THIRTY ONE(Part 1) : Cursed City

66 8 4
                                    

"What is right? What is wrong? In this mixed up world, deciding what is right and wrong is not easy. You can't just go by somebody else's rules. If you let yourself be controlled like that, you'll just become a puppet that can't make decisions on it's own. You have to live by your rules". - Sakata Gintoki ( Gin Tama )

------------×

Black's POV

Fieldtrip .Things are going to be interesting. Nasa quadrangle pa lang kami. Iyon ang nakasaad sa plano. Kami lang na 14- S ang mag fifieldtrip. May plano na si Mr.dela Fuego at siya. Nakaupo lang ako ng tahimik sa may gilid. Nagtataka kung bakit siya nandirito.

Saglit na kumirot ang ulo ko. Itong pakiramdam nanaman na ito. Ang sabi ng Doctor wala lang daw iyon pero parang hindi na normal. May ilan kasing mga scenario na lumalabas sa utak ko kapag sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung sino siya.

" akala ko ba hindi ka sasama ? " pambungad kong tanong. Salamat, dahil buhay pa siya hanggang ngayon at nasa tabi ko pa rin. Pero paano kung pati ang mahal niya ay mapatay ko....mananatili pa kaya siya ?

" Tss. Nasa plano 'to di ba ? " malamig niyang saad. Pero alam kong wala siyang pakialam dahil hindi siya mamatay.

Hinding hindi dahil unang una, siya ang biktima. Pangalawa , siya ang susi para matapos ang sinimulan nila Mr.dela Fuego at ng kanyang Ama.

-------

Syd's POV

Mamaya pa naman ang fieldtrip. Maaga pa pero nakahanda na kami. Hinihintay lang namin ang tamang oras. Nakaupo nanaman siya sa may gilid ng bintana at nagbabasa. Ang palagi niyang ginagawa.

Hindi kaya siya nagsasawa ? Tutal bored na bored na ako. Bubwisitin ko na lang siya. Tahimik akong umupo sa kalapit na sofa ng bintana. Napangisi na lang ako. Tinitigan ko siya ng matagal. Alam ko na ayaw niya ng tinititigan siya pero wala siyang magagawa dahil gusto ko.

Lumipas ang ang sampung segundo ay napansin na rin niya. Ningisihan ko lang siya. May inis siyang nagsalita.

" anong tini-tingin mo ?! " tumaas ang isa niyang kilay. At ako naman ang nagsalita.

" Are you a girl scout ? " walang kwenta kong pagtatanung. Mapait siyang ngumiti at nagsalita.

" because you tie my heart in knots. Tss, corny." Bulalas pa niya. Napakunot ang noo ko sa inis. Sabi ko nga matalino siya di ba.

She's different. Lumapit ako sa kanya at...

Hinalikan siya sa pisngi. Dahan dahan akong naglakad palayo at may ngiti sa labi. Hinalikan ko siya sa pisngi kasi....

Kakaiba siya.

----------

Elaiza's POV

Dinala ako ng mga paa ko sa kung saan. Madaling araw pa lang kung kaya't may dilim pa ang langit. Sa 'di kalayuan may napansin akong tao. Isang lalaki na kilalang kilala ko kahit nakatalikod.

Lumapit ako at tahimik na tumabi sa gilid niya. Nang mapansin niya ako, bigla niyang kinusot ang mga mata niya. Tss, idedeny pa eh halata na.

" bakit ka umiiyak , Jam ? " diretso kong tanung. Diretso talaga dahil ayaw ko ng magsinungaling kung nakita ko naman talaga.

" hindi ah napuwing lang." Sabi na't idedeny pa niya. Napangiti ako ng mapait atsaka nagsalita.

" sige ka maduduling ka niyan. Nakita ko kaya , kaya h'wag mo nang ideny pa. So , bakit ka nga umiyak ? " saad ko sa kanya.

Ah, alam ko na kung sino. Magsasalita pa sana muli ako nang bigla niya kong hatakin at yakapin.

Naramdaman kong umiiyak nanaman siya. Bakit pati ako nadadala ? May pumapatak na ring mga luha sa mga mata ko.

" ang sakit...sakit na..." daing niya. Mas bumuhos pa ang mga luha ko at napabulong na lang sa sarili.

" bakit siya pa kasi ? ..." bulong ko na hindi niya maririnig.

Bakit ganito ? Anong nangyayari sa akin ...

--------

Sophia's POV

Fieldtrip na at excited na ako. (^v^) pero may bandang kinakabahan ako. Ewan pero siguro h'wag ko na lang muna yun pansinin.

Pumunta ako sa kwarto na kinalalagyan ni Cara. Ang aking beast friend. HAHAHA !

" HOY !! " panggugulat ko sa kanya. Tama ang hinala ko na abot na naman ng pose sa harap ng salamin. Wala talaga siyang pinagbago. Siya pa rin ang dating Cara na nakilala ko.

" ayos na ba si Hanne ? " pagtatanung niya. Sabay kaming umupo sa gilid ng kama. Nung kagabi kasi ay parang ang lalim ng iniisip niya. Ang tanging sabi lang niya ay ' okay lang ako, gusto ko lang mapag-isa ' buong oras lang siya sa kwarto. Alam kong nagugugluhan siya.

" don't worry, she's a strong-willed woman. She will be fine. Matatapos rin 'to, Cara..." at niyakap ko siya. Alam kong natatakot na rin siya. Makakayanan namin 'to.

" Tara na ? Hinihintay ka na nila..." lumabas na kami at sinarado ang pinto ng kwarto. Bumaba kami ng may ngiti. Kailangan naming maging matatag, kailangan namin para sa kanila, para sa lahat.

Fast forward ×2...

Nasa loob na kami ng bus. 3-seater. Pinagigitnaan naman namin si Cara. Ako/Cara/Philip , ganyan ang pwesto namin. Mahimbing agad na nakatulog si Philip habang nakaearphones. Kami lang ni Cara ang magkakwentuhan.

Nadaplisan ko ng tingin ang nagtatawanang Jamuel at Elaiza. Ewan pero parang may kumirot sa bandang dibdib ko. Pumaimbaba na lang bigla rin ang tingin ko.

" Ano ba ! Ang ingay ninyo kayang dalawa." Sigawan ng tatlo sa harap. Namely Rouie/Ronabelle/Jacob. Palagi na lang silang ganyan. Pero maayos rin dahil may dalawang handang magprotekta sa kanya.

Lilipas rin ang lahat at magiging normal muli ang 14-s...

----------

Clare's P O V

Kasama namin si Sir Benafin as guide teacher. May tiwala kami sa kanya . 2 days ang itatagal namin sa lugar na pupuntahan namin. Ang sabi ni Sir Takumi , Cursed City ang ngalan ng lugar. Isinumpa ang lugar dahil daw sa ganda at mapayapang lugar na taglay nito. Pero parang ayaw kong maniwala sa eksplanasyon ni Sir Takumi. May kutob ako na parang planado ang lahat.

Dapat kaming maghanda...

Nagulat ako ng may bumagsak sa balikat ko. Napatingin ako , napagtantong himbing na himbing si Nikolo sa balikat ko. Tulog na tulog. Ilang oras pa ang lilipas upang makarating roon. Napatingin ako sa bintana. Puro puno ang nasa paligid. Isang diretsong daan . Walang katao tao. Saan ba kami papunta ?

Huminto ang bus sa isang malaking mansyon. Nagtaka ako at nag isip . Pati si Sir Benafin ay nagbago ang hitsura sa nakita namin. Isang mansyon sa gitna ng kagubatan. Walang tao kundi kami lang. Akala ko ba fieldtrip ? Eh bakit parang camping 'to ? Ang gulo !

Nakababa na kaming lahat. Halos hatakin ni Sir Benafin sa galit yung driver ng bus. Kinuwelyuhan niya ito.

" Nasaan kami !! Sumagot ka ! " galit na galit niyang bulyaw. Napalingap lingap ang tingin ko at nahinto sa kanya. Natatakpan ng itim na hoodie ang kanyang mukha dahil sa nakayuko siya pero...nakangisi siya na parang gustong gusto niya ang mga nangyayari.

" w-wait l..lang po." Umakyat ang driver sa bus at napagtantong pinapaandar pala nito ang sasakyan. May ngisi niya kaming iniwanan. Napabato at napamura na lang sa inis si Sir Benafin.

" Putanginang driver ! Nagkagulu-gulo na ." Saad pa niya sa sarili. Wala na kaming nagawa kundi dumiretso sa mansyon.

Sumalubong sa amin ang isang matandang butler at maligaya kaming binati.

" It's my pleasure...Welcome to Cursed City."


-------------× ( to be continued)

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon