SEVENTEEN : Goodbye Gwyneth...

68 11 7
                                    

" People say you don't know what you've got. Until it's gone. Truth is , you knew what you had , you just never thought you'd lose it."

-----------×

Marjorie's P O V

Yung gabi na 'yun . Naalala ko nanaman. Paulit ulit akong ginugulo. Hindi pinapatulog. Ang sakit sa ulo , parang hindi ko na kaya .

" Hoy Marj ! Nica ! , tara nga dito..." siya ang may kasalanan. Siya ! Kung hindi niya sana ginawa 'yun samin hindi namin gagawin 'yun sakanila. Nababaliw na ko !!

" Ganito...sina Raizza , Gwyneth at Chabelita ang target." dapat hindi kami natakot sakanya. Dapat hindi kami sumunod sa kanya. Hindi ...Sana hindi nangyari 'yun.

" Marj...itigil na natin 'to.." narinig kong bulong noon ni Nica sakin pero hindi ako nakinig . Nabingi ako sa takot. Hinayaan kong lamunin ako ng takot. Naging sunud sunuran niya kami. At ngayon...natatakot ulit ako na samin niya isisisi ang lahat.

" P...please p..pakawalan ninyo kami.." yan ang pagmamakaawa nila. Ni hindi ako lumingon o nagpakita ng awa. Sumunod lang ako sakanya dahil sisirain niya ako , pati si Nica.

" Hoy Marj ! " nabalik ako sa realidad sa tawag niyang yun. Nilalamon ako ng konsensya ko...hindi ko na kaya. Gusto lang mangtrip niya noon. Pero hindi namin inaasahan ang pagdukot sa kanila at sa tatlo pa saamin. Nakaitim silang maskara.

Tatlo sila... Hindi ko malaman kung babae o lalaki sila.

Raizza...Chabe...Gwyneth..I'm s..sorry.

" Hoy Marj , bakit ka umiiyak ?! " umiiyak na pala ako. Naiinis ako dahil sa ginawa kong iyon. Dapat hindi nalang kami sumunod.

" R-roselyn...hindi ko na kaya.." niyakap nalang niya ko. Ang bigat bigat.

" ssh..tahan na , kung may problema ka..handa akong makinig. Kaibigan mo ako." tinuring nila kong kaibigan. Naging mabuti silang kaibigan pero ...binaliwala ko lang 'yun.

Nagsisisi na ako...patawarin ninyo na ko..

------------×

Nica's P O V

Gusto ko na ring mamatay. Hindi ko maintindihan kung bakit kami sumunod sa kanya. Na hinayaan namin sila at kunin ng mga nakaitim na maskara. Tatlo sila. Naka itim silang maskara pero nakita kong tiningnan nila ako. Kahit malayo..sapat pa rin na makita ko sila. Nakakatakot at nakakakilabot na titig ang iniwan nila sakin noon. Baka isunod rin nila ako sa pagkakataong ito. Natatakot ako..

" kamusta pagtulog ? " may asar na tono niyang saad. Siya ang may kasalanan ! Napakasama niya !

Hindi na lang ako sumagot. Ayoko ng gulo. Ngayon hindi na ko magpapadala sa takot. Tao lang rin siyang katulad ko. Walang rason na katakutan siya.

" Nawalan ka ba ng dila at hindi ka makapagsalita ?! " hawak na niya ko ng mahigpit sa panga. A..ang s-sakit . Binitiwan rin niya ako.

" Dapat kayo na lang mamatay..." saad niya at tumawa pa. Isa rin siyang demonyo na nandirito sa lupa. Nagpapanggap na anghel at isang maamong hayop. Napakasama niya. Maihahalintulad na rin siya sa mga killers. Para na rin siyang pumatay gamit ang ibang kamay.

" ikaw ang dapat mamatay...Mary Cris.." mahina kong sambit. Sapat na para ako lang makarinig. She..deserve...to..die.

Siya ang may kasalanan kung bakit namatay sina Gwyneth. Kung hindi namin sila iniwan sa gubat.. sana buhay pa sila ngayon. Sana payapa ang isipan namin ni Marjorie. At sana masaya pa kami. Isa lang siyang malaking dumi sa eskwelahan. Akala niya siya ang reyna. Akala niya siya ang bida...maghintay ka susunduin ka na ng hari mong si kamatayan. Mamamatay ka din..katulad namin. Iisa lang ang babagsakan natin.

Ang kaharian mo sa ilalim ng lupa...Ang impyerno.

Sorry...Raizza , Chabelita at Gwyneth..nagsisisi na ako..handa na rin akong mamatay. Patawarin ninyo na kami.

----------×

Sir Hei's P O V

Napagplanuhan naming umuwi na rin ngayon. Nandito kami sa hindi kalagitnaan sa gubat. Napakaganda ng area na 'to. Maraming rosas. Mga matitingkad na kulay pula. Ang gaganda. Parang isang paraiso ang napuntahan namin. Dito namin inilibing nina Lance , Jan at Sherwin ang anim na namatay.

Hindi ko alam kung sino ang may gawa ng walang awang pagpatay na 'to. Nung una , ayoko pang manghimasok sa mga nangyayari...pero ngayon kailangan ko na. Marami ng nawala , namatay sa kanila.

Dati..hindi naman ganito. Masaya sila. Pero noong nangyari iyon...nawala na lang ang lahat bigla. Natuklasan ko na masaya sila dahil pinagkakaisahan nila ang isa. Pinagtitripan o kaya ay sinasaktan. Hindi kami nangingialam dahil hindi pa hawak ni Sir Seven ang eskwelahan.

Naging madumi ang lahat noon... May patayan laging nagaganap. Tahimik at sunud sunuran lang ako. At 'di ko inaasahan ang ginawa ng Class 14-S . Sila 'yun. Lahat ng pilot section...mapa junior ,senior o anupaman , 14-S lang ang pangalan ng Pilot section hanggang ngayon. Hindi binabago.

Lumala ang lahat. Umabot dun sa puntong nagawa nila ang hindi dapat nilang gawin. Ang makapatay . Inosente at mabait ang paborito nilang pagtripan at saktan..pero buti na lang hindi siya ang namatay ..kundi 'yung malapit na tao para sa kanya.

Simula noon napalitan na. Si Sir Seven na ang nangangalaga ng H.H.A. Pero may kutob ako na may koneksyon ang libro sa mga nangyayari. Pumitas ako ng mga pulang rosas at inilaglag sa lupa kung saan sila nakalibing.

Maaayos rin ang lahat...pangako.

-----------×

Lance's P O V

" Bitiwan mo na siya , dahil wala na siya..." Tama si Yaj. Kailangan ko na siyang pakawalan.. Hindi naman sa hindi ko na siya mahal , papakawalan ko siya para maging masaya siya. Mahal na mahal ko siya. Sobra.

Sapat na saakin yung kahit sa una't huli naming pag uusap noon naparamdam ko sakanya kahit papaano na mahal ko siya.

Pumitas na ako ng isang puting rosas. Kakaunti lang ang puting rosas sa paligid namin. Mas marami ang pulang rosas. Pulang rosas na palagi niyang ibinibigay sakin.

Tumalungko ako at inilapag ang puting rosas sa lupang kinalilibingan niya. Masakit pa rin. Pero 'di na gaano.

Gwyneth..sorry kung 'di ko agad naparamdam na mahal kita.. sorry kung 'di man ako nakapagsalamat sa mga pulang mga rosas na palagi mong ibinibigay saakin... sorry kung hindi kita naprotektahan...sorry sa lahat...

" Pare tara na." saad ni Sherwin. Isa na lang.

Hindi ako tumugon sa kanya.

" Goodbye Gwyneth... i love you.."

Pangako...igaganti kita kay Black , sa kanila. Hindi ko hahayaan na mabuhay sila. Kung buhay ang kinuha nila saakin..buhay rin ang kukuhanin ko mula sa kanila.

-----------×

"The truth is, everyone is going to hurt you. You just got to find the ones worth suffering for."
- Bob Marley

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon