TWENTY FIVE : The 13 Survivors

53 8 1
                                    

"If you cling to life, you live in fear of death. And that fear will cloud your judgment. " - Revy ( Black Lagoon )

----------×

Yaj's POV

" pare saan ba tayo pupunta ? Wala na tayo sa school ah." saad ko kay Syd at Sean. Si Syd ningitian lang ako tapos eto namang si Sean ay walang ekspresyon. Kanina pa kami naglalakad.

Nanahimik muna ako hanggang huminto kami sa isang bahay. Medyo luma na at sakto lamang ang laki para sa isang pamilya. Pamilyar ang bahay na 'to. Ah , naalala ko na. Ito ang lumang bahay kung saan dati nakatira si Rain. Noong nasa puder pa siya ni papa. Bakit kami nandito ?

" kuya dito ko muna sila dinala. Mas ligtas dito. May importante silang sasabihin." Pagpapaliwanag ni Rain. Anung ibig niyang sabihin na mas ligtas ? Bakit ano ba yung sasabihin nila ?

Walo kaming nandirito , kasama ako. Sina Hanne, Isah , Leila , Syd, Sean, Ronabelle , Rain at ako. Ano bang kailangan namin malaman . Inilapag ni Hanne ang libro na dati na niyang pinakita sa amin. Yung dala dala niya nung pumunta kami sa resort nina Rouie. At yung kinuha ni Sir Benafin nung araw ding yun. Paano namang nakuha muli nila ang librong 'to ?

" Yung anak ni Mr. dela Fuego ang may bigay niyan. " sambit ni Rain. Habang prenteng nakaupo sa silya. Si Sean naman ay tahimik na nakasandal sa may pader. Ang ilan ay nag uusap lang.

Lumapit ako kay Hanne at tiningnan ang libro. Halatang luma na. Maalikabok ang mga pahina ng libro. Bumungad naman samin ang walang laman na pahina. Sa ikalawang pahina kami nagulat. Nagulat na hindi naming akalain na pag mamay-ari niya ito at siya ang gumawa ng librong 'to.

" guys tingnan ninyo 'to oh." Saad ni Hanne atsaka sila nagsilapitan.

" tingnan ninyo. Si Mr. dela Fuego ang nakalagay. Seven dela Fuego. At base dito, siya ang nagmamay ari nito pati na rin ang may akda. Nakakapagtaka di ba ? " sambit ulit sa kanila ni Hanne. Hindi ko alam pero sa mukha lang ako ni Hanne nakatunghay. Para akong tanga.

" pare , baka malusaw. Haha" pagbibirong saad ni Syd sa may gilid ko. Sa lahat ng makakakita itong mokong pa na 'to ang nakakita. Pahamak kaya siya masyado.

" m-manahimik ka nga dyan. Hindi ako sa kanya nakatingin , dun sa libro." Pagsisinungaling ko. Tsk , sana mapaniwala ko siya kahit papaano.

" Kuya huli ka na sa akto. Wag mo ng ideny pa." Dagdag naman ni Rain. Gatungan pa daw ba.(─‿─) pagtulungan daw ba ko.

" makinig na nga lang kayo." Pagbabago ko ng topic at nakinig na rin.

" The game begins. You can't escape ..." pagbabasa ni Hanne. Anong ibig sabihin ng ' the game begins . You can't escape.. ' ? Anung laro ?

" ang buhay ng tao ang laruan ko. Ang mga buhay ng estudyante ng 14-S ang mga laruan ko. Walang hahadlang , walang makakapigil. Kakampi ko , namin ang batas." Pagpapatuloy niya. Tahimik lang silang nakikinig. Ngayon alam nanamin. Si mr. dela Fuego ang demonyo. Ngayon kaming walo ang nanganganib.

" sa laging panibagong taon may tatlo o dalawang tao ang nakatakda na maging demonyo na sunud sunuran ko. May nakatakdang mamatay na isang tao na mahalaga sa kanilang tatlo upang magkaroon ng rasong makapaghiganti at pumatay. At ang seksyong 14-S lang ang papatayin nila." Napakasama. Napakademonyo. Siya ang may pakana ng lahat. Halimaw siya !

" sabi na't demonyo yun eh ! " sambit naman ni Isah.

" makinig muna tayo, paano naman si Shane Allaine , kaibigan ba o kalaban ? Kaya makinig muna tayo ng malaman natin." Saad ni Syd sa lahat. Tama nga naman , maaaring maiisip naming isa sa killer si Shane Allaine , maaari ring hindi dahil napakabait niya.

" Ikaw lang sa sarili mo ang mapagkakatiwalaan. Wala kang kawala sa impyernong ito. At isa ako sa maswerteng nakaligtas. Ang ama ko ang may ari ng impyernong ito dati at siya ang nagsimula ng lahat. Ipinagpatuloy ko lang. Ang itim ang lalamon sa mga puti. Ang mga puti ang mahihina. Ang itim ang nakatataas. At isang itim lang rin ang tatapos ng lahat." Pagpapatuloy ni Hanne sa pagbabasa. Hindi muna ako nagsalita at nakinig muli.

" 13 survivors. The thirteen survivors of 14-S ." kakaunti na lamang ang mga pahina ng libro. Ilang piraso na lang. Ibig sabihin ito ang mga nakaligtas noon.

" H-helen Rhea Remulla - The key " nakita kong gulantang pa rin si Hanne. R-remulla , ibig sabihin...mama niya yun. Napatigil siya at naupo saglit. Lumapit naman ako at si Syd na lang ang pinagbasa ko, tutal malapit lang naman siya sa may libro.

Delikado kaming walo. Kami lang ang nakakaalam. Ililigtas ko sila. Ngungit papaano ?

---------

Syd's POV

" Helen Rhea Remulla - The key. Ang dahilan ng larong ito. Ang nagtapos at nag ayos ng lahat. Sa kabilang banda...nagsisimula pa lang ang lahat. " so ibig sabihin may kinalaman ang nanay ni Hanne. Pero kung alam ng nanay niya ito, makakatulong siya. Mas naging delikado lang kami sa mga nalaman namin.

Ang killer ay tatlo at dalawa ang nagmamanipula. Bali lima. Mahihirapan kami kung magsagawa ng kilos si Mr.dela Fuego at ang mga killer. Alam na alam nila ang kahinaan ng lahat. Paano kami makakawala ? Kilala ko ang mga killer pero hindi ko aakalain na kasama roon si Mr. dela Fuego at siya. Siya na nagpahamak sakin noon pa man. Siya na gustong gusto kong paghigantian.

" Naomi Coreen Laranza - Her sword. Ang matalik niyang kaibigan noon. Matibay ang samahan hanggang sa katapusan. " L-laranza ? Nanay yun nina Isah at Leila.

" m..mama ? Bakit niya hindi sinabi sa atin ito ?!! " galit na sigaw ni Isah. Pinapakalma naman siya ni Leila. At pinagpatuloy muli ang pagbabasa.

" S-selena R..rivera - the bravest. " hindi ko na binasa ang iba pang nakasulat at napaupo sa gulat. Nasaan na kaya siya ? Gustung gusto ko na siyang makita at magtanung lalo na ng malaman kong may alam rin siya sa eskwelahang ito. Aalamin ko ang lahat. Lahat lahat.

" Sige na Rain , kaya ko pa. Ako na magpapatuloy sa pagbabasa." Sabay ngiti ko sa kanya. Ang mga magulang namin ay may mga alam sa impyernong kinalalagyan namin. Hindi kaya nila alam na hindi pa tapos ?

" Alice Martinez - White of Black " bakit walang ibang impormasyon ? Hindi katulad nung kala mama nina Hanne at Isah ?

" Amberley Benafin - One of the Black" benafin ? Kaano-ano kaya 'to ni Sir Hei ? Kapatid ? Alam niya kaya ito ?

" Courtney Santos - The Black " black ? Anung ibig sabihin nun ? Oo may Santos na namatay kasabay ng pagkamatay ni Carlos daw pero hindi daw sinabi sa iba. Section 13- B . Ah , naalala ko na. Si Maevis Santos .

" Hayate Hiroshi - Black Sheep
Jake Lamperouge - clockmaker
Elle Jefferson- The Eye
Cloud Salverio - The Black Hero
Stan Stevan - The Pal
Inah Mendoza - The White Hero
Yumi Damiel Garcia - Black's Traitor " sa huling pangalan lumingon sakin si Yaj. Pumaibaba agad naman ang tingin niya at seryosong nagsalita.

" Poprotektahan natin ang isa't isa. Isa lang ang solusyon ang patayin ang mga nagmamanipula. Kasama na roon si Mr. dela Fuego." Saad niya samin.

---------×

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon