THIRTY SEVEN : Saving You

68 7 3
                                    

"Tears are how our heart speaks when your lips cannot describe how much we've been hurt." - Jellal Fernandes ( Fairy Tail )

---------×

Elaiza's POV

Patuloy kami sa pagtakbo nina Jamuel at Sophia. Para kaming mga daga na hinahanap ang lungga para makaligtas sa pusa---na si Black. Ang lawak ng mansyon ngunit nahinto kami sa isang parte na wala man lang malulusutan. Nakorner kami sa mga oras na ito. Akma kaming tatakbo pabalik nang... matagpuan niya kami.

Wala na kaming ligtas. May dugo na ang kanyang puting damit. Pati ang kanyang katana ay may dugo. Puro dugo.

She is beautiful. Looks are very deceiving , na hindi mo aakalain na magagawa niya ang bagay na 'yon. Isa lamang akong inosente na pumasok sa eskwelahang ito. Tanyag at kilalang paaralan. Gusto ko lamang matupad ang pangako ko kay Kuya at kala mama na ... magiging katulad nila ako balang araw. Ngunit ang hirap makipagsapalaran sa realidad na 'to. Only victors are allowed to live... this world is merciless like that.

Napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Sa bawat hakbang ni Black ay siyang mas papalakas ang kabang nadarama ko. Gusto kong tumakbo at takasan ang lahat , pero ayoko... nang dahil sa kanya mas naging pursigido ako sa lahat, naging mas lively ang buhay ko , at naramdaman ko kung paano magmahal. I wasn't planning on loving him...but, I'm happy I did even if it hurts me so much.

Hindi niya ko mahal , mahal niya si Sophia. Na kahit sa kaunting oras ngayon ay kitang kita ko iyon. Ang paghawak niya sa kamay nito , ang pagprotekta niya mula kay Black at ang paulit ulit niyang pagmamahal rito. Ang sakit... sobra.

" ako na lang . Huwag mo silang idamay." Pagmamatigas ni Jamuel at iniharang ang sarili upang protektahan kami. Nanginginig na sa takot si Sophia. Umiiyak na rin ito at takot na takot. Napaisip ako na , kung ako na lang kaya ang mawala ? Tutal , I'm useless anymore..

Hinawakan ko ang balikat ni Jamuel at inimuwestra ang takot na takot na Sophia. Pinuntahan niya ito at ni isang pansin man lang ay 'di niya naibigay sa akin. Ang sakit sakit na.

" Idiot. Stupids. Wala ring saysay kung ikaw ang mauna at hayaan sila. Mamamatay rin naman kayong lahat. " atsaka niya itinuro ang mukha ko gamit ang tulis ng kanyang katana.

" TIGILAN MO SIYA ! AKO NA NGA LANG DI BA ??!! " he angrily shouted. Nagulantang ako at napangiti ng saglit. Na kahit sa saglit na oras na ito ay sa wakas ... ipinagtanggol man lang niya ko.

Iwinasiwas ni Black ang katana ngunit...iba ang nagapi nito. Kumalat ang dugo at bumuhos ang mga luha. Dumaloy na rin sa aking pisngi ang mga maiinit na luha. Naging magkaibigan rin kami ni Sophia. Mabuti siya at tunay na kaibigan. At kahit na siya ang mahal ni Jamuel ay hindi ko ninais na mawala siya sa mundo. Hindi ako gaanong tao. Hindi rin ako lunod sa pagmamahal na dadating sa punto na mapapatay ko si Sophia. Mali iyon at kontento na ako na makita ko lamang siyang masaya ay masaya na rin ako kahit hindi ako ang rason niya kung bakit siya masaya.

" I..I ' m s-sorry..." yakap yakap niya ang duguang walang buhay na Sophia. Ako man ay napaluhod at napabuhos sa iyak , halo halo na ang mga nararamdaman ko. Puno ng mga emosyon.

" J-JAM ! TUMAKBO KA NA ! HAYAAN MO NA L..LANG AKO ! " nagbasagbasag na ang boses ko nang dahil sa 'king pag iyak. Sa akin na nakatutok ang katana ni Black.

" Tapos na ba ang drama ninyo ? " may pang iinsulto niyang saad. Wala ba siyang pakiramdam ? Wala kahit kaunti ? Tumakas na rin siya siguro at ito na rin siguro ang katapusan ko. Marahan akong pumikit at naghihintay na tapusin ni Black.

Naramdaman ko bigla ang pagdantay ng likod niya sakin. Bakit pa siya nandito ! Dapat hinayaan na lang niya ko ! Dapat ako na lang ! Dapat ... tumakas na lang siya.

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon