Chapter 28

58 21 0
                                    


NAGISING ako sa ingay ng isang hagikhik na bumabalot sa loob ng kwarto.

''Shh, wag ka'ng maingay baka magising si Ate mo'' Rinig ko'ng bulong ni Keith

''Okay po, kuya Keith'' Sagot naman ng isang batang babae sabay hagikhik nito.

"Narinig ko yun" Inaantok na wika ko sakanila habang nakapikit ang mata.

"Good morning Ate!" Masiglang bati ni Syrille at biglang tumalon sa kama at tumatab nghiga sa kanya. Napailing nalang kami dalawa ni Keith sa kakuletan nito.

"Good morning din, ang ingay mo" Ani ko sabay kilit nito sa kanya.

"WAAAAAAAA- Ate tama na HAHAHAHA" Panay ang iwas nito habang kinikiliti.

"K-Kuya! Tulong WAAAAAAAA!" Napatawa nalang si Keith sa amin dalawa. Hinihingal na bumangon si Syrille at napasimangot na tumingin kay Keith.

"Bakit hindi mo ako tinulungan kuya?" Nakasimangsot na tanong niya kay Keith. Natatawang napailing lamang ito kay Syrille. Lumapit naman sa akin si Keith.

"Good morning" Ngiting bati ko sa kanya.

"Good morning babe" Akmang hahalikan ako nito ng hinarang ko ang kamay ko sa bibig ko.

"Why?" Nagtatakang tanong niya sakin.

"May kasama tayo" Sabay nguso ko kay Syrille na pigil ang tawa nito habang nakatingin sa amin. Tumayo si Keith at nilapitan nito si Syrille at kinausap, hindi ko narinig ang usapan ng dalawa, nakita ko nalang na ngumingiting nagpaalam lumabas si Syrille.

"Ano na naman sinabi mo doon?" Takang tanong ko sa kanya.

"Cake and chocolate, gusto kitang masulo" Nakangiting sagot nito sa akin

"Eh? Nasulo mo na kaya ako kagabi" Napakagat nalang ako sa sariling labi ng maalala ko ang nangyari kagabi, gosh Sophie.

"Wala bang masakit sayo?" Nakangising tanong niya sakin na ikinamula ng mukha ko.

"Ang ano mo!" Napatakip nalang ako ng kumot ng marinig ang malakas na tawa nito.

"Anong, ang ano?" May pang aasar na tanong niya sa akin.

"Ewan ko sayo" Mas lalo akong nainis ng lumakas ang tawa niya. Nakangusong tiningnan ko siya ng masama na ikinatigil nito.

"Kidding babe" Pigil na tawang ani nito.

"Tss, alis ka na nga maliligo ako." Pagdadabog ko sa kanya.

"Sama ako" Nakapuot niyang saad

"He! Bawal" Napangiti nalang ako ng makita itong nakasimangsot lumabas ng kwarto. Akala mo ah, ikaw lang ang marunong mang asar! Pwes! Kaya ko rin no!





Nagulat ako ng makita silang Kompleto sa sofa habang seryosong nag-uusap, Natataranta pa ang mga ito ng makita akong pababa ng hagdanan.

"H-Hi ate Sophie" Nakangiting bati nina Grey at Zaire sabay harang nila sa daanan ko.

"Good morning, Grey And Zaire" Kahit nagtataka sa mga kilos nila pinagsawalang bahala ko nalang iyon.

"Tara po, sa kusina" Nakangiting anyaya ni Grey, nagpaubaya nalang ako kay Grey habang hila-hila ako nito papuntang kusina. Naabutan namin doon si Syrille habang busy sa kinakain nitong Cake.

"Sy" May babalang boses na tawag ko dito.

"HEHEHE, hi ate" Gulat itong tumayo sabay tago ng kinakain nito sa likod niya.

"Ano 'yung kinakain mo" Maang-maangan na tanong ko sa kanya.

"W-Wala 'yon ate" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ate! Pinayagan kaya ako ni Papa at Kuya Keith!" Pigil na tawa ako habang nakatingin sa mukha ni Syrille na parang gusto ng umiyak. Alam niya kasi na ayaw ko na kumakain siya ng matatamis na pagkain kapag umaga.

"Okay, Toothbrush agad ah!" Ani ko na ikinatuwa ni Syrille, kumakanta pa itong umalis ng kusina. Napunta ang atensyon ko kina Grey at Zaire na tahimik habang nag titimpla ng kape.

"Grey? Anong problema niyong dalawa?" Kuha ko sa atensyon nila.

"Po?" Sagot nito sa akin pero hindi siya nakatingin sa akin. 

"May problema ba?" Takang tanong ko sa kanilang dalawa na ikina angat  ng tingin ni Zaire. Nagulat ako ng makita ang lungkot sa mga mata nito. "Bakit? Halika nga kayo dito" Masuyong wika ko dito sa kanila at umupo naman ito sa tabi ko.

"Um.....Ate, I don't know what to say" Mahina niyang sabi ni Zaire.

"Ano ba gumugulo sa isip mo?" Masuyong tanong niya sa binata.

"Kasi.." Bumuntong hininga ito."-Kapag kasal na kayo ni Kuya Keith... Hindi niya na kami pwedeng makasama ni Grey" Mahinang ani nito na ikinagulat ko. Sa totoo lang inaasahan ko na to, pero hindi ko talaga mapigilan ang magulat. Sabagay malapit ang loob nila kay Keith dahil itinuring nila itong Kuya.

"Sino ba ang nag sabi na hindi niyo pwedeng makakasama ang Kuya Keith niyo?" Nakita ko ang gulat sa mga mata nila at nagkatinginan pa ito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ayukong nakikita silang nalulungkot o nasasaktan. Naging parte na sila ng buhay ko, ng naging parte ako ng buhay ni Keith. Napalapit na din ang loob ko kanilang dalawa.

"Talaga ate?" Gulat na tanong ni Grey sa akin na ikinangiti ko.

"Sabi mo yan ate ah?" Natawa nalang ako sa sinabi ni Zaire.

"Kayo talaga, hali nga kayo" Niyakap ko silang dalawa nagulat ako ng marinig ko ang pagsisinghot ni Grey. "Hala! Bakit? May masakit ba sayo?" Natatarantang tanong ko sa kanya na ikina iling nito. Habang si Zaire naman ay pigil ang tawa nito.

"Boys, sinusulo niyo na fiancee ko ah" napatingin kami sa isang baritong boses na nanggagaling sa isang binata na nakasandal sa pader.

"H-Hindi po kuya!"Natatarantang sabay na sabi nina Zaire at Grey. Napatawa naman si Keith sa mga mukha nito.

"Hindi niyo ba ako isasali sa yakapan niyo?" Natatawang tanong ni Keith. Napatingin naman sa akin ang dalawa na para bang humihingi ng saklolo.

"Uh-oh" Umiiling na sagot ko sa kanya na ikinasama ng mukha, pigil naman ng tawa sina Zaire at Grey kay Keith.

"Wag kayong tatawa" Pagbabanta ni Keith sa dalawa, para namang mga bata na tumango ang dalawa. Napailing nalang ako kay Keith. "At ikaw babe, mag-usap tayo" Masungit na utos nito sa akin, napatawa nalang ako ng mahina. 

Nang makaalis sina Grey at Zaire naiwan kaming dalawa ni Keith sa kusina. Napatingin ako kay Keith na nakangiti ng nakakaloko.

"Ano naman pag-uusapan natin aber?" Pagsusungit ko sa kanya.

"Nothing babe, narinig ko ang usapan niyo" mahina niyang sabi habang nakayakap sa akin.

"I don't want to see them sad" ayuko maranasan nila ulit ang lungkot. "Alam ko na ayaw mo silang malayo sa'yo, napalapit na ang loob mo sa dalawa, napamahal kana sakanila. You treated them both, like your younger brothers." Kahit ako, napamahal na din sa dalawa

"I-I don't want them to get involved in what I'm doing" he sighed "Especially you, Sophie" he buried his face in my neck.

"Tell me, Keith, Why?" I gently stroked his head "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" I asked him, I felt that he was stunned by my question.

"Soon babe, I will tell you" Mahinang sagot niya, habang nakasandal ang ulo nito sa balikat niya. Tanging tango lang ang sagot ko dito, ayuko ng isipin kung ano man iyon.

Nasa ganoong posisyon kami ni Keith, Hanggang sa naisipan naming bumalik sa Sofa kung saan nag-uusap ang lahat.

When Keith heard what Zaire and Grey says, he feels like his heart was stabbing how many times. Masyado ng malapit sa kanya ang dalawang yun' kaya hindi niya kayang mawala ang dalawa sa buhay niya.

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon