10 : 13 SURVIVORS

103 9 8
                                    

"Death, so called, is a thing which makes men weep, And yet a third of life is pass'd in sleep."
- Lord Byron

-----------×

Hanne


Bumalik na kami sa school nang malaman namin ang kalagayan ni Leila. Nag presinta naman si Russel at nakisama na rin sina Jan at Isah. Naasikaso na rin naman namin yung tatlong bangkay at nalinis na rin yung silid. May ilan kaming nakuhang mga clue. Pero mamaya pa namin pag aaralan at gagawan ng saliksik. Si Leoniel naman ay nagamot na rin. Pasalamat at daplis lang ang nakuha niya.

Pero ang pinagtataka namin ay may dugo sa mismong upuan ni Melai. Hindi naman ako detective pero kumuha ko ng droplet ng gabing yun at nilagay ko sa plastic yung droplet na may dugo. We're not sure. Kung si Melai ba yung nawawala . Para malaman dadalhin namin 'to sa kung saan man at ipapa DNA test upang kami ay makasigurado.


Pero mamaya pa iyon . Sasama kasi si Elaiza. Ang galing nga niya eh . Siya ang nagsilbing lider nang gabing iyon , hi di simpleng problema ng mga estudyante ang kinakaharap namin . Hindi pataasan ng marka kundi pagiging isa naming seksyon upang wala ng madamay pa.

Papunta nako sa silid nang maisipan kong pumunta sa sunog na lumang room sa likod ng Principal's Office. Lakad lang ako ng lakad.

Bakit ba kasi 'to restricted area eh sunog nanaman 'to ? Nakakapagtaka. Nakakabalie tong eskwelahan na to , seryoso.

" BOO ! "


" Wow , nagulat ako , Elai. Nagulat ako . " saad ko na may poker face. Naramdaman ko nanaman kasi kanina pa yung presensya niya kaya hindi na ako nagulat. Parang vampire lang ang peg ano , hindi naman ako manhid, i believe in my human instinct.


" Sorry na po , 'di mo na ko mapapatawad ? " huh ~ nag pout pa ! Di bale bagay naman kase ankyot nya. " saad ko sa isipan ko.


" Ano ba kase ginagawa mo dito ? " pagtatanung niya pa. Hindi ba dapat ako magtanong niyan sa kanya ?


" para kasing may hiwagang nakatago sa kwartong 'to eh. Restricted siya pero ano pang halaga nito kung sira at sunog na 'to. " sagot ko naman. Pangangatwiran ko pala.





Elaiza Marie Katsuragi
Transferee rin siya. Di ko napansin kasi lutang ako ng mga araw na iyon . Maganda , kyot , pretty , gorgeous , chubby cheeks , blue eyes , may eyeglasses na ikinakyot niya . In short -- maganda na kyot siya. Wag ka mala detective at intelligent siya. Puro kyotness di ba , pero totoo naman iyon.



" oo nga nagtataka rin ako. Mukhang noong isang taon lang siya nangyari." sambit pa niya at may ipinakita mula sa gilid.


Anong ibig sabihin niya ? Noong isang taon lang nasunog 'to ? Hindi ko rin malaman kung bakit hindi pa ito ipinatanggal o palitan ng bagong gusali to kung mahalaga sa kanila ito.


" kasi tingnan mo 'to..." sabay abot niya nung kahoy sakin na may nakaukit na mga numerong ito "...1402 "


" oh ano naman ? malay mo room number 'to ." sagot ko naman habang pinagmamasdan yung kahoy. Room number ano naman halaga nun ? Classroom ba tong nasunog ?


" Di mo ba napansin na walang ganyang room dito. Tingnan mo , room 12-D , 13-B and so on , walang 1403 o 1305 . Kakaiba. mukhang may mali." Seryoso niyang saad . Para talaga siyang detective. Napakamapanuri niya kahit sobrang liit na bagay binibigyan niya ng suri.



" kung 'di siya room number ... baka year yan. Baliktarin mo nga." saad ko at nalaman naming , taon nga siya.


" 2014 ." she said. Tama nga , noong isang taon lang 'to nangyari. Bakit nasunog 'to ? Aksidente ba o sadya ? Curiosity kills.


The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon