TWENTY : Transfer Students

94 11 14
                                    

"Everything that irritates us about others can lead us to an understanding of ourselves."
- Carl Jung

----------×

Hanne's POV

May pumasok na professor sa loob ng klase. Nagsiupuan ang lahat. Magulo ang mga upuan at maraming papel at basura ang nakakalat. Kumunot ang noo ng professor sa nakita niyang yun. Kusang kumilos ang ilan samin para linisin at pagkatapos ay may dalawang tao na pumasok sa klase namin. Isang lalaki na matangkad at isang lalaki na hindi katangkaran. Sakto lang.

" Mr. Violago and Mr. Rivera kindly introduce yourselves." at naupo ang nasabing professor. Mukhang pagpapanggap lang ang tapang ng professor na iyon. Base sa panginginig ng tuhod niya at pagpapawis kahit naka aircon dito sa loob. Nakakapagtaka.

" Syd Prie Rivera at your service." lahat ng babae maliban sa ilan ay kilig na kilig sa pagkindat niya. Siya ang hindi katangkaran, sakto lang naman ang tangkad niya. May dark brown siyang buhok at medyo singkit na mga mata. Pinaalis niya ang katabi ni Leila at nakangising tiningnan siya. Isa pa siyang nakakapagtaka.Parang kilalang kilala niya si Leila. Na akala mong hindi ito ang unang beses niyang makilala 'to.

" Nikolo Violago . " simple niyang sagot. Wala siyang kaemo-emosyong umupo sa pinakadulong upuan. Nasa harap naman niya ang Class President namin. May maitim na buhok at maputi ang balat. Blangko lang palagi ang ekspresyon niya.

Umalis ang professor na madaling madali. Akala mong hinahabol ng demonyo. Sabi na , walang tatagal samin sa loob ng kwartong ito.

-----

Leila's POV

Inaantok ako ngayon. -_- Nakakabagot. Dumukmo ako sa desk ko at nagsimulang matulog. Wala naman dito si Isah para guluhin ako. Kaya makakatulog ak---

" Bawal matulog. Eskwelahan kaya 'to hindi bahay." hindi ko pinansin kung anu ang dinadada niya. Anu bang pakialam niya. at sino ba siya ?!

Pinikit ko na ulit ang mata ko at natulog. Hindi pa man lumilipas ang minuto ay may kumulbit naman sa may gilid ko. Nung una hindi ko pinansin pero nung pangalawa inangat ko na ang ulo ko at iritang hinarap siya.

Putek namang lalaking 'to. Anu bang kailangan niya ?!! Pati pagtulog ko ginugulo.

" ANO ?! " napalakas ang boses ko at pinagtinginan naman kami. Imbis na manahimik na lang guguluhin pa 'ko. Peste.

Nginisian lang niya ako na mas ikinabwisit ko. Tumayo ako at lumabas. Tutal wala namang teacher para turuan kami. Bakit ba sila tinawag na guro kung ayaw nila kaming turuan ? mga mukhang pera. Tapalan lang sila ng pera nakakalimutan na nila ang tama. Mga walang kwenta.

Lakad ako ng lakad hanggang sa nakarating ako sa may mini canteen. Bumili ako ng burger at coke saka dumiretso sa may garden. Gusto ko ng katahimikan. Maging tahimik man lang saglit ang oras ko. Tahimik akong kumakain at pinagmamasdan ang mga dahong nalalaglag dahil sa hangin. Iinom na sana ako ng coke ng mapagtanto kong wala ng laman ito.

" Sorry , akala ko hindi sayo. kaya ininom k---" hindi ko na siya pinatapos pa. Walang anumang sinuntok ko siya sa may kanang pisngi. Kanina pa niya ako binubwisit. Wala ba siyang pera ?! Ito aabutan ko siya! Pagkain ko yun tas gagalawin niya ?! asdfghjkl!

" nag sor---" tumayo ako at nagsalita. Sinira niya ang araw ko. Bwiset !

" sorry is not enough." saad ko at ibinato ang limandaang piso sa mukha niya. Ayan ang pera kung kailangan niya ! Pusa ! nakakairita siya.

" Hindi ko kailangan ng pera mo , Laranza." ngayon seryoso siya na kahit na nakatalikod ako sa kanya ay alam ko.

" eh anu ang kailangan mo sakin ?! " naiinis kong sagot sa kanya. Una hindi niya ako pinatulog . Pangalawa ininom niya ang coke ko ng walang pakundangan . Nakakabanas na ang lalaki na 'to.

" Ikaw . " ano ? Ako ? Anung ibig sabihin niya ?

------

Russel's POV

Kanina ko pa pinagmamasdan si Leila. Halatang irita siya dun sa baguhang dumating sa klase namin. Wala akong pakialam sa pangalan niya. Nakita kong lumabas si Leila at ilang segundo lang ang lumipas ay sumunod rin ang mokong na yun. Bwiset.

Susunod na sana ako ng pumasok si Sir Takumi sa klase. Umupo ako at napasimangot. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa sasabihin ni Sir Takumi. Nakapahalumbaba at bagot na bagot.

" bukas na ang Sports Fest , walang aabsent. Iyon ang ipinag uutos ni Mr. dela Fuego. Alam naman nating obligado talaga ang 14-S sa mga okasyon na ganun. Importante ito. At naging tradisyon na natin ang Sports Fest na 'to kada taon." pagpapaliwanag niya. Obligado. puro na lang ganun. Wala ba kaming pahinga ? Nakakapagod kaya at nakakasawa na rin.

Ayaw na ayaw namin ang Sports Fest, dahil sa kadahilanang sa lahat ng paligsahan na nakasaad rito ay delikado. Napaka delikado. Hindi ipinagbabawal rito ang pagpatay. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ayaw ipaalis iyon ni Mr. dela Fuego.

Tumalikod si Sir Takumi at humarap sa blackboard. Isinulat niya ang mga paligsahan na magaganap bukas.

Basketball

Tennis

Volleyball

Karate

Taekwondo

Fencing

at Drag Racing.

Napaka misteryoso ng eskwelahan na 'to. Hindi ko alam kung paanong ayos ang ginagawa nila twing sasapit ang sports fest. Magugulat na lang kami na may mga daan na para sa Drag Racing. May mga stage arena na napakalawak para sa karate ,taekwondo at fencing. Hindi ko alam kung papaano nila nagagawa iyon.

Nagpapanggap nanaman kaming sabik na sabik sa pagdating ng Sports fest. Ayaw naming may mawala nanaman samin. Na may mamatay nanamang isa samin. Wala kaming magagawa dahil kontrolado ang lahat. Hindi ko alam kung sino .

Maliban kala Hanne , Yaj, yung dalawang baguhan na dumating at kay Elai...sila lang ang hindi nakakaalam. And the rest mga peke na ang mga reaksyon namin.

Malalaman rin nila. Hindi namin pwedeng sabihin dahil ipinagbabawal iyon ni Mr. dela Fuego. Naalala ko ng may ilang namatay noon sa klase namin. At kitang kita ng mga mata ko ang ginawa ni Mr. dela Fuego. Kitang kita ko. Mali ang ginagawa niya. Mataas ang respeto ko sa kanya noon pero ng makita ko iyon halos lumagapak paibaba ang respeto ko sa kanya.

Akala ko mabuti siya katulad ni Shane Allaine. Ang anak niya. Ang natatanging anak niya. Pero hindi alam ni Shane Allaine na walang kasing sama ang tatay niya. Napakasama.

Kailan kaya mababago ang lahat dito ?

Kapag patay na kaming lahat ?...

------------×

The Another One : The 13 SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon