THIRTY FIVE: Best Friends

60 7 3
                                    

" If I can protect, I want to protect." - Li Syaoran ( Tsubasa Reservoir Chronicles )

---------×

Syd's POV

Ang sabi niya papasok siya ngayon a. Bakit hanggang ngayon wala pa siya ? Wala namang sakit 'yun . Maski si Isah na kapatid niya ay wala rin. Nasaan ba sila ? ARGH !!!!! I'M FUCKIN' INSANE NOW !

Bumaling ako sa likuran ko, nagtanong sa matalik na kaibigan ni Isah. Si Januel. Seryoso itong nagsusulat habang sa isang tainga ay nakasalpak ang isang earphone. Kinalabit ko siya at pasimpleng nagtanong.

" Nasaan sila Isah ? " pagtatanong ko sa kanya. Sinasamantala ko na ang oras upang hindi kami mapansin ni Ms. Kamishiro. Nag aalala na ako.

" Ang pagkakaalam ko lang ay nung umaga pa sila nandirito. Mga 5 am ng umaga. Nasa likod raw sila ng school. Ka chat ko pa nga nun e, atsaka 7:30 na kaya." saad niya. Pati rin siya ay nagtataka. Nasaan na kaya sila ? Shit naman o !

Nagmasid ako sa paligid habang nakahalumbaba, napansin ko ang bakanteng upuan sa may kanan. May bag ngunit walang tao. Nakilala ko ang mga bag na iyon at pagmamay-ari iyon nina Hanne at Allaine. Nasaan kaya sila ?

" Are you listening , Mr. Rivera ?! " may mataas na tono na saad sa akin ni Ms. Kamishiro. Pinatayo niya ako at nagtanong.

" translate this sentence into Japanese language (nihonggo). ' master wants to have a word with you' " sambit niya. Mabilis na nagproseso ang utak ko at mabilis siyang sinagot.

" Masuta wa omae to kotoba o motte nozonde iru." Namangha siya ngunit mabilis na naglaho ang reaksiyong iyon dahil mukhang napahiya ko siya.

Napangiti na lang ako dahil nagni-nihonggo na ako since nang magrade 3 ako. At naging bihasa n ako roon.

" Galing mo 'pre ! " pabirong saad ni Yaj sa gilid ko. Naalala ko nanaman si Leila. Nasaan ba sila .

Tumunog ang bell at breaktime na. Nagsitayuan ang lahat at nagsilabas upang magrecess. Nagulat ako sa paglapit niya sa amin. Ang paglapit ng ex-best friend ko mula sa amin. Nagbago ang ekspresyon ko at nagseryoso. Anong kailangan niya ? Lalapit nga lang pala sila sa akin kapag may kailangan sila. Fuck !

Tumalikod na lamang ako at kinausap si Jan. " pumunta tayo dun sa mga pinupuntahan nila. Para makasiguro." Atsaka kami umalis , ngunit may humawak sa balikat ko na dahilan ng paghinto ko.

Blanko ko siyang tiningnan. " Sasama ako. " walang emosyon niyang saad. Hindi namin siya kailangan. Kaya ko ang sarili ko.

" Para saan ? H'wag ka ng sumama ," mapait kong saad . Wala akong pakialam kung magalit siya sa harap ng klase ng dahil sakin. All in all , sila ang may kasalanan sa akin.

" hindi para sayo. Para kay Allaine. " nagpumilit pa rin siya at sumama sa amin. Tahimik lang kami . At napaka sama ng aura ko sa ngayon. Huminto si Yaj at aktong may sasabihin.

" kung maghiwa hiwalay kaya tayo ? Nang mas mapabilis. Kami magkasama ni Sean at kayo magkasama ni Jan . Game ? " he said. Tama , mas gusto ko pa ang sinabi niya kaysa makasama ang isang 'yun.

Una naming pinuntahan ang Journalist Den, wala kaming nakitang Leila at Isah kundi mga freshmen lang. Sumunod naman ang Library, ngunit wala rin sila roon. Ngayon naman ay papunta kami sa Big gate , ang likod ng school.

Saktong pagdating rin nila Yaj at Sean. Wala rin kaming napala rito kundi ang isang gwardiya na nakatayo . Lumibot ang mga mata ko at napansin ang isang maliit na envelope, binuksan ko ito at binasa .

" Block 333 slot 06 Enfer zone. 2nd floor. " nagtaka ako at napaisip.

" Syd , ano 'yan ? " pagtatanong ni Yaj. Matipid ko siyang sinagot. " envelope. " 'di ko na sila pinansin nang mapagtanto ko na ang sagot.

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon