TWENTY NINE : The White Plan

54 9 3
                                    

"I only have one chance to have my life, and it's right here. It's the only life I have. This is my life. I can't give it to anyone else, It can't be stolen, I can't force it on anyone, or forget it, or make it disappear, or trample on it, or laugh it away, or beautify it. I have no choice but to accept this one cruel, meaningless life! That's why I will fight, and why I will continue fighting." - Nakamura Yuri ( Angel Beats ! )

----------×

Sean's POV / T R I G G E R

Ngayon namin isasagawa ang isang plano na tatapos sa buhay nila. Napakatuso ng ama ko. Napakasakim. Makasarili. At bobo. Hinding hindi niya na ako maiisahan pa. Hindi ko na hahayaan na siya ang manalo sa laro. Nanalo na siya dati, at siya lang ang nakinabang. Makikipaglaro ako sa kanya ng patas.

Planado namin ni Black ang gagawin. Buong academy ang kalaban namin dahil sa lintek na mga litrato na iyon. Isang senyales na dalawa sa walong litrato na iyon ang mga itim. Hindi alam ng academy na 'to ang 'itim at puti'. Wala silang kaalam alam. Tanging 14-S lang at ang mga ilang mga magulang namin.

Alice Martinez....si mama. Kasama siya sa mga nakaligtas at ang nakakainis lang...pinatay siya ni papa. Na ngayon ay ako naman mismo ang papatayin. Hindi nga ako ang gusto niyang tapusin, pero damay na rin ako sa mga ginagawa niya. Puro siya kademonyohan.

Aalamin ko ang buong kwento, sa nawawala kong kapatid at ang koneksyon ni Black sa ama ko.

Marami pa akong dapat alamin .

" Lunchbreak natin simulan. " rinig ko sa tainga ko. May earpiece kami para mayroong komunikasyon. Tanging kaming dalawa lang ang magsasagawa noon. Delikado. Kailangan naming sumugal bago buhay namin ang mawala.

" Copy. " tipid kong saad at nagmuni muni. Nahagip ko nanaman siya ng tingin. Ilang minuto na lang ay lunchbreak na. Nasa Grand Hall kami. Napaka plastik ng mga tao . Kahapon ay halos ihagis na kami papuntang impyerno , ngayon naman ay akala mong mga anghel sa lupa. Mga plastik.

Mapapatay ko kaya siya ? , kung mahal ko siya...

-------

Shane Allaine's POV

Nakatayo lang ako rito katulad ng iba. May misyon kami. Hindi ako nagalit tungkol sa plano. Ako pa nga ang magiging daan nila para makidnap si daddy. Pagkatapos kong mabasa ang libro ng 13 Survivors, halos magsisi ako sa lahat na bakit ako naniwala sa kanya ? Na inilayo niya ako sa nanay ko dahil ayaw niya kaming magkasama. Binuhay niya ako sa mga kasinungalingan. Masakit rin pala.

Nakita ko na silang kumilos kaya sumunod na ako kala Yaj , sila ang tutulungan ko. Dapat walang makapansin. At dapat sa sampung minutos ay makidnap na nila si Daddy at makaalis na agad sila. At dapat sa paglabas namin nagkakagulo na ang lahat dahil manggugulo sila Hanne. Iyon ang tanging paraan para maging maayos ang nasa plano.

Naka sumbrero lang na itim si Yaj at nakababa ito upang hindi sila matukoy ng mga estudyante. Nakarating kami sa Office of the Presidents ng matiwasay. Busyng busy ang lahat tungkol sa Festival. Kaya sinasamantala nanamin ang oras na yun.

Ningitian ko ang mga guards sa harap at pasimple na tumungo sa likuran kung saan dadaan sina Jan. Nakita kong tinakpan nila ang ilong ni Daddy ng panyo. Iyon ang binigay ni Sir Benafin. At nung nalaman niya yung sa ate niya tungkol sa libro. Napagdesisyunan niya kaming tulungan. May kung anung amoy raw na nakalagay sa panyong iyon at kapag natakip ito sa ilong ng isang tao ay mawawalan ito ng malay.

Ibinalot nila sa kumot ang daddy ko at binuhat nila. Sumunod lang ako at para maidaan sila sa mga guards. At nagtagumpay dahil naniwala silang bangkay ito na pinatay ng killer. Oo, si daddy ang nagmamanipula roon at katulong si.. basta siya.

Sana makaligtas sina Hanne dahil sila ang pain at magpapahabol.

------

Hanne's POV

TAKBO. TAKBO. TAKBO.

Hingal na hingal na kami ni Rona. Nakakapagod. Hinahabol pa rin nila kami. Kaunting distansya na lang ay aabutan na nila kami. Mas binilisan ko pa ang takbo. Kailangan, dahil ayaw pa naming mamatay.

" Rona, malapit na ! H'wag ka munang bibitaw. Kaya pa natin 'to." Hingal na hingal na nga kami pero nakuha ko pa ring sumigaw. Nakacasual kami kaya madali kaming nakakatakbo. Sila ay mga naka maid outfit at Butler outfit pa. May mga kutsilyo at mga metal na bagay silang hawak.

Nakita ko na ang sasakyan na sinabi sa amin ni Januel. At madaling madali kaming pumasok. Halos habulin kami ng kamatayan kanina. Hinahabol namin ngayon ang aming mga hininga. Nakakapagod. Nanghihina na rin ang tuhod ko at mga paa.

" Rona ayos ka lang ? Tubig oh." Sabay abot ko ng mineral water. Napakalungkot ng aura niya.

" H..hanne, sa isang iglap...nawala pala lahat ng ganoon kadali . Nawala ng ganoon kabilis. Dati ginagalang ako , nirerespeto at pinahahalagahan. Ang bilis , napakabilis" malungkot niyang saad. Kitang kita sa mga mata niya ang lungkot. Alam kong mahalaga ang lahat para sa kanya dahil President siya ng SC.

" that's life. parte lang 'yan ng mga pagsubok sa buhay natin. Kumbaga, patatagan lang ang kailangan natin. Kung magpapadala ka sa emosyon mo...masisira ka, pati buhay mo." May ngiti kong saad. Tama ,makakayanan namin ito. Pagsubok lang 'to.

Nakarating kami kala Januel ng maayos. Pagod pa rin kami at uhaw. Nakita agad namin ang nakataling si Mr.dela Fuego sa isang upuan. Ang kalmado niya kahit anak na niya ang nasa harapan niya. Wala siyang imik pero nagulat ako sa kakaiba niyang ngisi sa akin.

" A-ayos ka lang ?! " may pagka aligagang saad ni Yaj sakin. Hindi ko alam na pati si Jacob ay nandito. Kaibigan na rin naman namin siya kaya may tiwala kami sa kanya.

" h'wag kang OA , ayos lang ako." Pabiro kong saad sa kanya. Lumapit ako kay Mr.dela Fuego at tinabihan si Shane Allaine.

" Hanne...Raven...Remulla...nice to see you.." may tono niya saad atsaka ngumiti ng malapad.

" Huh ? " pagtataka ko naman.

" Ikaw ang kasalanan ng lahat ng ito. Ikaw lang at wala ng iba." Biglaan na lang siyang inakmaan ng suntok ni Yaj pero agarang napigilan ng iba.

" Yaj ! Huminahon ka nga ! Wala kang maitutulong sa galit mong 'yan." Saad naman ni Elaiza.

Ano nga ba ang sinasabi niya ? Ano nga ba ang kinalaman ko. May parteng pumapanig sa sinabi ni Mr.dela Fuego at may parte namang taliwas sa kanya.

Gulung gulo na ako...

----------×

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon