ako na handang magsakripisyo ng buhay para sakanya.

" i swear...i will save you, Hanne." Bulong ko sa aking sarili habang patuloy kami sa pagtakbo.

----------

Lance's P O V

" Cara , bilisan ninyo ." Sambit ko sa kanila. Parang nasa parke lang sila e, hindi ba nila alam na buhay nila ang mawawala rito ? O wala sakanilang halaga 'yun ?

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang yapak na iyon. Yapak ng dahan-dahang paglalakad na sa tinging ko ay patungo sa 'ming lokasyon. Kumalabog ng malakas ang tibok ng puso ko. Nagwawala sa kaba. Parang ayokong tumakbo pero gustong gusto na ng utak ko na gawin iyon.

" oh bakit hum---" naputol agad ang sasabihin dapat ni Mikko ng makita niya ang pigura ng isang babae. Walang iba kundi siya...ang tinatakasan naming lahat. Nagkalat na rin sa paligid ang mga basag na vase o mga salamin. Nagkalat rin ang dugo at umaalingasaw ang pagiging malansa nito.

" L-Lance..." halos tanggalin na ni Cara ang braso ko sa tindi ng kapit niya rito. Ramdam ko rin ang kaba at takot niya. Pati ang titig nila Nick at Terrence ang nag-iinit. Alam kong gusto nila si Cara. Parehas nila itong pinoprotektahan.  Sa sitwasyong 'to, may plano ng nakasaad sa utak ko.

Tamang tiyempo lang ang hinihintay ko. Gusto ko lang maprotektahan sila, hangga't kaya ko pa. Kung mamatay man ako ngayon...basta matulungan ko sila ay sapat na sa akin.

Nasa harapan ko na si Black. Binigyan ko siya ng pekeng ngisi. Itinago ang ekspresyon at marahas kong kinalas ang hawak niya sa braso ko. Halos silang lahat ay nagulat. Panigurado ay iisipin nilang kasabwat ako ni Black. Pero palabas lamang itong gagawin ko.

" SABI NA'T KASABWAT KA NIYA E ! NAPAKASINUNGALING MO LANCE !! SINUNGALING ! " galit na galit na sigaw ni Nick. Sina Terrence, Mikko at Cara ay nadismaya ngunit maliban sa kanilang lahat , mukhang natunugan ni Terrence kung ano ang gagawin ko. Hindi tulad ni Nick na hinusgahan ako agad.

" Go ahead. Do what you want..Black." may ngisi kong saad. Nalaglag siya sa 'king pain. Ngunit ng pagtalikod ko ay naramdaman ko agad ang malamig na talim ng kanyang katana sa'king leeg. Ramdam ko rin ang mainit niyang hininga. Sadyang hindi maloloko ng isang kuneho ang isang leon. Matalino siya. Kahit bali -baliktarin ko man ay sarili niya lamang ang paniniwalaan niya.

" Ang galing mo na sana e...nagkulang lang sa pag-arte." Ngumisi ako at kinagat ang kanyang kamay. Nabitawan niya ang kanyang katana. Sinipa ko ang katana upang mailayo ito sa kanya. Ngayon ay nilalabanan nina Nick at Terrence si Black. Naramdaman ko ang likido na tumutulo sa'king balat. Nadaplisan ang leeg ko sa talim ng kanyang katana.

" Mikko tumakas na kayo. Hanapin mo si Sir Benafin , eto. Susi 'yan ng kotse ko. Tumawag na kayo agad ng FBI agents , magpatulong kayo sa Kuya Elijah ni Elai sa Hidden Heights. Bilisan mo.." saad ko. Ramdam ko na ang hapdi ng sugat ko sa leeg , kahit daplis lang ay ramdam ko pa rin ang hapdi.

Paglingon ko na saktong pag-alis ni Mikko ay hawak hawak na ni Black ang katana at si Cara. Napakabilis. Hindi kami makagalaw dahil anumang gawin naming galaw ang maaaring patayin agad ni Black si Cara. Napakahirap.

" mortem vincit omnia.." at ...ginilitan niya sa leeg si Cara. Halos maestatwa ko at magwala sa nangyari. Para bang kasalanan ko ang nangyaring iyon. Nakita ko rin ang pagbagsak nina Terrence at Nick , dahil nung lumaban sila kay Black ay nagapi rin sila...patuloy pa rin ang pagsirit ng dugo nila.

Hinawakan ko ang katana niya at pinuwersa ko siyang yakapin ako hanggang sa tumagos ang katana mula sa likuran ko. Unti unting bumabagal ang pintig ng puso ko, nahihirapan na rin akong huminga at pabagsak na rin ang talukap ng mga mata ko..

Neth...magkikita na tayong muli...

--------

Mikko's P O V

" L-lance.." pabulong ko saking sarili. Umiiyak ako rito sa may gilid. Nagtago lamang ako ng sinabi ni Lance na puntahan si Sir Benafin. Lance ...true friend. Caring. Loyal. True to his words. Honest. Mapagkakatiwalaan. Ngayon isatna lamang Lance na walang buhay at duguan ang nakikita ko. Bakit ba 'to nangyayari samin...

Isang babae na hindi ko aakalaing gagawin nang lahat ng ito. Her perfect features, her tantalizing eyes, her angelic face at yung pagiging mabait niya samin. Nahulog kaming lahat roon.

kasinungalingan lahat.

Masaya na kami noon e, simple, maayos at buo. Pero bakit kailangang sirain ? Bakit ?!

Humahagulgol na ako at hikbi ng hikbi. Pasalamat na lang ako at kanina pa nakaalis si Black.

" sana...bangungot na lang ang lahat."

"Even though I've lost my way, I will save you forever. Hanggang humihinga pa ako...poprotektahan kita , Clare." Saad ng isang lalaki. Ni Violago.

-----------×

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon