TWENTY EIGHT : Friendship

81 10 8
                                    

"In the ninja world, those who don't follow the rules are trash. But, those who abandon their friends are even worse than trash." - Uchiha Obito ( Naruto Shippuden )

----------×

Jamuel's POV

Nabalitaan ko na ang mga litrato na nakapaskil sa may bulletin board. Lahat ng buong academy ang nakakita, pati na rin si Mr.dela Fuego na gulantang din dahil kasama siyang nakalagay sa mga larawan. Puro kaklase lang namin ang nakasaad. Sina Hanne, Isah , Leila, Syd, Hilaree, Ronabelle at Yaj. Hindi namin matukoy kung sino ang anino na yun sa may litrato.

" pare okay ka lang ? " pagtatanung sa akin ni Viel. Tumango lang ako. Kahit hindi naman talaga ako maayos. Hindi ko alam basta parang pakiramdam ko nabuhay lang ako para kay Sophia. Ulila na kami ni Januel. Si Uncle Winston na lang ang nagpapaaral at nag aalaga sa amin. Siya ang tumayong ama namin. Wala na kaming ibang kamag anak . Halos lahat ng Mendez ay nawala. Nasawi.

Itinakbo lang kami ni Uncle Winston ng mga panahong iyon. Pag uutos iyon ni papa. Ang mga Mendez ay may pangalan ding pinangangalagaan. Nakatataas. Ngunit isang balita ang yumanig sa buhay namin.

Minasaccre ng mga dela Fuego, sa pangunguna ni Luke dela Fuego , ang lahat ng mga kamag anak namin. Tandang tanda ko pa ang mukha ng matandang iyon. Walang nakakaalam kundi kami lang nila Jan at Uncle. Pinagtakpan lang nila ang lahat. Kinuha nila lahat ng mga negosyo nina papa. Halos lahat. May natira naman na sapat para samin. Mga sakim sila. Nag aral kami dito para mabigyan ng hustisya ang mga magulang namin. Sa paraang pabagsakin ang mga dela Fuego at ang eskwelahan na 'to.

Hindi ko namalayan na recess na pala. Masyado akong nadala. Tumayo na ako at nilapitan si Sophia. Sanay na siya sa gawain kong 'to.

" Tara recess na tayo." Pag aaya ko sa kanya. Nagsisamahan naman sina Rouie , Cara, Viel, at Lanie. Pumunta kami sa small canteen.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng classroom pinaligiran na kami ng mga estudyante. Mga nanlilisik na mga mata. May mga hawak silang baseball bat at iba pang metal na bagay. Nakita naman ng mga mata ko ang dala dala nilang bangkay. S-sina Lyca, Hannah, at Nica. Punung puno sila ng pasa sa katawan. Puro sugat at halatang malalalim ang hiwa na dahilan ng paglabas ng laman nila at pagtulo ng maraming dugo.

Wala na silang kasing sama. Mga demonyo na sila. Tuso ang nagsimula nito. Ang lahat sa amin ay mapapahamak. Hindi lang ang mga killer ang kalaban namin. Kundi ang buong academy.

" Gusto ninyong magpakabusog ? Tara samahan namin kayo. " may ngising pumorma sa mga labi nila.

Nagkatinginan kami nina Viel at Rouie . " Rouie, Viel. Pagbilang ko ng tatlo... ....1 ....2 ...3 TAKBO NA !!!! " mabilis kaming kumaripas ng takbo wala kaming makita na maaaring pagtaguan puro estudyante na gustung gusto kaming patayin. Nakita ko naman na sa parking lot tumungo sina Viel , Rouie , Cara at Lanie. Mas ligtas. Tumalungko ako at ipinasan si Sophia sa likuran ko. Alam kong ayaw niya dahil may galos na rin naman ako sa braso. Kaya ko pa.

" I love you like I love the sea and I'm okay with drowning. " atsaka ko pa binilisan ang takbo. Nakita ko ang mataas na building ang pinaglalagyan ng Private Rooms. Doon, maililigtas ko siya. Dali dali ako kumaripas ng takbo at iniwan siya sa harap ng pintuan ng Private Room. Nakita ko siyang pumasok sa may kwarto.

Bumaba ako at pinuntahan agad siya. Kailangan niya ng tulong ko.

Nakita ko na puro sugat na siya. Sumugod agad ako roon ng wala sa pag iisip. Kaibigan ko siya kaya dapat ko siyang tulungan. Hindi ko ininda ang mga hampas at paggalos nila sa akin. Ipinasan ko na rin siya.

Narinig ko ang walang lakas niyang bulong.

" dapat hinayaan mo na lang ako , Jam..." nakapikit na siya dahil ang dami na niyang pasa at sugat. Nanghihina na siya. Kailangan na niyang magamot.

" Friends supposed to help friends. Kaibigan kita, at ang mga kaibigang tulad mo hindi dapat tinatalikuran." Atsaka ako ngumiti. Idiniretso ko na rin siya sa Private Room.

" Anung nangyari kay Elaiza ?! " salubong na pagtatanung ni Hanne. Inihiga ko siya sa comforter at pati ako napagbagsak na rin sa katabing comforter.

Nanghihina na rin ako...

---------

Januel's POV

" Jan ! Puntahan natin sina Leila ! Nasa cafeteria pa sila !!! Please!! Iligtas natin ang kapatid ko ! Baka kung anung mangyari sa kanya.." may mga luha na rin ang pumapatak sa mga mata niya. Ayokong umiiyak siya. Ayokong umiiyak o nasasaktan ang best friend ko. Kahit ako na lang masaktan h'wag lang siya.

" Isah, hindi pwede talaga. Maraming nagkalat sa labas na estudyante na gusto tayong patayin. Napapalibutan na tayo. May tiwala ako kay Syd. At isa pa nandoon din si Russel. H'wag kang mag alala, ligtas sila." Pagpapakalma ko sa kanya. Simula nung kumalat ang lintik na mga litrato na iyon, buong academy ang gustong patayin kami. Isa lang naman ang solusyon, patayin ang nagmamanipula. Oo, may kasalanan samin ng napakalaki si Mr.dela Fuego pero malaki ang maitutulong niya. Siya ang susi.

" guys may plano tayo . Sa maid and butler cafe Festival natin gagawin.Bukas iyon di ba ? " nakuha ko naman ang atensyon nila. Alam kong mapapahamak kami, lalong lalo na ako dahil nandirito si Shane Allaine na anak ni Mr.dela Fuego. Pero kailangan pa rin, para sa lahat.

Saktong dumating ang hingal na hingal na sina Leila, Syd at Russel. May sugat sa binti si Russel at may kaunting pasa pero si Syd. Ni galos o pasa ay walang natamo. Umupo na sila at uminom.

Pinagpatuloy ko ang pagsasalita. " kikidnapin natin si Mr.dela Fuego. Syempre alam kong galit na galit sa atin ang madla kaya kakailanganin nating mag disguise bukas. Sa saktong oras ng lunchbreak natin sisimulan. Kami nina Syd, Russel ang bahala kay Mr.dela Fuego sa pagkidnap. Sa likod kami dadaan, at sa bahay namin kayo pupunta. Kayo naman Yaj ang bahala sa gwardiya sa may likod. At kayo naman Hanne ang mang gugulo. Simple lang. Magpakita ka kasama ni Rona. Sa likod kayo pumunta, doon kayo hihintayin ni Jam na may sasakyan na dala. At sa huli, kokomprontahin natin si Mr.dela Fuego." At saka ako ngumiti sa lahat. Sumang ayon naman sila.

Nilingon ko si Isah.

" Sigurado ka ba sa gagawin mo ?" Pag aalala niyang tanong.

Tumango ako at ningitian siya. Tatapusin natin ang sinimulan nila.

----------×

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon