7 : Unlawful truth

120 12 15
                                    

" Justice will prevail . " - L Lawliet



****



Hanne Raven






Nandito ako ngayon sa room. As always , maaga ako. Mga nagkalat na gwardiya at guro ang nandito pero ang pinagtataka ko ay -- bakit parang wala silang pakialam kung may namatay o mamatay man na estudyante ? Yung parang wala lang kami rito at trabaho lang ang iniisip nila.

Pumunta na lamang ako sa harapan at tumigil sa pag atupag ng pagtatanung sa sarili . Napagpasyahan kong pumunta sa upuan ni Carlos. Dito yun sa pangatlong row sa may gilid , malapit sa bintana. Nagsimula akong gapangan ng kaba ng may nakita kong mga pictures na naka pin sa mismong desk niya. Sino nanamang gagawa nito ? Prank pa rin ba 'to ? Nasaan na kaya si Carlos ? Sabi kasi ng adviser namin , out of town daw sila . Pero ang alam ko malupit sa kanya ang stepmother niya para gawin iyon . Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan.



Mula sa Baby pictures niya hanggang sa hitsura niya ngayon. Natigilan ako at sinimulang matakot ng makita ko ang larawang ito na siya ang nakalagay. Isang Carlos Montejo na nakaupo sa isang kahoy na upuan , naliligo ng dugo ang buong katawan at -- Nakatahi ang kangyang b-bibig.

G-ganitong ganito ang nasa panaginip ko , maliban sa may tahi ang bibig niya , p-pero , SINO ang may kagagawan nito. Hindi naman totoo ang mga panaginip di ba ?

" peek a boo ! "

" AY TIPAKLONG NA KABAYO ! " saad ko ng gulatin ako ni Yaj mula sa likod. Iniwan ko ang ilang picture ni Carlos sa desk niya maliban sa hawak kong 'to. Gusto kong makasigurado kung totoo nga ba ito at yung koneksyon nito sa panginip ko.

" Wag ka ngang nanggugulat ! Ang epal mong suplado ! " hiyaw ko sa kanya na pasimpleng itinago ang picture na hawak ko kanina . Ayoko munang may makaalam maliban sakin. Lalo na 'tong Epal na kurimaw na 'to , minsan na niya kong pagbintangan . Baka maulit pa yun 'pag nakita niyang hawak ko ang magsisilbing sagot sa tanong , takot , pag aalala't pagtataka ng lahat.


" atleast GWAPO ~ " isang linya niya na napaka luma . Kahit kailan panira siya , sarap ipalamon sa pating eh.

" Yaj tigil tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo , malayo pa April Fool's Day. Kaya manahimik ka , June palang o  ~" saad ko sa kanya habang papaupo na sa pwesto ko. Wrong move. Katabi ko nga pala siya. Wala pa kasing tao sa room , kami pa lang . Si Hilaree naman daw nasa Music club room. Ano kayang instrumento ang tinutugtog ng kapatid niya ? Piano ? Guitar ? Flute ? Or drums ?


" anung kalokohan ? katotohanan yun noh ! " dagdag pa niya. kabuwiset 'to kahit kailan hanggang sa walang hanggan siya nawa ! ~ Napaka epal , napaka panira , napaka. napaka. napaka ! Mah-highblood ako sa kanya kabanas.



" Eto piso humanap ka ng maniniwala sayo ." irita at direkta kong sagot sa kanya. Iniabot ko pa yung piso saka ako dumukmo sa desk ko . Gusto kong matahimik. Pero wala akong magagawa kasi katabi ko siya.


" ang cheap ! walang poncio  pilato ang papayag sa piso mo ! " sambit pa niya. Wala ba siyang timeout napaka ingay na nga , napaka pamwiset pa.


" anyenye.nye blah blah blah ~" pang aasar ko pa.

" Garcia and Remulla Get Out ! " susmiyo kapapasok pa lang ng teacher namin sa pintuan napalabas na agad kami ? Wrong timing naman. Pero ano pa bang magagawa namin ?



" Si--" sabay pa naming sambit. Di ko alam na may guro na pala sa harap. Tss , kabwiset. Ngayon pa sila dumating.



" I SAID GET  OUT !!! " ang matinis at maingay na boses ang nasa classroom ngayon. wala na kaming nagawa at lumabas. Hinatak ko siya papuntang library. Safest place. Ayoko na sa garden makita pa kami nung kapre ang the company tapos makukulong nanaman ako at siya sa discipline's HQ.



The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon