THIRTY TWO : Mors Vincit Omnia

59 8 6
                                    

"For a king to survive it's good for him to be able to skillfully manipulate the other pieces using both the knight and the queen. Beneath the throne the bodies of your pieces will pile up along with your sins. You must not lose."- Sebastian Michaelis ( Kuroshitsuji )

----------×

Hanne's POV

Nagising na lang ako bigla sa ingay. Ang tanong.. bakit ang ingay ? May sirena ng pulis ang umaalingawngaw sa paligid. Bakit may mga pulis ? Naalala ko yung kagabi.. duguan naming nakita ang bangkay nina Cyryl at Aminah. Halos maligo na sila ng dugo. Iyon siguro ang dahilan kung bakit may pulis ngayon. Dumiretso ako sa banyo and do my mourning rituals.

Tinahak ko ang hagdanan at nasilayan sina Sophia at Cara na umiiyak. Nagmadali ako sa pagbaba at agaran silang pinuntahan.

" A-anong nangyari ?! B..bakit kayo umiiyak ?!! " napataas ang tono ng boses ko dahil ang matapang na matalik na magkaibigan ay umiiyak. They're strong.

Wala akong nakuhang sagot kundi hikbi lang ang maririnig mo sa kanila. Tumayo ako at pumunta sa labas. Nadatnan ko lang ang nanggagalaiti na si Sir Benafin.

" Sorry po Sir pero nagsuicide po talaga ang mga namatay." Pagpapaliwanag ng isang pulis. Huh ? Sinu-sino ba ang tinutukoy nila ? Lumapit ako ng kaunti upang malinawan.

" Putangina. Teacher ako at hindi imbestigador pero alam kong hindi nila gagawin ang bagay na iyon ! Sa tingin mo .. 'yung brutal na pagkamatay na 'yun eh gawa lang nila ng sa sarili nila ?! Nag iisip ka ba?!! Ang Suicide kundi paglalaslas, bigti o pagsaksak sa sarili lang ang maaaring kalalabasan ng pagkamatay nila...pero ayon sa nakita ko ,malinaw na may pumatay sa kanila. Sorry is not enough for those lives that were lost without getting their justice... kung ako sayo, magresign ka na. Wala kang kwenta." Tama si Sir Benafin... pero sino nga ba ang namatay.

Lumapit ako sa crime scene. Nandirito lamang ito sa likod ng mansyon. Nakasabit ang tatlong sako. Napatakip ako ng ilong dahil sa matapang na amoy na naaamoy ko. Napakalansa. Dahan dahan kong inialis ang sako at nagulat sa nakita.

H..hindi . Hindi maaari. Nanlumo ako at nanghina. Bigla na lamang pumatak ang mga luha ko sa aking mga mata.

Ang isang walang buhay na katawan ay hindi ko makilala dahil halos laman na lang ang natira. S..sina Edjelyn at ..D..danica naman ay puno ng hiwa na malalalim.

Napakarahas ng may gawa nito. At nag iisa lang siya. Walang iba kundi si Black.

" m.mors v..vincit o-omnia ? " iyon ang nakalagay sa piraso ng papel sa bibig ni Edj. Ibinulsa ko ito at agarang dinala sa may loob.

Patuloy pa rin akong nag iisip, ano ang kasalanan namin ?

------------

Yaj's POV

Para kong tanga na naglalakad ng back and forth dito sa may gilid. Hinihintay ang sasabihin ni Sir Benafin at ng mga pulis. Napahinto na lamang ako ng mapansin ko ang nanggagalaiti na si Leoniel. Balot na balot siya ng masamang aura. Punung puno ng galit. May lakas loob ko siyang kinausap.

" dahil ba kay Black yang galit ? " may tanga kong pagtatanung , alam ko gusto ko lang magpakatanga ngayon . Hindi niya ako tinapunan ng tingin ngunit nagsalita siya.

" papatayin ko si Black pati na rin ang mga kasama niya. Once na malaman ko ang totoo... I'll not hesitate to kill him/her with all my soul." Madiin niyang saad. Emosyon.

" h'wag kang pakain sa sarili mong emosyon. It may lead you to death." Payo ko naman. Tumayo siya at kalmadong nagsalita.

" wala akong pakialam." Atsaka nya ako iniwan. Napangisi na lang ako at napailing iling na lang. Napakatapang niya. Sobra.

Tumingin ako sa may itaas. Ano nga ba kasi ang nangyayari ? Mga simpleng estudyante lang kami na nag aaral, pero ano 'tong mga nangyayari. Mayroong patayan na 'di mo aakalain sa eskwelahan o kaya mismong kaklase mo ang pumapatay sayo.

Masyadong magulo ang lahat. Sino ba kasi si Black ? Para kaming nasa hawla. Pinaparusahan hanggang sa mamatay na . Ano bang klase ng buhay ang mayroon kami ngayon ? Ako , halos si Rain na lang ang pamilya ko at ayokong pati siya ay mawala.

Ayoko. Hangga't kaya ko pa , poprotektahan ko sila.

---------

Melai's POV

Nasa hide out kami ngayon, tutal last day na bukas gagawin namin ang pinaka final blow. Hangga't buhay pa si Alexander, Mr.dela Fuego ay nanganganib ako. Pagsunod lamang ang kailangan para mailigtas ko sina Marielle at Gia. Sila na lang ang natitira kong pamilya. Simula ng mawala sina mama at papa ako na ang nangakong aalagaan sila't poprotektahan. Hangga't humihinga pa ako, gagawin ko ang lahat para sa kanila.

" nasaan na yung bomba ? " pagtatanung ni Black habang inaayos ang itim niyang gloves. Si Sean naman ay nililinis ang kanyang pistol. Halos napaka batikan na nila sa pagpatay. Parang ako. Naalala ko nung huling usapan namin ni Lyca.

" hinding hindi kita malilimutan , lahat ng kasalanan mo sa akin ay nandito pa at nakatago. Tandaan mo --kayong 14-S ang pumatay sa ama ko at kapatid ko ! "

( A/N: kung naguguluhan po kayo, di po si skye ang tinutukoy sa usapan nila. Sa part 2 nyo malalaman.)

" nakaayos na kanina pa. Eh yung CCTV ayos na rin ba ?" Dagdag pa niya. Tumango ako bilang pagtugon sa mga tanong niya. Dito nakaset ang pinakamonitor ng CCTV , naka ayos na ang lahat at hinihintay na lang namin ang pag alis ng iba sa loob ng mansyon.

" Okay na. Rouie , Philip and Russel. They are in the kitchen. Exactly where the bomb was placed." May ngiti kong saad. Lumabas sila upang hindi mahalata. Kunwaring inosente na makikisama sa kanila pero ang totoo ay napakapanganib nilang dalawa.

Hinihintay ko na lamang ang pag alis nina Sir Benafin at ng klase papuntang ilog sa may kalayuan sa mansyon. Hinanda ko na ang timer ng bomba at ilang segundo na lamang ay pipindutin ko na ang pulang button na maglilikha ng malakas na pagsabog.

...5
... .4
... . .3
... . . .2
... . . . . . . . . . . .-----

Sa pagpindot ko may isa pang nadamay. Pati si marjorie ay nadamay. Hindi lang pala sina marjorie. Kundi pati sina Mika, Lanie at Roselyn . Hindi ko sila nakita sa monitor dahil sa tatlong target lang ako nakatuon. Ano pang magagawa ko, kahit di sila madamay ay mamamatay din naman sila sa mga kamay ni black.

Pero Black...kilala mo nga ba kung sino ka talaga ?


-------------×

A u t h o r ' s N o t e :

Mors vincit omnia is a latin word that means ' death always win ' .

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon