8 : Living Nightmare

108 10 6
                                    

"If you don't know how to live, why wonder about death?"
- Confucius

***





Yaj Danielle



Pagkatapos ng pagpapakita ni Hanne noong main proof sa pagkamatay ni Carlos , ipinaalam na namin iyon sa Class President namin. We're new here. Kaya kapag sinabi naming patay na si Carlos , walang maniniwala sa amin. Baka nga sabihing baliw pa kami o mapagbintangan na kami ang gumawa noon. Ang hirapa rin ng sitwasyon namin.

Sa Class President na kasama nila ng matagal , syempre maniniwala sila. Nahirapan kaming kausapin siya dahil hectic ang schedule niya. Isa siyang
news writer sa school na 'to , nagmamanage din siya sa music club dahil siya ang Vice President doon tapos inaasikaso niya din yung mga ibang gawain para sa upcoming event. SEE! ANG BUSY NIYA. Halos wala kaming espasyo sa schedule niya.

Pero syempre nahanapan namin ng tyempo at naipaliwanag sa kanya - kanila . Sakto kasing nandoon si Lance na Class Vice Pres. Noong una hindi rin sila naniwala pero nung makita nila yung pinanghahawakan naming pruweba . Ayun naniwala sila at nagulat 'din sa nangyari kay Carlos. Pero paano kung gawa-gawa lang rin ito ? Na pinaglalaruan lang kami , alam naman nating lahat kung anonang kaya ng teknolohiya ngayon . Paano kung mali kami ? Malaking kahihiyan ang mangyayari sa amin dahil hindi namin alam kung ano nga ba ang totoo .



Sino bang hindi magugulat kung patay na pala ang kaklase mo ng sa isang iglap lang ? Na hindi pala isang prank ang nangyayari . Hindi pwedeng madamay kami rito . Ano naman ang kasalanan ni Carlos at bakit siya pinatay ? Killing isn't an option for me . Kung paparusahan siya mas gugustuhin ko na lang na kalimutan siya kaysa burahin sa mundo. Bacause we're humans. And that's human was all about. Living with lies and fake people. Nakakasawa pero kailangan mo pa ring magpatuloy.

Nasa room kami. Balik sa dati wala nanamang teacher. Once in a bluemoon lang yata mangyari yun eh. Sinumpa ba ang seksyon namin ? Paaralan ba talaga ito ?


" Listen up ! alam ko namang masaya nanaman ang lahat dahil walang magtuturo pero pwede bang manahimik muna kayo ngayon ? Sa Private rooms tayo pupunta ngayon." pagpapaliwanag ni Lance. Oo madaming takot sa kanya. At sa kanya lang sila nakikinig .  Dapat siya na lang ang class president .


" tara na. May importante tayong pag uusapan. I'm serious here." nagpatuloy na kami sa pagpunta sa private rooms daw. napaka misteryoso ng school na 'to promise. Saan ka nakakita ng may private rooms ?at ayos lang ba sa mga guro na manatiling bulag ? Alam naming alam nila ang totoo , bakit ayaw nilang ipaalam sa amin at kailangan pa nilang pagtakpan ?


" Nandito na tayo." saad ni Lance at pumasok na kami. Nasa kabilang gusali kami ngayon , at pangatlong palapag ito.

Napansin kong may hawak hawak si Lance na envelope ? Pulang envelope. Ang lakas ng kutob ko na may koneksyon iyon sa nangyayari ngayon. Huwag niyang sabihing wala lang ang envelope na iyon. At nakakapagtaka kasi puro siya na lang ang nakakakuha ng ganyang bagay.

Napansin kong masaya si Hanne . May bago kase siyang mga kaibigan. Kasama na dun ang makulit kong kapatid. Halos lahat na yata ng kaklase namin ay kalapit na niya. She is friendly and nice. No one can resist her smile. Oo na , nagsisisi ako na hinusgahan ko siya at nasakatan. Nagpapasalamat na rin ako kay Ms. Dela Fuego , kung hindi siya dumating baka mas malalala ang nagawa ko kay Hanne. Pero hinding hindi na mauulit iyon.

Naguguluhan na nga ako eh. Ang sabi mag uusap usap lang eh bakit may naririnig akong camping ? Ang gulo . Hindi naman siguro hotel 'to na kinapapalooban ng mga kwarto na may comforter or bedroom . O yung instant kwarto sa bahay , yung ganoon . Nakakahibang itong school .



The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon