TWENTY TWO : The Truth

65 10 7
                                    

" Life is all about challenges, There's no point in living if there's no one strong to play with, It's better if I can't win ." - Kagami Taiga ( Kuroko no Basket )

----------×

Yaj's POV

Nasa kwarto lang ako dahil walang pasok. Nakakabagot. Bumangon ako at lumabas sa kwarto. Nandito nanaman pala siya. Ano bang ginagawa niya rito ? Tiningnan ko lang siya at tumungo sa may kusina. Ano bang pakialam niya samin ? Eh kung puntahan na lang kaya niya yung kabit niya . Mukha siyang trabaho . Mas pinahahalagahan rin niya ang kabit niya kaysa saamin. Ano bang buhay 'to. Napakagulo.

" Rain anong ginagawa niya rito ? " pagtatanung ko kay Rain na nagbabasa habang umiinom ng kape sa may gilid. Ibinaba niya yung libro at tiningnan ako. Minsan nga naiisip kong hindi kami magkapatid eh. Ang layo ng hitsura at ugali namin sa isa't isa.

" Kakamustahin raw tayo." simple niyang sagot sabay higop sa kanyang kape. Bahagyang natawa ako dahil iyan na lang palagi ang dahilan niya sa pagpunta rito. Walang kwenta.

Noong simula nung gabing yun , nalaman kong mas mahalaga ang trabaho niya at yung kabit niya kaysa saamin ni mama. Wala pa si Rain noon sa bahay. Sampung taon niyang nasa puder si Rain. Pinagsama lang niya kami nung nangyari iyon.

"  Yumi tigilan mo nga ako . Sinabi ko naman sayo na may gagawin pa ako . Di ka ba makaintindi ?!!  "  ang pagsigaw niyang iyan kay mama paulit ulit. Puro trabaho. Hanggang sa isang araw. Naiwan lang ako kay Manang Moli dahil umalis saglit si mama. Ilang minuto ang lumipas dumating din siya kaagad.

Matatamis na ngiti na hindi ko na nakita. Pumunta siya sa kwarto ni papa at nabitiwan niya sa gulat ang basong hawak niya . Kitang kita namin ni Manang Moli ang babaeng iyon. Nakita ko rin ang unti unting pagpatak ng luha sa mga mata ni mama. Pati ako nasaktan noon. Mahal na mahal ko si mama pati si papa noon pero ngayon hindi na. Tiwala ang sinira niya , niloko niya kami. Sinong matinong ama ang makikipaghalikan sa ibang babae at sa pamamahay pa niya ?

" Sabihin mo sa akin Alex na hindi totoo yan ! " magaralgal na ang boses ni mama noon dahil sa pag iyak. Napaka sama ni papa, ang sama sama.

" Alex..sabi mo sakin wala ka pang asawa...Sinungaling ka ! " sigaw nung babae. Umalis ang babae na lumuluha rin. Umakyat naman si mama sa taas. Sinundan ko naman siya.

" Mama saan ka pupunta ? " pagtataka kong tanung. Lahat ng damit kasi niya ay inimpake niya. " Mama...iiwan mo ba ako ? " umiiyak na rin ako dahil ito ang unang beses na hindi niya ako pinansin.

Agaran siyang tumayo at dinala ang maleta. " Wag mama ! Mama wag mo kong iwan.. Mama ! Mama ! Mama wag mo kong iwan..." papahina ng papahina ang boses ko. Nasa gilid lang ako at iyak ng iyak . Wala na si mama.

Nakita ko naman noon si papa at akmang yayakapin ako pero sinigawan ko lang siya ng sinigawan.

" MANLOLOKO KA ! SINUNGALING ! NAPAKASINUNGALING MO! DAHIL SAYO INIWAN AKO NI MAMA ! AYOKO SAYO! HINDI NA KITA PAPA ! ANG SAMA SAMA MO! PINAGPALIT MO SI MAMA SA IBA! MANLOLOKO ! SINUNGALING !!! " galit na galit kong sigaw.Nang dahil sa kanya iniwan ako ni mama.

Nawala ang mama ko dahil sa kanya. At hinding hindi ko siya mapapatawad kahit kailan.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Inilahad ko ang kamay ko patungong labas. Tiningnan ko siya saka ako nagsalita.

" umalis ka na. Hindi ka namin kailangan." seryoso kong saad. Wala siyang nagawa kundi lumabas. Wala akong pakialam kung umiyak o magmakaawa pa siya sa harapan ko. Maibabalik ba niya ang nanay ko kapag pinatawad ko siya ? Di ba hindi.

------

Sean's POV

Nagbihis na ako ng ganito kaaga. Pumunta sa may hardin at pumitas ng ilang puting rosas. Tumungo muna ako sa kwarto at nag ayos. Mga ilang minuto rin ang itinagal ko. Hinahanap ko kasi ang susi ng kotse ko. Hindi ko naman itinatago iyon sa labas , dito lang mismo iyon nakatago.

" ito ba yung hinahanap mo ? " akala ko nasa opisina na siya , nandito papala . Nagbago ang ekspresyon ko at tiningnan siya ng masama.

" akin na , may pupuntahan pa ako." Pero iniwas lang niya sakin ang susi. Sana pala inagahan ko, nakakabuwisit siya kahit kailan. Halos lahat inilayo niya sakin. Yung matalik kong kaibigan pati na ang nanay ko. Dahil sa kanya namatay si mama. Napakasama niya.

" sasamahan na kita papunta sa sementeryo. Alam kong pupuntahan mo ang mama mo , Sean. " sambit pa niya. Ano bang pakialam niya ?

" Ayoko. Bakit mo pa siya pupuntahan ? Eh pinatay mo siya di ba ? Alexander ?! " napataas ang boses ko sa pagkakataong ito. Nakita ko ang lahat , kung paano niya itulak si mama sa hagdanan. Demonyo siya.

" hindi kita pinalaki ng ganyan ! Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo! Ama mo pa rin ako !" Kinukwelyuhan na niya ako pero blanko pa rin ako. Galit na galit ang mga mata niya , halos titig pa lang mamamatay ka na sa kanya.

" hindi nga, ikaw nga ba nagpalaki sakin ? Hindi di ba ? Si mama lang. At ama nga ba kita ? Ang alam ko wala ako noon. " binitiwan niya ako atsaka siya iniwan.

Ni hindi ko naramdaman na anak niya ako at ama ko siya. Mama...namimiss na kita.

----------

Hanne's POV

Sabado . Kahit papaano mapapahinga ako sa damuhong Yaj at sa iba pa. Napapikit ako saglit. Naisip ko nanaman siya.

Nasaan na kaya siya ? Kilala kaya niya ako ? Maraming tanung ang nabubuo sa isipan ko. Napakarami. Hindi ko alam ang mga sagot. Tumayo na ako sa kama dahil kakain na pala kami. Ang bilis ng oras. Masyadong mabilis.

" ayan na po , Ma. Liligpitin ko lang po ito." Saad ko naman. Dali dali akong bumaba at umupo sa may hapag kainan. Naisip ko nanaman si papa. Mas masaya siguro kung kasama namin siya.

" anak may problema ba ? " napansin pala ni mama. Hindi naman siguro masamang magtanung di ba ? Gusto ko lang naman malaman kung sino ang papa ko. Hindi naman masama iyon di ba.

" mama...nasaan si papa ? " nakayuko kong pagtatanung . Minsan ko ng itinanong 'to kay mama kaso , hindi niya ako sinagot.

" namatay siya sa isang aksidente. A..at kasabay noon ang pagkawala ng kakambal mo." Parang ayokong tanggapin o intindihin lahat.

W..wala na pala si papa. Wala na pala siya talaga. Ni hindi ko man lang siya nakita. Nayakap o nakausap man lang .

" Hanne...may kakambal ka. Kinuha siya sa atin at isa lang ang alam kong gagawa nun ..." may kakambal ako ? Bakit ngayon lang 'to sinabi ni mama sakin ! Naiinis man ako pero wala akong karapatan.

" si Alexander Martinez, ang matalik na kaibigan na nagtraydor sa papa mo." A-alexander ? Best friend ? Trinaydor ? Kinuha yung kakambal ko ?

Anong dahilan niya ?

-----------×

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon