THIRTY THREE : The Remarkable Past

51 7 0
                                    

"You think you're the only ones who matter. You think you can put off death. But that peace made you foolish and thoughtless. If you kill someone, someone else will kill you... this hatred binds us together." - Pain ( Naruto Shippuden )

--------------×

( in this chapter, point of view lang po ni Isah ang laman. Based on the notebook.)

Isah's POV

Naalimpungatan ako sa ingay. Dumilat ako at umupo. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko. Ngayon lang ako natauhan na katabi ko pala siya. Ang best friend ko , at base sa aura niya ay napakalungkot niya. Lumibot ang mga mata ko at siya pa lang pala ang gising. Tulog pa pala sina Syd at Leila. Umayos ako ng upo at saka nagsalita.

" Morning : )" may ngiti kong bati sa kanya. Ngumiti siya pabalik ngunit bakas na bakas ang pagkalungkot niya. Maayos pa siya kahapon . Pero ngayon hindi na. May nangyari nanaman ba ?

Ayoko sa lahat ay yung malungkot siya , gaya niya lagi siyang nasa tabi ko. Ni hindi niya ako iniwan. Kahit pa sa darkest hours ko. At ganun din ang gagawin ko sa kanya.

Saglit kaming nagkatitigan , kilalang kilala nanamin ang isa't isa. Halos wala na nga kaming sikreto na tinatago sa isa't isa. Ganyan kami.

" bakit may dumi ba ako sa mukha ? " pagsisinungaling niya. Alam naman niyang 'pag ganun ang asta ko sa kanya ay may problema sa kanya.

" h'wag ka ng magsinungaling pa Januel. What's the problem ? " diretso kong saad sa kanya. Pumaimbaba bigla ang tingin niya , see. Malungkot nga siya.

" p..patay n-na s..si R-russel..." may lungkot niyang saad. Maski ako ay nalungkot. Mabait na tao si Russel , siya yung tipo ng tao na mas gusto pa niyang masaktan siya kaysa manakit siya ng iba. Self-less was the right term. Mabuting kaibigan. Sa tropa siya ang maituturing na pinaka responsable.

At alam kong masakit mawalan ng kaibigan. Niyakap ko na lamang si Jan dahil wala akong alam sa pag comfort ng isang kaibigan. May naramdaman akong nagbukas ng pinto. Napatingin kami at si Elaiza pala ang nagbukas ng pinto.

" Isah at Januel , sorry sa abala. Pinatatawag tayong lahat ni Sir Benafin. Pakigising na rin yung dalawa na 'to." Saad nya at itinuro sina Leila at Syd.

" h'wag ka mag alala , magiging maayos rin ang lahat." Malumanay kong saad sa kanya. Gusto ko palagi siyang masaya , gusto ko nakangiti siya palagi , at gusto ko na ---- maayos na ang lahat.

" Jan, pagising naman si Syd oh, ako na gigising kay Leila." Pag uutos ko sa kanya. Sabay kaming tumayo at lumapit sa kanila. Kinalabit kalabit ko na si Leila pero ni kislot walang nangyari. Pero si Jan isang kalabit lang kay Syd gising na -_- . Kumuha ako ng unan at hinampas kay Leila , pero ~T_T~ tulog pa rin siya. Juice colored !! Ang hirap niya talagang gisingin.

" Isah ako na bahala dyan." Saad ni Syd sakin. Tumayo siya at tumungo sa cr. May ngiti siyang lumabas habang may hawak hawak na tabo na may tubig.

Anung balak niya?!! Woah !!! H'wag niyang gagawin yun , for sure sapak aabutin namin.>3<

" SYD H'WA------" huli na -_- binuhusan niya ng tubig yung paa ni Leila. Ano yung resulta ? Ito oh..

" THE FUCK !!!!! FUCK YOU SYDDDDD PRIEEE!!!! I HATE YOU TO DEATH !!!AT KAYO , LABAS!!!! " nagmamadali kaming tatlo sa paglabas at nagulat pa ang lahat dahil ang hitsura namin wala sa ayos. Ako nakapantulog pa , si Januel naman ay naka shorts at t-shirt ang malala ay yung kay Syd. Naka white sando siya at pajamas with tabong dala dala. The heck di ba!

Bumaba kami at umupo sa sofa.

" anung nangyari senyong tatlo at akala mung nakakita kayo ng halimaw?" Pagtatanung ni Sir Benafin sa amin. Kami ni Januel ay natawa lang pero si Syd ay may lakas loob pang sumagot.

" nagising ko po kasi 'yung halimaw sa kwarto e," saad niya habang nagkakamot sa batok.

BLAG !

Sakto namang paglabas ni Leila at padabog na isinarado ang pinto. Halatang badtrip na badtrip siya . Hahahaha sayang 'di ko nai-video.

" Last day na natin 'to. At darating na pamaya maya ang bus na pinapunta ni Mr.dela Fuego. Kaya mag ayos na kayo. Pack your things now. H'wag lang sa may kitchen. Inimbestigahan pa ang parteng iyon. Maliwanag ?"saad ni Sir Benafin sa amin. Iniimbestigahan ang kusina ? Bakit naman ? Sayang kakain pa sana ako.

" Sir bakit bawal pumunta dun? " pagtatanung ko.

" may nangyari na pagsabog doon kahapon. Light bomb ang ginamit. Sapat ng makapatay ng ilang tao dahil sa poisonous gas na taglay nito. Ang masama , pinlano ang lahat. Saktong nasa ilog tayo ng mga oras noon at ang ilang natira na sa palagay ko ay target nila atsaka sila nagpasabog.Hindi pa na-a-identify ang mga katawan na wala ng buhay roon. Halos magkulay lila na ang balat nila dahil sa lason. Si John Russel pa lang ang nakilala kani kanina. Sino nga ba talaga ang gagawa nito...14-S.." ang huling linya ni Sir Benafin ang nagmarka sa isipan ko.

" Sino nga ba talaga ang gagawa nito...14-S.." napahinto ako dahil sa paulit ulit na naglalaro ang linya na 'yun sa isipan ko. Hindi kayang siya... ang may gawa ng mga ito?

Flashback~

Nasa kalagitnaan kami ng klase ng Mapeh ng may isang lalaki na kumatok sa may pintuan. Ang lalaki na nagsimula ng lahat. Tandang tanda ko pa ang mga sinabi niya.

" 14-S , pumunta kayo sa likod ng principal's office." Nagtataka nga rin kami dahil halos wala ng estudyante sa eskwelahan pero nagkaklase pa rin kami. Hindi naman ganoon ang regular naming schedule.

Nagsisunuran kami at tumungo roon. Nasa bandang likuran ako noon nang mapansin ko ang malademonyong ngisi nina Sir Takumi at Mr.dela Fuego. Lubos akong nagtaka noon.

" TULONG !!!! PALABASIN NIYO KO RITO !! " sigaw ng isang lalaki. Kilalang kilala na namin siya. Dahil kaklase namin siya. Ang mas ikinagulat ko pa ay iniabot ni Sir Takumi ang isang gasolina na sapat para makasunog ng isang maliit na gusali kay Mc. Malugod namang tinanggap ni Mc yun . Ibinuhos niya sa paligid ang gasolina.

May narinig kaming pagtakbo at sigaw sa 'di kalayuan.

" H'WAG !!!!! MAAWA KA DADDY !! MAAWA KA SAKANYA ! ANO BANG KASALANAN NIYA SAYO !! " mangiyak ngiyak na saad ng anak niya. Si Shane Allaine.

May dumating pang dalawang tao . Isang lalaki at babae.

" SEAN !!!! HINTAYIN MO 'KO DYAN !!! " sigaw ng lalaki. At sa pagpasok niya ay ang sabay na pagsunog ng gusali. May kung anung tinawagan si Sir Takumi. May isang lalaki na dumating. Kasabay ng mga bumbero.

Napaisip ako noon na kung bakit ang bilis. Setup. Na frame up kami.

May isang babae na galit na galit sa aming tumingin. May sinabi sya ngunit 'di namin narinig. Ligtas na lumabas si Sean at pinuntahan siya ng isang lalaki.

" Sila ang pumatay sa Kuya mo at hindi ako , Sean. Sila. Sila ang may kasalanan. " saad nito. Naaninag ko ang isang anino sa loob nang nasusunog na gusali. Hindi ko alam kung guni guni ko lamang yun o ilusyon.

" Magbabayad kayong lahat dahil pinatay ninyo si Kuya ..Skye..." madiin nitong saad.

End of flashback.

Maaaring siya nga. Pero wala kaming kasalanan. Walang wala. Nananatili pa ring marka ang linyang 'yun saamin pero mukhang inilibing na nila.

" mors vincit omnia..." narinig ko pero , sino ang nagsalitang iyon. Gumuhit sa akin ang kaba at nagsitaasan ang mga balahibo ko.


---------×

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon