ELEVEN : Sweet Night

100 11 20
                                    

"Love is the only force capable of transforming an enemy to a friend."
- Martin Luther King

----------×


Hanne



6  o' clock pm . Nagpalit ako ng damit dahil may pupuntahan kami ni Elai. May aasikasuhin pa kami ngayon. Hindi na pwedeng ipagpabukas dahil isang linggo ang itatagal namin sa resort nila Rouie. Malayo layo rin iyon kaya mahihirapan lang kami sa pag aasikaso.



" mmm . Tara na ? " pagtatanong ko kay Elai na nakahanda na pala. Dala dala namin yung droplet na pinaglagyan ng dugo sa upuan ni Melai . Pupuntahan din namin yung bahay ni Elai dahil yung ibang dokumenti at pag aaralan yung track code para mabuksan yung lumang libro na 'to. Ngayon lang ako nakakita ng libro na nakalock ng parang sa isang slambook ng mga bata. May code pang kailangang ilagay para mabuksan. Kaibahan lang ay yung nakaimprintang mga salita sa mismong padlock. Ang mahal siguro nito kapag ibinenta .



" Tara na. " saad niya .



Umalis na kami. Nasa kusina kasi yung iba , yung iba naman nagkalat sa salas , tapos yung mga mahilig magsenti nasa veranda. Galing nila no ? Ginawang tambayan ang bahay namin.





Lalabas na kami ng mapansin kami ni Sophia at Cara. Argh ! Gumana dapat ang pagiging artista ko ngayon sa kanila. Kailangan namin ng kapani paniwalang palusot.




" Oh ? Saan kayo pupunta ? " pagtatanong ni Sophie at nilapitan pa kami.


Hindi nga kami napansin nung mga nasa loob tapos ito naman ang makakapansin. Hindi ko pa kasi sinasabi yung tungkol sa lumang libro na nakuha namin doon sa sunog na lumang kwarto kanina.




" He-he ...ano e , inutusan kami ni Mama na pumunta kala Tita. Saka nga pala Cara , may ibibigay daw sayo si Viel. Sige na maiwan na namin kayo nagmamadali kami e. " pagsisinungaling ko.

Kumikilos muna kami. Honestly speaking , ako , si Elai , Yaj , Mikko , at Lance lang ang nakakaalam sa ginagawa namin. Maliban sa libro na nakuha namin. Kailangan naming kumilos iyon lang ang paraang natitira.



Umalis na kami bago pa magbago isip nila Sophie at sundan kami. Ganoon kasi sila kakulit. Hangga't hindi kapani paniwala , bubuntot sila.



" K-kanino tong kotse ? " pagtatanung ni Elai sakin.

Natitigan ko yung kotse.


" Woy...sorry na."

Ah ! Argh ! Bakit ko ba kasi siyang hinayaan dito sa labas ? Naku naman ! Ang tanga ko lang talaga . Huwag mong sabihing nandito pa rin siya ?


Nahagilap ko si Yaj na nakasandal sa gulong ng kotse niya. Agaran ko siyang nilapitan. Problema 'to ! Bakit hindi kasi siya sa loob ng kotse niya di ba !



Inaapoy siya ng lagnat . Kasalanan ko 'to e ! Kung pinapasok ko siya sa bahay hindi siya magkakasakit . Nagiguilty ako leche. Bwisit lang !




" ELAI ! TAWAGIN MO SINA VIEL AT JAM ! BILIS ! " pagtawag ko kay Elaiza na aligagang aligaga sa nangyayari. Ugh ! Kasalanan ko 'to. Nagpamak pa ko ng tao.


" sige sige ." sagot ni Elai sakin at pumasok sa loob .




" H...Hanne , I'm s..sorry..." rinig kong bulong niya.



" Okay na Yaj, okay na , Wag ka munang magsalita. " saad ko naman at saka nakita kong lumabas sina Jam , Viel at Elai.


" Buhatin ninyo siya . Dalin mo sa guest room ! Inaapoy siya ng lagnat. Bilis ! " sambit ko sa kanila at ako ang nagdala ng gamit ni Yaj. Grabeng tao to paano kung iba pa nangyari sa kaniya , gabi na kaya !



The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon