3 : Yaj Danielle Garcia

155 14 5
                                    


****



Yaj Danielle



" okay class. Sila ang dalawang transferee ngayon. " saad ng guro habang kalmang nakaupo sa harap. Mukhang terror siya. Hitsura pa lang eh. Pero hindi naman yata siya ang adviser namin kasi kung siya , nakakawalang gana.

Ngumiti ? mali ... ngumisi silang lahat na ikinagulat ko. mayroong iba sa ngisi nila. Parang may ibig sabihin na hindi ko mabasa. Ang hirap nilang basahin , hindi sila ordinaryo kung titingnan. May kayang gawin na imposible para sa isang teenager .

" mr. Garcia , can you please introduce yourself ? " marahang tanong ng guro sa akin. Tumayo ako at nagpakilala ng maayos.

piece of cake huh. * smirk.


tumungo na ko sa harapan at tumayo ng maayos.



" Yaj Danielle Garcia is the name. Nice meeting you all ." marahan kong pagpapakilala sa kanilang harapan at nag iwan ng isang matamis na ngiti . Yung hindi nila malilimutan. hindi naman ako abnormal kung iyon iniisip ninyo.



" you may sit there ." saad ng guro namin at turo sa vacant seat sa may likuran. ang hirap talaga pag late ka,  laging sa huli ang uupuan.



" now , ms. Remulla. kindly introduce yourself too. " sambit ng guro naming tamad na nakaupo sa harapan. Hindi man lang ba siya tatayo ? nakakangawit kayang umupo.

" hello... I'm Hanne Raven Remulla." saad naman nung H-Hanne ba yun ? malay ko ba.

" Occupy the next seat beside Mr. Garcia. Late punishments . " pag ngalandakan nung guro naming tamad sa amin. Seryoso , teacher ba talaga siya o principal ? Nakaupo lang siya ng nakaupo . eh malay ba namin eh hindi naman namin kabisado itong malawak na academy na 'to.
Habang nagsusulat sa board ang guro namin , napasadahan ko ng tingin ,
yung H-hanne ? pamilyar masyado yung mukha niya sa akin . Kamukha niya yung little sister ko.

nasaan na nga ba yung makulit na yun , aber ?! nauna pa siyang umalis sa'kin ah. Nagkaproblema kasi noong isang taon kaya huminto ako ng pag-aaral kaya magkasabay kami ngayon.




" may dumi ba ako sa mukha ? " napatagal ba masyado yung tingin ko ? Tch.  hindi ko na siya nilingon pa at kunwaring walang narinig.

"  suplado ." pabulong niyang saad. Pakialam ko . mapagkamalan pang   ina-admire ko siya. Ayoko ngang ma-attached sa kahit sino dito dahil ayokong magtiwala sa kahit sinuman.



*****



Hanne Raven


may kakaiba sa kanila parang ang saya saya nila palagi . sa bagay, mga walang problema sila.Walang pinoproblema. Mga anak mayaman. Mayaman rin naman kami pero iba sila , yung may kapangyarihan. Superyor kumbaga.

Recess na namin. Buti kanina ay sakto ang dating namin at hindi kami masyadong late , exaggerated lang kanina , kung makasabi ng late samin akala mong isang oras kami nahuli sa klase niya.

Time flies so fast.  May nakita akong pumasok sa amin. Babae. Late ba siya ? kasing tangkad ko lang siya at ka edad ko lang siya for sure. Ang cute nga niya pero kakaiba yung aurang dala niya . Jolly yet mysterious. Ang gulo. Nakita kong papalapit siya sa pwesto namin , since bago lang ako rito wala pa kong kaibigan . Ayoko namang lumabas at mag recess dahil baka malate nanaman ako .



" kuya !!!!!! " sigaw nya sa di kalayuan sa amin. Yung katabi ko ba ang sinasabihan niya ?

tumakbo siya sa puwesto namin . Magkapatid ba sila ? Hindi halata. Suplado yung isa na yan at makulit naman ang isa na 'to. Oh diba ang laki ng difference . Saka kahit naman sa mukha hindi sila magkamukha.



" Ba't ngayon ka lang ? tss. pasaway ka talaga kahit kailan, Rain." sagot naman niya at tumayo na si Supladong Goliath. It suits the nickname well. Ang suplado niya kasi. Nakakainis kapag siya nakikita ko at nakakaasar dahil magkatabi pa kami. Kanina naman parang siyang anghel na nahulog sa langit , ang gulo niya.



" Kuya naman! sabi kong H-I-L-A-R-E-E eh !! " paghiyaw naman niya na parang bata. Huwaw. Childish tas Supladito ? HYBRID ! natatagalan kaya nila na magsama sa iisang bubong ?



Ugh ! nga pala ba't nandito pa ko ? ano 'to ? Chismakers na ko ,ganon ? Tsismosa na ako ganoon ? Hay gusto ko ng umuwi , ang hirap magpokus kung sunud - sunod ang kamalasan mo ngayon .




" Hello ! " saad sabay balikwas niya sa kin ? Wala naman siyang kakausapin kasi sa kabilang gilid wala naman yung katabi ko.


" ako ba yung kinakausap mo ? " saad ko naman habang tinuturo yung sarili ko.

" Hindi , yung upuan." pagbulong naman ni Y-Yaj ? Suplado tapos pilosopo pa . kauti na lang bibingo na siya  sa akin.

" may sinasabi ka ba Mr. Garcia ?" saad ko at ningitian siya ng pilit. kaunti na lang masasapak ko na siya. Gustung gusto ko na siyang ipakain sa mga piranha.



" hehe. oops. pagpasensyahan mo na yung kuya ko a. Meron kasi siya ngayon. " saad niya at ningitian ang Supladitong kuya niya. Buti pa siya marunong ngumiti ito namang kapatid niya walang ginawa kundi magsungit.



" by the way , Hilaree nga pala ." saad niya sakin at inextend ang kanan niyang kamay.  ow. new friend ? nice. ang bilis. Hayaan muna para maganda . So siya pala ang una kong kaibigan rito .


" Hanne pala . Ang bait mo naman yung kuya mo suplado e. "  i said and smile at her. Papahina ang boses ko baka kasi marinig nanaman nung suplado na iyon


" hahaha masanay ka na sa una lang naman yan kasi may trust issues siya , masasanay ka rin . " sambit ni Hilaree sa akin. Trust issues ? Kaya ba kung makapagsungit siya sobra-sobra ? Saka bakit kanina tinulungan pa niya ko ? Ang gulo niya talaga , promise .



nag shake hands na kami at hindi na nakapag recess dahil dumating na yung sumunod naming guro. and I damn hate it. Physics na ang subject . agad agad. wala man lang time out. dapat pala nag-recess na ako para may lakas man lang ako e. Nakukuha ko naman yung subject na ito , ayoko lang siyang pag-aralan kapag wala ako sa mood . O kaya kapag nabubwisit. Ang hirap i-analyze ng mga lessons sa topic na ito kung magulo ang isipan ko .





that's life. life changes to be harder , therefore you must change yourself to be stronger than before.





Pero kailangan ko lang talaga ng time-out ngayon. Naramdaman ko na lamang ang pagpikit ng mga talukap ko at pag-ubob sa desk.

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon