5 : Bad Dream

144 13 4
                                    

****



Yaj Danielle


hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig namin kahapon.Nakakatakot. Nakaka pag pahindig balahibo. Hindi ko malaman kung paniniwalaan ko ba iyon lahat o dededmahin na lang . It's either. O baka both sa magkaibang paraan. Ang hirap naman nito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong sitwasyon . At kaya ayokong magtiwala. People do whatever they want. Kahit pa mali ito. Trusting someone sucks .


Life and Death Situation.

maaga akong pumasok pero si Hilaree na makulit nandoon pa yata sa kwarto niya. Tinatamad na nanaman yata. Pagkadating ko sa H.H.A , dumiretso kaagad ako sa room. Ngayon lang ulit ako nag-aral sa isang eskwelahan. Homeschooling . Nakakulong . Hanggang sa dumating si Hilaree sa buhay namin saka ako nag-aral sa isang eskwelahan . Para bantayan siya at protektahan bilang isang kuya. Natatakot ako na mawala siya , siya na lang natitira sa akin. She was all I have.



walang katao-tao . maaliwalas dahil maaga pa pero may masangsang na ang amoy na bumabalot sa atmospera . Napagpasyahan kong pumunta sa gilid para mausisa yung classroom namin. Hanggang sa may napansin akong nakasulat.

"You talked too much . . . Carlos Montejo." pagbasa ko sa sahig.


Nakasulat siya sa sahig mismo at nakasulat ito gamit ang sariwang dugo dahil nangangamoy pa rin ang malansang amoy nito. Ibig sabihin baka kani-kanina lamang ito ginawa. Ano namang ibig sabihin nito ? At parte pa rin ba ito sa nangyari kahapon ?

Ano naman kinalaman niya kay Carlos Montejo ? Kaklase namin siya , iyon lang alam ko. Kaaway ba ni Carlos ang gumagawa nito sa amin ? Kaya pati kami dinadamay ? Kung i-report ko na lang kaya sa principal o sa mga teachers ang nagyayari dito ?


Isa pa iyong hindi pags-substitute ng mga guro dito . Ano ba kami dito at parang wala silang pakialam sa amin ? Ganoon ba sa lahat ng eskwelahan ? Ganito ba talaga sa labas , wala silang pakialam kahit may mali na ?




They only notice you when they need you.






***




Hanne Raven



nasaan ako ? Bakit ang dilim ? Hindi naman ganito sa langit ah . Wag mong sabihing . . . impyerno ito. Ganito ba sa impyerno ? Purong kadiliman lanmang ? Walang kahit ano . Wala kang makikita , kundi kadiliman lamang.

Lord , promise magpapakabait na po ako. Uuwi na po ako ng in time at hindi na po ako mahuhuli sa klase. Hindi na po ako magsisinungaling . Hindi na po ako tatakas . Hindi na po ako maiinis kay mama. Magiging mabuting anak na po ako sa kaniya. Pakiusap , ialis ninyo lang po ako sa kadilimang  ito.

tumayo ako at mayroon akong nakitang lalaking nakaharap sa akin. Sino siya ? S-Si Lucifer o s-si Satanas ? susunugin na ba nila ako ?  Huwag muna po hindi pa ako handa. Hindi ko pa nakikilala ang aking ama. Ayokong iwan si mama . Ayoko pang mawala sa mundo dahil masasaktan ko si mama. I don't want to see her suffering from pain that is because of me. Ayoko.

Hindi magkanda-agos ang mga luhang bumabagsak sa aking mga mata. Mahal na mahal ko si mama. Sorry mama ngayon ko lang  ako natauhan sa mga ginagawa ko. Patawarin ninyo po sana ako. Idinilat ko ang mga mata ko ng mahawakan niya ako . kumalma ako nang makita ko ang mukha niya. Pamilyar siya sakin. Sobra ngunit hindi ko siya maalala. Nagkaroon ng kakaunting liwanag , sapat na para makita ang katawan niya.



The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon