IT'S ALREADY midnight but, I'm still here in the kitchen and getting drunk. Napatingin ako kay Manang Josie na lumabas ng kwarto nito at uminom ng Tubig. Gulat na napatingin ito sa kinaroroonan ko.
"Bakit gising ka pa, iho?" Tanong ni Manang ng makalapit ito sa pwesto ko.
Napabuntong-hininga ako "Hindi pa po ako Inaantok Manang "
"May problema ba?" Tanong ni Manang sa akin
"Wala naman po, dumalaw lang ako kanina kina Mommy At Dad" Napahilamos ako ng sariling mukha. Napatango lang sa akin si Manang.
"Alam ko na ayaw mo na pinipakialam ka sa mga gusto mo. kaya munting paalala ko lamang na mag iingat ka, iho ah" masuyong sabi ni Manang. "Gusto mo ba ng kausap?" umiling lang ako "O siya, mauna na ako. Matulog ka na din" Paalam nito sa akin.
Kinuha ko itong katulong sa bahay. Sobrang bait niya kasi nito sa akin. Tinuturing ko din siyang pangalawang ina. Siya ang lagi kong nasasandalan nung mga panahong may problema ako. Ang totoo niyan sinabihan ko siya na pwede na siyang mag retire para maka uwi sa nag iisang anak nito sa probinsya na nag aaral ng college ang anak nitong babae. Ang sagot naman ni Manang sa akin ayos lang naman daw na magtatrabaho siya muna dito para makabawi man lang daw sa akin, wala akong nagawa.
Nang maubos ko ang isang bote ng alak. Tumayo at pumunta ng kwarto ko At humiga na. When I check my phone napa mura ako ng ilang beses ng makita ko ang 3 missed call ni Sophie. Dali-dali akong tumayo at nagsuot ng jacket.
''Fuck sana gising pa siya'' saad ko sa isipan ko at kinuha ang susi ng sasakyan at lumabas ng kwarto. It's already midnight. Buti na lang nasa labas lang sasakyan ko. Pagkapasok ko ng sasakyan agad ko iyon pinaharurot papuntang bahay nina Sophie.
Nagising ako dahil sa ingay ng Cellphone ko at kinapa ko ito sa table kung saan ito nakalagay.
"Hello?" Inaantok na sagot ko dito.
"I'm sorry, I disturbed your sleep" Wika ng baritong boses sa kabilang linya na ikinamulat ng mata ko. Napabalikwas akong bumangon at tiningnan kung sino ang tumawag sa akin. Napakurap ako ng ilang beses nang makita ko ang pangalan ni Keith. Pucha nanaginip ba ako!? "-Are you still there, Sophie?" Napatingin ako sa orasan ko nanlaki ang mata ko ng makita kung anong oras na. Hala gago? Two-thirty am!? Seriously Keith?
"H-Hey, Hmm ang aga mo naman tumawag" takang tanong ko dito at sinabayan pa ng tawa.
"Hindi mo man lang ba ako pagbuksan ng pinto?"Dahil sa gulat natapon ko ang cellphone sa kama at dali-daling bumaba para buksan ang pinto. Shet bahala na kung magising si Papa.
Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin si Keith na mapupungas ang mga mata habang nakasandal sa sasakyan nito at nakalagay ang mga kamay nito sa bulsa ng pantalon. Nalaglag ang panga ko sa gulat.
Shet, hindi sana ako nanaginip!
"Hi" bati nito sa akin ng makalapit ito kaya naamoy ko ang hininga niya.
"Lasing ka?" Gulat na tanong ko sa kanya
"No, I'm not drunk" Natatarantang sagot nito sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Narinig ko pa itong bumulong kaya mas lalong naningkit ang mga mata ko. "Okay, uminom ako. But, I'm not drunk" napailing nalang ako. "Can I come in?" May alinlangan na tanong niya sa akin, kaya niluwagan ko ang pagbukas ng pinto. Nagulat ako ng dumiretso itong umakyat at pumunta ng kwarto ko.
Aba't ang kapal naman nang mukha ng lalaking 'to!
Pagkatapos kong i-lock ang pinto ay umakyat na din ako sa kwarto ko. Pagdating ko sa kwarto ko nakita kong nakahitaya na si Keith sa kama ko. Nakss naman ah! Kala mo naman kwarto niya eh! Tss. Gigisingin ko na sana si Keith ng mapansin kong mainit ang braso nito. Nilagay ko din ang kamay ko sa noo nito, laking gulat ko na mainit ang noo nito.
'Oh Shet' mura ko sa isipan ko at tumakbong papunta sa kwarto ng Papa ko.
Huminga ako ng malalim bago kumatok dito. Nakailang katok pa ako dito bago bumukas ang pinto. "Bakit 'nak? May problema ba?" Takang tanong ni Papa sa akin napansin ko din na Inaantok pa ito.
Napangiwi ako sa tanong nito sa akin. Shit paktay na, paano ko sasabihin kay Papa? Bahala na nga! "Pasensya na po pa, naistorbo ko ang tulog mo. Hmm ano po kasi.....si Keith po nilalagnat, nandun po siya sa kwarto ko" Mahinang sabi ko habang nakayuko sa kanya. Ilang minuto pa bago nagsalita si Papa.
"Maglagay ka ng maligam-gam na tubig sa palanggana at kumuha ka ng bimpo." Utos ni Papa sabay punta nito sa kwarto ko. Ako naman ay Natataranta at hindi mapakaling pumunta ng kusina para kumuha ng inutos sa akin ni Papa.
Naabutan ko si Papa na Inaayos ang pwesto ni Keith. Tumayo si Papa at humarap sa akin. "Tawagin mo na lang ako kapag tapos muna siyang punasan. Maghahanap lang ako ng masusuot niya" ani ni Papa sabay labas ng kwarto ko.
Napalunok ako habang nakatingin kay Keith na nakahiga sa kama na ang tanging pang ibaba lang ang may takip dito.
Shit, kahit anong mangyari wag na wag kang tumingin sa baba Sophie!
Napakurap-kurap ako ng ilang beses para mawala sa isip ko ang kalokohan. Umupo ako sa tabi ni Keith at tinuyo ang bimpo para masimulang punasan ang katawan ni Keith.
Jusko mag-focus ka Shopie!
Habang busy ako sa pagpupunas kay Keith, narinig ko itong nagsalita.
"M-Mom...D-Dad!" Bakas sa boses nito ang Takot at pangamba. Nightmares I'm used to this situation When he has a fever. This is how he always has nightmares about what happened to his parents. I feel sad for him, he witnessed everything that happened to his parents.
Huminga ako ng malalim at tumayo para tawagin si Papa. Naabutan ko siya sa kusina naghahanda ng gamot at tubig. Suminyas lang ako kay Papa at tumango lang ito sa akin. Sumunod ako sa kanya at naghintay sa labas ng kwarto ko. Nang bumukas ang pinto lumabas si Papa.
"Gisingin mo siya 'nak at painumin mo ng gamot para bumaba ang lagnat niya." Tumango lang ako sa bilin ni Papa. "Tsaka mauna na ako, Inaantok pa ako " bilin ni Papa sa'kin bago lumabas habang natatawz kaya napailing nalang ako.
"Sige po Pa, Salamat po" habol ko, tumango lang sa akin si Papa at pumunta ng kwarto nito. Pumasok ako sa kwarto ko at napatingin ako kay Keith na nakahiga sa kama. May suot na yan Sophie wag kang ano dyan!
Lumapit ako sa kama at umupo sa tabi ni Keith.
"K-Keith" Gising ko dito sa kanya sabay tapik sa mukha nito.
"Hmm?" Nahihirapang sagot niya sa akin sabay dilat ng mga mata.
"Matulog ka na" Biglang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko na ikinagulat ko. "Ah, Este, Ano.. bangon ka muna Hehe." Ngiting aso na ani ko sabay Tampal sa sarili noo.
Ambobo mo Sophie!
Inalayan ko itong bumangon at pinaupo sa kama. Inabot ko sa kanya ang gamot at tubig, tinanggap niya naman iyon at ininom.
"H-Hey, I'm sorry for the inconvenience" Mahinang Sabi ni Keith.
"Okay lang naman, tsaka na kita pagagalitan kapag wala kang sakit" Keith let out a soft laugh kaya napangiti nalang ako. Aalis na sana ako para ihatid ang baso sa kusina ng pigilan ako ni Keith.
"Don't leave, please" Mahinang pakiusap nito sa akin.
"Dalhin ko lang to sa baba" Ani ko pero umiling lang ito sa akin.
"Please" napabuntong hininga ako at nilagay sa table ang baso bago bumalik sa tabi ni Keith. Nagulat ako ng Hinila ako ni Keith pahiga sa mga braso nito. "Let me hug you Sophie" I was stunned when he whispered to me. I felt something tickle in my body when he whispered in my ear.
Hinayaan ko siyang yakapin ako hanggang sa makatulog kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siya sa gusto nito. Dahil na din siguro na gusto ko din.
I felt comfortable when he hugged me. I like and I want his hug too.
![](https://img.wattpad.com/cover/288186825-288-k559292.jpg)
BINABASA MO ANG
His Dark Side (COMPLETED)
RomanceHe was busy looking for the person who killed his parents. He meets Don Giovanni, and helps him build a small organization and his friends join him. He is in love with her best friend But he couldn't say that. He will do anything to keep her safe. B...