THIRTY NINE : shits

52 5 0
                                    

"Death and pain are just a small price to pay for the enjoyment of battle!"

-----------,

Sean's P O V

Tangina ! Ano ba talaga ang nangyayari ! Usapan ay usapan . Nagkasundo na kami ni Black na ito ang araw na tatapusin namin ang aming sinimulan. Pero ano 'tong nangyayari na halos lahat ng mga kaklase ko ay napatay ! At si Black lang ang sinasabi nilang kanilang tinatakasan. Hindi pa ako sigurado dahil hindi pa kami nagkakasalubong. Tumatakbo kami ni Yaj patungo sa isang bodega. Ang daming namatay ! Nagkalat sa paligid.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang ama ko kapag may ginawa silang masama kay Allaine dela Fuego...

" w-wait. Nakakahingal.." natigil kami sa pagtakbo. Magdadapit hapon na at mas nagiging delikado ang lahat.

" may paparating , Sean ." Saad ni Yaj na natauhan ng marinig ang mga yabag na iyon. Nagtago siya sa gilid nang mapagtanto kong sina Syd at Januel lang pala. Sakto. Itong malaking pintuan na lamang na ito ang hindi namin napupuntahan. Lumapit sina Jan ng mapansin nila kami.

" may kutob akong..." sabay turo sa malaking pintuan. " ...nandiyan sila sa loob." Dugtong naman ni Jan. Lumapit kami sa may pintuan. Pag-ikot lamang ng orasan ang aming naririnig wala kahit anumang salita ng isang tao.

" tara na." Saad ni Syd . Ngunit natigilan ako nang lumabas si Melai habang tinututukan ng isang pistol sa ulo si...Hanne. Napasinghap si Yaj at napamura ng makita niya iyon. Sumunod namang lumabas si Mr.dela Fuego habang tinututukan ng shot gun si Leila sa ulo habang kasama nila ang isang maskuladong lalaki na dala dala si Isah at may hawak hawak na chain saw. Nagtaka ako ng mapansin na wala ang ama ko at si Allaine.

Lumapad ang ngisi ni Mr.dela Fuego nang mapansin kong sa likuran ko siya nakatingin. Lumingon ako sa likod at mapansing naroon ang ama ko na nakangiti .

Tangina ! Nasaan si Allaine !

" chill~ nandyan na ang dalawang hinahanap mo. " marahan niyang saad. Huminto naman ang titig niya kay Yaj. Anong ibig sabihin nun ? Dalawang hinahanap ko ? Si...Allaine at black ba ang tinutukoy niya ?

" hm! May kasunduan kami ni Black at hinding hindi niya gagawin ang iniisip mo ! " sumbat ko sa kanya. Naramdaman ko ang titig nila Januel, at Yaj maliban kay Syd na alam ang lahat.

" e gago ka pala e ! Kasabwat mo pala si Black tapos ikaw rin ang pumatay sa mga kaklase natin ! Mga gago ! " kinuwelyuhan ako ni Yaj. Nanggagalaiti siya. Ramdam ko iyon sa bawat salita niyang binibitiwan.

" Traydor ka Sean. Pakitang tao ka." Tahimik lang si Januel ngunit kahit hindi galit ang tono niya ay ramdam ko naman ang totoong galit niya.

" Oh ano ? Set up 'to no ! Sinet up mo kami tapos kayo papatayin kami , at happy life na kayo . Mga gago talaga !" Marahas niya kong binitiwan. Hindi ako makapagsalita dahil sa kabilang banda tama siya. Isa akong traydor. Pero sa ngayon...hindi set up ang mangyayari. Dahil nagbago na ako..

" shut up Garcia. Wala kang naitutulong. Oo nga't isa siya sa mga killer noon pero alam mo ba ang dahilan niya...nila ? Oh di ba , hindi mo alam. Hindi pa huli ang lahat pero nagbago siya. Sa tingin mo set up 'tong nangyayari ? Ni pati siya ay gulat sa nangyayari. Sumbat ka lang kasi ng sumbat. Hindi ka man lang nag-iisip ." Nagulat ako at nahiya. Alam kong galit siya sa amin pero...bakit niya 'to ginagawa ngayon ? Nagbago na rin ba siya ? Syd...salamat , na kahit binaliwala ka namin dati...naniniwala ka pa rin sakin.

" ang dadrama ninyo nu !" Singit ni Melai. Hindi kami makakilos . Wala kaming laban.

" Yaj Danielle Garcia..." saad ni Alexander. Ang baliw kong ama. Hindi ko na siya maintindihan. Pati si Mama ay pinatay niya...binaril niya sa ulo si mama nun at tuwang tuwa pa siyang umaagos ang dugo nito. Napakasama niya. At ngayon mukhang ako naman ang papatayin niya.

" Oh... sakto nandyan na sila." Sambit niya. Paanong nangyari na... Ayoko na . Halos gusto ko ng pumatay ngayon.

Si Black na duguan at hila hila si Allaine sa may palapulsuhan.

Akala ko ba tutulungan niya ko ? Eh bakit niya ako binaligtad .

" Bilisan mo nga marielle ! " tinig na paparating dito. Dalawang babae... at siya ang magiging unang kilos namin.

---------

" oh~ may sasali pa.. " sambit ni Mr.dela Fuego nang makita sina Gia at Marielle. Ang kaniyang mga kapatid. Ang pinoprotektahan niya simula pa nung una kaya mas kumampi siya sa ama ko at kay Mr.dela Fuego.

"A...he-he. H..hindi p-po , p-paalis n-na nga po kami e." Pagsisinungaling ni Gia sa lahat. Nakalagay na sa mukha ni Melai ang pag-aalala at gulung gulo. Siguro'y nag iisip siya ng bagong kwento na ipapalabas saming lahat.

" di ba't kapatid mo sila ...Melai ?" Kung gusto nila ng laro...bibigyan ko sila. Alam ng Ama ko at ni Mr.dela Fuego na wala itong mga kapatid. Lumapit ako kina Gia at umikot ikot ng dahan dahan sa paligid nila.

" Bakit hindi ninyo sabihin sa kapatid ninyo ang sikreto niyong tinatago sa kanya..." ngayon naman ay silang dalawa ang namutla sa takot at halos magpalamon sa lupa sa binitiwan kong mga salita. Sikreto.

" kung ayaw ninyong sabihin...edi ako na lang mismo magsasabi." Saad ko at ngumisi.

" HINDI KO SILA MGA KAPATID ! DUH ! AKO LANG ANG NAG IISANG PADILLA SA HEARST HIGH ! MGA PEKE SILA! " edi nabuking rin. Aguas ang ginamit niyang pagpapakilala pati sa mga pekeng dokumento na ipinasa niya sa Hearst High.

" ayt. Nadulas ~" pang aasar ko atsaka pa lang siya natauhan sa kanyang mga sinabi. Gumuhit at lumabas sa kanyang mga mata ang totoong gulat.

Binitiwan niya si Hanne at nanginginig na tinututukan kami ng kanyang baril.

" Nagsinungaling ka samin. You deserved to....die. You was born to die though." saad ng ama ko at inagaw ang shotgun kay Mr.dela Fuego. Sa may gilid ay may isang syringe na nalaglag. Natunugan kong ito ay isang antidote. Pasimple ko itong kinuha at binulungan si Syd. Kahit awkward..ginawa ko pa rin.

" take this. Isaksak mo sa batok ni Black at kunin mo yung baril sa gilid niya. " pag uutos ko sa kanya. Tatlong putok lang ng baril ang narinig ko at kumalat na ang dugo sa sahig... mabilis namang nasaksakan ni Syd si Black at nakisabay sa mga nangyayari.

Ang problema na lang ay yung lalaking may chainsaw. Kaunti na lang matatapos na ang larong ito.

Sa kabilang banda... napansin ni Yaj kung sino si Black. Napamura pa nga siya at napasabunot sa mga nasasaksihan.

" Fvck ! Bakit siya ! Bakit ?!" Pagwawala niya. Sinamantala namin ang pagkakataon at nagkatitigan kami ni Black. Tumugon siya at mabilis na itinali ang paa't kamay ni Mr.dela Fuego at ipinosas sa gilid. Ginilitan naman niya yung lalaking may chainsaw. Isa na lamang ang natitira. Ang ama ko.

Humarap siya sa amin. Gulat ngunit pilit na nagpapanggap na kalmado.

Tinutukan siya ni Yaj ng baril at si Black naman ay galit na galit na nakatingin sa kanya. Habang kami ay inaayos sina Hanne,at yung Laranza sisters . Marami silang natamong sugat sa hita at braso. Parang marka gawa ng isang latigo. Si Allaine lang ang hindi nasugatan. Kaya siya ang nag-assist sa tatlo.



" Papatayin mo na ba agad ako ng hindi nalalaman ang buong katotohanan ... Hilaree ? "


" at papatayin mo ba agad ang ama mo, Yaj ?..."

Tama ba ang naririnig ko ? O mali lang ang pagkakarinig ko ...

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon