Chapter 4

103 38 0
                                    


''DOON ka muna pansamantala titira kay Keith''

Parang sirang plaka paulit- ulit na pumapasok sa isip ko ang mga katagang iyon. Pagkatapos namin  kumain kanina kinausap ako ni papa, sabi niya para daw  hindi na ako babyahe pa ng ilang oras para umuuwi at delikado umuuwing mag isa lang.

Ugh! Nakakainis ka talaga Keith! Hindi ako makatulog sobrang gulo ng isip ko ngayon. Hindi dito natulog si Keith, may emergency daw kasi ito sa trabaho niya. Mukhang wala akong choice dun ah, sabagay tama naman si papa na delikado ngayon umuwi ng gabi lalo na mag isa lang akong umuwi. Ang sabi ni Keith pag nakapag desisyon na daw ako tatawagan lang namin siya yun ang sabi niya. Bahala na bukas! 

Late na ako nagising dahil late na din ata ako nakatulog kagabi, hindi ko alam kung anong oras na ako natulog kagabi.

Nagliligpit ako ngayon ng mga gamit ko, kinausap ko kanina si papa na pumapayag na ako, kaya ayun tinawagan niya agad si Keith. Sakto naman na natapos ko ang pagliligpit ng gamit ko, Ilang oras lang din ay dumating si Keith.

"Nak, Mag iingat ka dun ah, at wag kang aalis kung hindi mo kasama si Keith." paalala ni papa sakin.

"Papa naman, lilipat lang ako hindi naman ako pupunta ng ibang bansa." Wika ko na ikinatawa ni papa at Keith.

"Oo nga naman tito, tsaka hindi ko po pababayaan si Sophie." Sagot ni Keith kay Papa na ikinangiti lang ni Papa dito.

"Salamat iho," Nakangiting pasasalamat niya dito. "Oh, siya alis na kayo, baka maabutan pa kayo ng traffic." Pagtataboy nito sa amin.

"Teka po, si Syrille?" Tanong ko kay papa, tinuro lang ni papa ang kwarto ko. Pagpasok ko ng kwarto nakita ko si Syrille na nakahiga sa kama na umiiyak.

"Baby Sy" kuha ko ng attention niya, pero hindi ako nito nilingon. "Ay nagtatampo si Syrille, hindi mo ba ako mamimiss?." Kunwaring nagtatampong tanong ko dito habang naka upo sa tabi niya.

"Iiwan mo din ako ate?." Umiiyak na tanong niya, natahimik ako hindi ko alam ang sasabihin ko. Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Keith. Umupo din sya sa tabi ni Syrille.

"Baby Sy, pwede ka din dun pumunta" Bungad ni Keith na ikina tingin ni Syrille.

"Talaga kuya?" Masiglang tanong ni Syrille na tumigil sa pag iyak.

"Oo naman." Nakangiting sagot naman ni Keith na ikina liwanag ng mukha ni Syrille, napangiti naman ako.

"Yehey! Salamat po, hindi na po ako iiyak, pwede na din umalis si Ate Sophie." Wika ni Syrille na ikinatawa namin dalawa ni Keith.

"Ay? may ganun?" Natatawang tanong ko na ikinatawa din nila. Binuhat ni Keith si Syrille at lumabas ng kwarto ko. Naabotan ko nag uusap sina papa at Keith, napatigil sila ng makita ako. Lumapit ako sa kanila.

"Tara na?" Tanong ni Keith, tumango lang ako.

"Bye Ate!" Kumakaway na paalam ni Syrille.

"Bye! Wag kang pasaway kay Papa ah." Paalala ko dito na ikinatawa nila. Sumakay na kami ni Keith sa dala niyang kotse. Tama nga ang sabi ni papa Naabotan kami ng traffic. Hindi ko maiwasan ang mapa hikab dahil sa antok, na pansin din iyon  ni Keith.

"Matulog ka muna, medyo matagal-tagal pa tayo." tumango lang ako sa kanya at pumikit. Hindi ko namalayan kung ilang oras ako nakatulog. Nagising ako na sa loob parin ng sasakyan pero wala si Keith. Natarantang tumingin ako sa labas. Napahinga ako ng maluwag nang makita ko siya sa loob nang 7/11. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya, nagulat si Keith ng makita akong gising na.

"Gising kana pala." May hawak itong Coke at Mineral Water. Agad nito inabot sa akin ang Coke. Alam na alam niya talaga na gusto ko ang Coke.

"Salamat." Ngiting wika ko, umalis na kami ng 7/11 hindi ko alam kung saan kami pupunta. Napatingin ako sa daanan namin na may nakalagay na LGV subdivision. Ang gaganda naman ng mga bahay dito. Halatang mayaman nga.

Napatigil ang kotse ni Keith sa tapat ng bahat at bumusina ito. "Nandito na tayo." Ani niya at bumukas ang gate. Nang ma park na niya ang  kotse sa garahe, nauna itong bumaba at binuksan ako ng pintuan. Nakss gentleman yarn. May mga katulong ang bumati sa amin .

"Iho, nandito na pala kayo" Ani ng matandang babae mga nasa 50s na ata. 

"Ah, Manang, si Sophie nga pala kaibigan ko. Sophie si Manang Josie " Pakilala ni Keith dito.

"Hello po, Mamang Josie." Nahihiyang bati ko dito sa kanya.

"Ang ganda mo naman. Talaga bang kaibigan lang kayo ni Keith? O magka ibigan?"  Pang aasar na tanong ni Manang Josie na ikinamula ng pisnge ko.

"Manang talaga." Ani ni Keith na nakangiti. "Paki sabi na lang po kay kuya Mike na e hatid sa kwarto ni Sophie ang mga gamit niya." 

"Sige, iho. Maiwan ko muna kayo." Paalam ni Manang at naiwan kami ni Keith.

"Ilang kwarto meron dito." tanong ko kay Keith.

"Tatlo, bakit?'' Sagot nito sa akin. Umiling lang ako sa kanya.

"Sino naman ang gumagamit 'nun?" Taka kong tanong sa kanya.

"Kaibigan ko, kapag gusto nila dito matulog"  tumango lang ako sa kanya.

"Tara gusto ko makita ang kwarto." anyaya ko sa kanya. Pagdating namin sa taas meron nga tatlong kwarto. Magka tapat ang dalawang kwarto ang isa naman ay nandun sa kabila kumbaga na gitnaan siya ng dalawang kwarto na naka tapat .

"Bat malayo ang isang kwarto na 'yun" taka kong tanong sa kanya.

"Ah, ano kasi yan family room" Ani niya na ikanatango ko. Kahit may pagtataka. "Ito magiging kwarto mo, ito naman sakin" turo niya. "Pwede ka din Matulog dun sa family room kung gusto mo" Ani niya na ikina iling ko, tumawa lang ito. " Sige ma iwan na muna kita" Paalam ni Keith.

"Salamat Keith." sabay ngiti ko sa kanya. Tumango lang ito at umalis, pumasok ako ng kwarto ko kuno at humiga.

Omg paki gising naman ako baka panaginip lang to!

Namalayan ni Keith ang sarili papuntang Wine Room at walang sabi-sabing tumawag sa gc nila kung saan nandun ang mga kaibigan niya.

''Oh, may gc pala tayo?'' sarkastikong sagot ni Alrick sa Video call ko.

''Ngayon ko lang din nalaman.'' sagot naman ni Zion.

''Fuck, buhay pa pala to?'' It was Cairo. Hindi niya maiwasan ang mapapikit dahil sa kanya-kanyang komento ng mga Kaibigan niya.

''Hi, mga kuya!'' sabay na bati naman ng dalawa na sina Grey at Zaire. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa at sumeryusong tumingin sa mga kaibigan ko na siyang iknatahimik ng mga ito.

''Fuck, Zion. Don't tell me kagagaling mo lang lumabas ng ano?'' It was Alrick who asking to Zion. Doon ko lang napansin na pawisan ito habang walang suot na pang ibabaw na damit.

''Damn, how did you know that?'' sinabayan pa iyon ng tawa na ikinailing ko.

''Malamang, nakikita yung babaeng lumakad sa likod mo eh.'' sagot naman ni Cairo.

''Blah Blah Blah. Anyway bakit napatawag ang Baby Keith namin?'' agad namang sumama ang mukha ko kay Zion.

''May sasabihin sana ako, kaso nagbago na isip ko. Wag na lang pala.'' anya ko samantalang ang tatlo naman ay may ngisi sa labi na para bang may alam na. 

''Hey, you two.'' kuha ko sa atensyon nina Grey at Zaire na abala sa paglalaro sa tablet nito

''Yes?'' Sagot ng dalawa sa akin at tumigil sa paglalaro sabay ibinaling ang atensyon nila sa akin.

''Why you two are still awake?'' Nagkatinginan naman silang dalawa sa tanong ko at sabay na ngumising tumingin sa akin.

''Tssk, magsitulog na kayo, Bye.'' agad kung pinatay ang tawag at walang alinlangan na tinungga ang wine at pumunta sa sariling kwarto para makapag pahinga.

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon