4 : The Game Begins

167 12 8
                                    

****

Next Day . . .

Hanne Raven

Wala pa namang mga assignments , projects , activities etcetera , o kahit anong school works kase kasisimula pa lang ng klase. maaga akong pumasok kase gusto kong mag libot libot sa school na 'to. Chance na rin iyon para matutunan ko ang pabalik sa room or sa kahit anong parte ng school na ito. Inshort , kakabisaduhin ko na ang bawat daan rito.

papunta na sana ko sa likod ng principal's office nang napahinto ako bigla. Parang may mga matang nakatingin sa 'kin. May nagmamasid ba sa 'kin ? Tumingin ako sa gilid gilid pero wala naman akong nakita. Guni guni ko lang siguro iyon. O baka kulang lamang ako sa tulog kaya kung anu ano ang nakikita ko.

Nagpatuloy na 'ko sa paglakad. Ngayon naman ay isang presensya ang nararamdaman ko. Lord wag mung sabihing kaluluwa iyong nararamdaman ko ? Please wag naman po . takot po ako sa mga multo. Sana naman po walang kaluluwang gumagala rito. Napapikit pa ako at napahawak ng mahigpit sa bag ko.

Dinedma ko na lang ang presensyang naramdaman ko at dumiretso sa isang lumang room. Para siyang sinunog pero bakit hindi na lang pinatanggal ?nakapagtataka naman yun. anu 'to display ? Antique ? Hindi kaya ito nakasisira sa school ?

Nahagip ng tingin ko ang isang sunog na karatula.


" room 14-- ? "  binasa ko yung nakalagay dun sa may karatulang sunog. Di naman siguro 14-S 'to kasi masisira reputasyon nila dito. Panira kase 'tong sunog na room na 'to. ang linis pa naman dito. Bakit naman kasi ayaw pa nilang ipatanggal ito ?


Lumapit ako ng kaunti para mas makita ko yung sunog na room na ito nang biglang may nagsalita. Halos magsitaasan ang balahibo ko nang may nagsalita  . Napatalon pa ako sa gulat.

"  Bawal pumasok diyan. Hindi mo ba alam na ipinagbabawal ang pumunta sa pwesto mo. May limitasyon , hanggang dito ka lang sa punong ito at hindi pwedeng lapitan ang room na yan, kung ayaw mong may mangyari sa iyong masama." sabi nung lalaki na naka earphone at lumabas sa likod ng isang malaking puno. Nakakagulat talaga siya. So bawal pala rito ?

sinunod ko na lang siya at lumayas sa pwesto na yun. Ayoko namang ma batas agad . Baka sabunutan ako ni mama. at ayokong masira ang malinis kong pangalan. Saka may mangyayaring masama ? Anong ibig niyang sabihin roon ?

" ...s-sorry . I'm new here. So , I gotta go before someone else saw me in this restricted place. Bye. " saad ko sa kanya at tumakbo palayo. Ugh , nakakatakot siya promise.


" Carlos . We're classmates. Nice to meet you , Raven..." saad nya ng  may ngisi sa kanyang labi at nilagpasan na lamang ako na walang alam.

S-sino ba siya ? Natulala ako ng ilang segundo sa ginawa niya. ang bilis naman niya kong makilala at second name pa ang tinawag niya sakin. samantalang isang araw pa lang ang lumipas markado na ang pangalan ko sa kanya . Nakakainis para akong sira dito na natatakot sa kanya , baka maihi pa ako niyan.

argh !! ang gulo na ng utak ko umagang umaga ! ang tanong .. ' bakit ipinagbabawal pumunta dito ? ' ' bakit  nasunog to at hindi ipinatanggal sa paaralang ito ? '

ang misteryoso ng paaralang ito at ang mga estudyanteng nandito.

Bumalik na 'ko sa room . Ilang minuto pala ang itinagal ko sa lugar na yun. Buti na lang at alam ko na ang papuntang room. Nahagip ko ng tingin si Carlos. Tahimik lang siya at naka earphone ulit. Ang misteryoso niya. Halos lahat naman sila misteryoso.

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon