FIFTEEN : R C A S J G

61 11 10
                                    

"I have no idea what's awaiting me, or what will happen when this all ends. For the moment I know this: there are sick people and they need curing."
- Albert Camus

----------×

Sir Hei's P O V

Pinapunta ako ni Sir Seven dito mismo sa resort ng mga Fuentes. Nalaman namin na may nawala sa restricted area. Ang libro na pinakaiingatan namin. Kung saan nakalagay ang sikreto ng tanyag na eskwelahan na pinoprotektahan namin. Kami lang nila Sir Seven ang nangangalaga at nagbubura ng mga kagaguhan ng mga estudyante. Lalo na ang Class 14-S. Lahat may tinatagong sikreto.

Nakita ko na ang hinahanap ko. Umaga pa lang nandito na ako. Masarap naman silang kasama. Alam ko rin yung mga nangyayari. Ang pagkamatay ni Carlos , at ng iba pa. Kami mismo ang lumilinis ng kalat na 'yun.

" Ang tagal naman ni Hanne." narinig kong pagrereklamo ng ilan. Ganyan talaga sila. Mainipin. Nasilayan ko na si Hanne at dala dala ang libro. Kinuha nga nila. Ako mismo , ni hindi ko 'yan binuksan. Alam kong may passcode ang libro. At kayang kaya ko rin yung buksan.

" Hanne ! Nawawala sina Gwyneth !! " isang sigaw mula sa isang lalaki. Bakas na bakas sa mukha niya ang pag aalala at may halong galit. If i'm not mistaken...he is Lance. Ang vice president ng Student Council. Ako rin ay kinabahan. Hindi pupwede ang mga nangyayari. May namamatay. Bakit ? Ano ang kasalanan nila. Kung dahil 'yun sa nangyari dati . Ang tagal naman ng paghihiganti niya . Dahil mahigit isang taon na ang lumipas.

Lumabas na rin kami. Alas singko pa lang. Mag gagabi na rin. Bakit siya pumapatay ?

----------×

Lance's P O V

Napansin ko na dumating pala si Sir Hei . Ang malapit samin. Ang taga linis ng mga duming ginagawa namin sa eskwelahan. Lahat kayang tumbasan ng pera. Lahat kayang palitan ng pera. Pero si Sir Hei hindi nabubulag nang dahil lang sa pera.

" You'll get a bang...out of life..." naalala ko na lang bigla. Yun yung nakuha ko mula kay Gwyneth. Ibig sabihin galing yun kay...Black.

ANG TANGA KO ! SH×T !Bakit ko hinayaan na lang na iwanan si Gwyneth ? Sabi ko lagi akong nasa tabi niya. Na poprotektahan ko siya, pero ano ?! hanggang salita nanaman ako ! Naduwag nanaman ako !

" Ellise dito ka lang ah. Bibili lang kita ng ice cream , hintayin mo ko ah." Ellise...nagsisisi na ako. Nagsisisi na si...Kuya.

" Tulungan natin yung bata oh , nasagasaan ata. At ang malala tinakbuhan pa nung nakasagasa." Ang tanga ko nun. Nangako ako sa kanya na palagi akong nasa tabi niya. Na hindi siya iiwan pero ano...hanggang salita pa rin ako nun--pati ba naman ngayon ? Naninira ng pangako ? Na isang duwag .

" Ellise , nandito na si Kuya...Ito na yung paborito mong i..ice cream o..oh . G-gumising k..ka na d-dyan. Maglalaro p-pa t..tayo." Naalala kong sambit noon. Duguan..at wala ng buhay ang kapatid ko noon dahil sa kapabayaan ko. Dahil sa kaduwagan ko at sa katangahan ko. Inis na inis ako sa sarili ko noon. Sinisisi ko paulit ulit ang sarili ko nun hanggang sa maging tahimik ako at walang pakialam sa mundo...hanggang sa magbago ako.

---

" Hoy Lance ! Tutunganga ka na lang ba dyan at hahayaang mawala ng tuluyan si GN ?!!!" hiyaw ni Yaj sakin. Hindi. Hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya. Ang lihim kong minamahal.

-----------×

Gwyneth's P O V

Amoy luma ang kinalalagyan namin ngayon. Nakakadena ang dalawa naming mga kamay na dahilan ng sakit ng mga kamay ko. A..ang s.sakit. Gumuguhit din saking ilong ang masangsang na amoy ng ...dugo. Hinanap ng mata ko ang pinagmumulan ng amoy. Nasa ibaba namin. Ang taas ng kinalalagyan namin. Nakatapat naman ang mga drums na punung puno ng dugo. Umaapaw. Mababalian lang kami ng buto kung malalaglag lang kami mula rito sa pagkakatali papunta sa drum. Hindi naman kami malulunod ,dahil mas matangkad naman kami sa drums.

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon