Chapter 19

69 28 0
                                        

A/N 

PHOTO NOT MINE 

|____________________|___________________|___________________|

IT'S MY beautiful day, I was busy at the counter. When Jay called me.

"Bakla!" Kinikilig na tawag sa akin ni Jay.

"Hmm?" Tanong ko na hindi tiningnan si Jay

He giggled before he spoke. "Guess what" Excited na pumalakpak pa ito.

"Anong meron?" Takang tanong ko sa kanya habang busy sa ginagawa ko. Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Jay palabas ng Cafe.

''Teka uy, bakla!'' Mahinang wika ko ng muntik na akong matumba.

''Sorry bakla.''Natatawang wika ni Jay sabay peace sign nito sa akin.

Nang makalabas na kami ng Cafe, Nagulat ako ng makita si Kuya Mike na nakatayo sa tabi ng Kotse.

''Kuya Mike?'' kuha ko ng atensyon niya kaya napatayo ito ng tawid. ''Ano po ang ginagawa mo dito sa labas ng Cafe?" Tanong ko dito sabay tingin sa bintana ng Backseat.

''Ang Hot nemen'' Bulong sa akin ni Jay kaya natatawang siniko ko ito. Nahihiyang napa iwas naman si Kuya Mike

''May pinabibigay ho Si Sir Keith Ma'am Sophie'' Ani ni Kuya Mike ng makalapit ito sa amin. Pero ang atensyon ko nandun parin sa Backseat, Naghihintay kung may Lalabas doon.

''Talaga?''Gulat na tanong ko ng bumalik sa kanya ang atensyon ko. Tumango lang sa akin Si Kuya Mike at iginiya ako papuntang kotse.

''Wala po ba Si Keith, Kuya Mike?'' Mahinang tanong ko dito sa kanya

''Umalis na po sila Kahapon Ma'am'' Wika ni Kuya Mike na ikinasimangot ko.

Huminto kami sa likod ng sasakyan at binuksan ni Kuya Mike ang likoran ng kotse. Napasinghap ako sa gulat ng makita ko ang laman doon. Gulat akong napabaling kay Kuya Mike na Nakangiti.

''OMG!'' Rinig kong sabi ni Jay na nakatingin sa Trunk.

''Sigurado ka po ba talaga Kuya Mike na para sa akin to?'' Mahinang tanong ko habang nakaturo sa loob ng sasakyan.

''Siguradong para sayo po yan, Ma'am'' Nakangiting tango nito sa akin.

''Siguro ka kuya ah?'' Paniguradong tanong ko dito. Natatawang tumango sa akin si Kuya Mike. Shit Sophie wag kang ngumiti! ''Sigurado ka talaga kuya ah-?'' Tanong ko ulit kay Kuya Mike. ''-Baka para po talaga kay Claire to, Kuya'' Mahinang wika ko sabay iwas ng tingin na ikinagulat nito.

''Ahm, Kilala niyo po siya?'' Gulat na tanong ni Kuya Mike. Tanging tango lang ang sagot ko dito sa kanya. ''Ang totoo po yan Ma'am, Ka trabaho lang po iyon ni Sir Keith'' Ani niya na ikinatingin ko dito.

''Sigurado po ba kayo Kuya Mike?'' 

''Syempre naman po Ma'am. Loyal po yun Si Sir sa inyo'' wika niya kaya iniwas ko ang tingin ko.

''Eshiee, Bestfriend lang pala ah!'' pang aasar sa akin ni Jay na ikinamula ng pisnge ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa loob ng sasakyan.

I will still court you. 

Talaga lang ba Keith ah, Talagang tutuparin mo ang mga binibitawan mong salita. Hindi ko mapigilang mapa ngiti ng ibinalik ko ang tingin sa loob sasakyan.

''Pinapasabi din po ni sir Keith Ma'am Sophie, na tawag ka na lang daw po mamayang gabi sa kanya.'' Tumango ako Kuya Mike.

''Sige, Kuya Mike.'' nakangiting sagot ko sa kanya.

Kinuha ni Kuya Mike ang Teddy bear, balloon at bulaklak sa loob ng sasakyan at binigay sa akin. Nag-alinlangan ko pa itong tanggapin. Humarap ako kay Jay at sinenyasan ko siyang lumapit sa akin.

''Bakit?'' Takang tanong nito sa akin habang papalapit sa pwesto ko

''Eh, Ano kasi... Tulungan mo ako magdala nito'' Bulong ko dito sa kanya habang nakatingin sa paligid. ''Nahihiya kasi ako Bakla'' Mahinang ani ko ng ikinatawa niya kaya napasimangot ako.

''Oo na po, Nakakahiya naman sayo.'' Natatawang wika nito.

Nang magpaalam na si Kuya Mike sa akin ay pumasok na din kami ni Jay sa loob ng Cafe. Hindi ko maiwasan ang mapayuko dahil sa mga tingin ng Tao sa loob ng Cafe.

''Hmm, Bestfriend pala ah'' Panunuksong salubong sa akin ni Ate Kate kaya pinipigilan ko ang mapangiti.

''Halata naman kasi, Unang kita mo pa lang sa kanilang dalawa'' Ani ni Jay na ikinataas ng kilay ko. Tumawa lang ito papalayo sa amin habang may panunukso ang mga mata.

It's Seven O'clock in the evening. Nandito ako ngayon sa Balcony nakatingin sa langit na naliliwanagan lamang ng liwanag ng buwan at mga bituin. ibinaling ko ang atensyon ko sa Cellphone na nakalagay sa Table. Kinuha ko ito at hinanap ang pangalan ni Keith sa Contact List para tawagan.

Naka-ilang tawag ako kay Keith pero hindi ito sinasagot. Napabuntong hininga ako at umalis sa Balcony. Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata.''Baka busy pa yun Sophie.''' Mahinang sabi ko bago nilamon ng antok.




''Fuck.'' Rinig kong mura ni Alrick. ''Kaya ba natin sila K2?'' Tanong nito sa akin.

''I Think not, Marami sila. Dalawa lang tayo'' sagot ko na ikinatango niya. Bumuntong hininga ako akmang tatayo na sana kami ng biglang may bumaril sa amin.

''Shit.'' Sabay naming mura at nagtago sa pader.

''Mukhang, mapapalaban tayo ah.'' Natatawang ani ni Alrick na ikinatawa ko din.

''All right, we'll give them what they want,'' I said with a smirk.

''That's the real K2'' Nakangiting ani nito sabay inilabas ang dalawang baril na M1911. ''Let's kill those Motherfuckers.'' Tumango ako sa kanya at sumenyas na sabay kaming lalabas, Tanging tango lang ang itinugon nito sa akin.

Hinintay muna namin na makalapit ang mga kalaban bago itinaas ang kamay ko na hudyat na lalabas kaming dalawa ni Alrick. Umikot ako sabay gulong at binaril ang lalaki sa braso, Napahiyaw naman ito sa sakit.

Baril dito, Baril doon hanggang sa maubos ang bala ng baril namin. Parami nang parami ang kalaban namin ni Alrick na may mga dalang pamalo.

''Fuck, Mukhang sasakit kamao ko dito ah'' 

''Let's end this Fight, We have no bullets'' bulong ko sa kanya na ikinatigil nito.

''Fuck you, Keith, Why did you not tell me?'' Gulat na tanong nito sa akin na ikinatawa ko.

''Focus ka masyado sa laban eh.'' pinipigilang tawa ko habang nakatingin sa mukha nito na hindi maipinta.

''Fuck, Ok let's end this.'' Seryusong sagot nito. Akmang susugod na si Alrick ng pigilan ko ito.

Nagtatakang tiningnan niya ako. Magsasalita pa sana ito ng hilaan ko siya patago sa gilid ng may narinig akong boses.

''We need  to get out of here, Hindi natin sila kaya gamit ang kamao lang'' Mahinang bulong ko na ikinatango nito.

Dahan-dahan kaming humakbang palabas ng gusali para hindi kami makita ng mga kalaban. Napahinga ako ng maluwag ng makalabas kami ng gusali. Nang makapasok kami sa loob ng kotse, Dali-dali pinaandar ni Alrick ang sasakyan papalayo sa gusaling iyon.

Until we meet again Jimenez And when we meet that day, I'II makes sure it's your last day.

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon