TWENTY ONE Part 2 : A Ride to Hell

73 10 11
                                    

" For living creatures, victory is life, and defeat means death." - Kyoshi Teppei ( Kuroko no Basket )

-----------×

Someone's POV

" Nagawa mo na ba ? Basta sumunod ka lang saakin , poprotektahan ko ang mga kapatid mo. " prente ang pagkakaupo ko sa swivel chair dito sa opisina ko. Ano bang magagawa ko ? Anak ko lang naman ang iniisip ko , kahit may mamatay man sa mga ginagawa ko. Lahat gagawin ko para sa kanya.

" nagawa ko na. " malinaw niyang sagot. Ako ang makapangyarihan. Ako ang nagmamanipula ng lahat. Ako ang masusunod . At ako ang palaging tama. Ngumiti ako at may tinawagan saglit. Ano nga bang katangahan ni Black para sundin ako ?

Napakatanga niya. Gumawa siya ng laro na akala niya siya ang nagmamanipula. Doon siya nagkamali, kung ibabase sa larong chess...Ako lang ang King at isa lang siya sa mga Pawns ko. Napakahina at uto-uto.

" Siguruhin mong hindi ka mabubuko ni Black. " atsaka siya umalis. Ang sunud sunuran ko. Isa pang tanga. Hindi man lang gumagamit ng isip. Walang makakaligtas kahit isa. Wala ni isa.

------

Yaj's POV

" Pare gwapo ng kotse wah." pagpansin naman ni Viel sa dala dala kong kotse. Ngumiti lang ako. Nasa isip ko pa rin kasi yung babaeng nakaitim na maskara at yung lalaking nakaputing maskara. Hindi kasi sila nagpakilala sa mga manunood.

Hinabol pa nga namin sila ni Lance pero mga parang bula silang nawala. Sino kaya sila ? Bumalik na ako sa realidad at isinantabi muna ang tungkol sa mga iyon.

Nagkalat sa paligid ang mga mamahaling mga kotse. Ferrari , Porsche, Lancia , Alfa Romeo , Lamborghini, Mercedes Benz, Aston Martin, at iba pa. Halatang mga mayayaman ang mga nag aaral dito.

May humatak sa tainga ko na ikinagising ko. Pusa ang sakit kaya .

" Aray naman Hanne." sa lahat ng hahatakin , tainga pa. May braso naman o kaya ay kamay di ba. -_-

" kanina ka pa kasi tinatawag ni Sir Hei pero ang bingi bingi mo. " sinimangutan ko na lang siya. Nakita ko naman na natawa samin si Sir Hei. May binigay siya saking sticker.

" number one ? " pagtataka kong tanung. Bakit ? Para saan 'to ?

" Idikit mo sa may bintana ng kotse mo. Sige mukhang magsisimula na. Mag ingat kayo." may kung anong naramdaman ako sa sinabi ni Sir. Parang saglit akong kinabahan. Pumasok nako sa kotse ko at itinuon na lang sa harapan ang sarili ko.

Kasali pala siya.
-----

Ronabelle's POV

Hindi ako sumali sa Drag Racing. Pagod na kasi ako. Nasa palaisipan ko pa rin kasi yung dalawang nakapatay sa Karate at iisang impormasyon lang ang nakuha namin. Kaklase namin sila. Magsisimula na ang karera. Umupo ako sa unahan ng mas makita ko kung sinu-sino ang mga maglalaro.

Mga numero lang ang pangalan na nakalagay sa kanila. Tanging sina Number 01 na si Yaj , number 11 na si Russel, at number 14 na si Syd lamang ang nakita ko. Pero alam kong marami saamin ang kasali sa karerang 'to.

" Ms. President of SC , pwedeng patabi ? " Nagulat naman ako sa nagsalita. Si Jacob pala. Ngayon palang niya ako nalapitan. Dahil siguro sa dami ng ginagawa ko. Mestiso, matalino, mabait at palangiti siya. Halos lahat ng mga estudyante dito kilala ko na. Mayroong iilan na hindi ko kilala sa pangalan pero pamilyar ang mga mukha. President ako ng Student Council. Masyadong mataas ang posisyon ko. At ayoko iyon dahil maraming mali na pinapagawa saakin. Wala naman akong magawa kundi sumunod dahil isa lang naman akong estudyante.

" Ang galing mo kanina ah. Naglalaro ka pala ng Tennis." saad niya. Ngumiti lang ako at nanunood muli.

May lumabas sa screen board , ang mga natanggal sa unang round. Sina number 09, 07, at 13. At nakita ko kung sino ang nangunguna sa Round 01. Si Yaj ang nangunguna , pumapangalawa number 03 at nagsimula na ang panibagong round.

" Ayaw mo ba akong kausap, Rona ? " sa pagkakataong ito , natauhan ako bigla sa pagtawag niya sa pangalan ko. Gusto. Pero hindi ko naman intensyon na hindi siya pansinin.

" H..hindi sa ay---" hindi niya ko pinatapos at tiningnan ako. Nakakalusaw masyado kaya agad akong napaiwas. Nakakahiya , alam kong namumula na ang buong mukha ko ngayon. Pasalamat ako na hindi halata dahil gabi na rin.

" Gusto kita , Ronabelle...at sa susunod na makita kita ulit..." kinuha niya muna ang bag niya atsaka nagsalita ulit. " ...sa akin ka na." Atsaka siya umalis. Mas nag init ang mukha ko.

Ano bang nangyayari ? Ano ?

-------

Sean's POV

Mas sumeryoso ako sa paglalaro. Wala namang kwenta para sakin kung matalo man ako o manalo. Gusto ko lang sumubok ng bago. Wala pa rin siyang binatbat. Mas gusto pa rin niya yung nahihirapan siya. Kaya hanga talaga ako sa kanya.

May ilang umatras na mga manlalaro. Nabago ang daan naging madulas . Maraming maaksidente kung wala silang alam sa mga ganitong karera. Impyerno nga ang eskwelahang ito. Pera lang ang pinantatakip nila sa mga namamatay... Napakademonyo. Kung pwede nga lang akong umalis , umalis na kaagad ako . Pero may kailangan pa akong protektahan. Nag iisa na lang siya na importante sa buhay ko , kaya gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya.

1....

2......

3........

Binalanse ko ang pagpapatakbo ko , kailangan kong mag ingat. Napansin kong siya nanaman ang nangunguna.. walang anumang tinodo ko ang bilis ng sasakyan ko. May ilang kurba akong nadaan , minsan ay nararamdaman kong umaangat ang kotse ko sa bilis.

Malapit na ako sa finish line. Isang round na lang. At iyon ang pinakahihintay ko. Ang round na pinakadelikado.

------

Black's POV

Hindi kapani paniwala na magagaling pala sila sa ganitong karera. Pero mas magaling ako. Nasa pangatlong round na. At ito na ang huling round ng karerang ito. Nagkaroon ng mga mababatong daan at magkakalayo na daan kung kaya't kinakailangan mong maging maingat .

Iilan na lamang ang mga manlalaro. Maraming napaatras ng makita nila kung gaano kadelikado ang daan. Akala nila madali lang, akala nila sa larong ito , wala si kamatayan. Pero nagkakamali sila , nakakabit lang sa kanila ang kamatayan. Susundan at susundan pa rin sila.

Walang habas kong pinaharurot ang kotse ko. Ako ngayon ang nangunguna. Maraming hiyawan akong naririnig , ang karamihan ay numero ko ang isinisigaw nila. Ang number 06.

Nasilayan ko na ang putol na daan. Masyadong malayo ang awang nito sa kabilang daan. May ngiti kong pinabilis ang sasakyan na pinaaandar ko . Mas malakas na hiyawan ang ibinigay nila ng makatawid ako ng walang kahirap hirap sa daan na yun.

Natapos ang laro at ako ang nanguna. Nagsuot ako ng sumbrero at yukong naglakad ng mabilis dahil nagkakagulo na. Iniwan ko na lang ang kotse ko at mamaya ko na lang babalikan.

Ayokong makilala nila ako , dahil ayoko pang tapusin ang laro.

------------×

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon