Chapter 10

83 34 0
                                    

MAAGA kaming umalis ng bahay ni Keith, Kasama namin sina kuya Mike at Manang Josie. Katabi ko ngayon si Keith sa backseat ni isa sa amin dalawa walang nagsalita, Tanging sina Manang at kuya Mike lamang ang naguusap sa unahan.

"Ayos lang ba kayo diyan, Iho?" Biglang tanong ni Manang kay Keith, nahalata nito siguro na wala kaming kibuan dalawa kahit magka tabi lang.

"Okay lang po, Manang" Nakangiting sagot ni Keith, napipilitang tumango si Manang at bumalik sa kwentohan nina Kuya Mike. Ang Awkward. Tumikhim ako at inilabas ang cellphone, Inabala ko ang sarili ko sa social media, gumawa din ako instragram at nang mapagod ako sa ka ce-cellphone, kinuha ko nalang ang earphone ko at sinuot iyon para makinig ng mga music.

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako at nakasandal sa balikat ni Keith na nakatulog din. Napa ayos ako ng upo at umusog palayo sa kanya ng ma realized ko ang position ko, tumingin ako ng relo ko 10 am na pala, may 2hrs pa bago kami dumating sa bahay. Napatingin ako sa position ni Keith parang ako kasi nahihirapan sa kanya, Eh? Hindi ba siya na ngangalay dyan? .Nang hindi ko matiis umusog ako palapit sa kanya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko, wala eh hindi ko matiis.

"Gising ka na pala?," Tanong ni manang na ikinatingin ko sa kanya. "Kanina kapa nyan binabantayan, baka daw kasi ma untog ka habang natutulog, Ewan ko sa batang yan napaka Torpe." natatawang ani ni manang.

"H-Ho?'' Gulat na tanong ko kay manang, tinawanan lang nila akong dalawa kaya napa simangot ako.

Habang natutulog si Keith hindi ko pinalampas na titigan ito, ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan, Ang makapal na kilay at ang matangos na ilong at ang napaka gandang hugis ng mukha nito, kahit talaga sino ay mahuhulog sa kagwapohan nito. Sabagay saan kapa ba, Matalino, Masipag, Mabait, Mapagmahal, Sexy, Gwapo tsaka may Abs pa! O diba Sanaol! Ano kaya ang feeling na ganitong mukha ang makikita mo pag gising mo ng umaga, pag uwi mo ng bahay galing sa trabaho, ay asawa lang ang peg!!

"Ba't ang gwapo mo?" tanong ko sa isipan ko

"Talaga?" Gulat na itinulak ko si Keith ng magsalita ito. "Aray ko!" Ani niya habang naka hawak sa noo nito.

"Hala, Sorry!" Natatarantang ani ko, napahinto naman ni kuya Mike ang sasakyan sa gilid at takang tumingin sila sa amin ni Keith.

"Iho bakit? Anong nangyari?" Natatakang tanong ni Manang sa amin.

"Wala po, Manang." Ani ni Keith at umayos ito ng upo, ng pinaandar ni kuya Mike ang sasakyan, nag alalang napatingin ako kay Keith na humihimas sa noo nito.

"Ba't ka Kasi nanggulat!?" Sermon ko sa kanya

"Sabi mo kasi gwapo ako." nakangising ani niya na ikinamula ng pisnge ko.

"Luh! Wala akong sinabi no!" Ani ko sabay iwas ng tingin! Pucha Ba't mo sinabi yun!? Sa isipan ko lang yun dapat eh!!

"Ang cute mo pala pag namumula pisnge mo" natatawang pang aasar nito sa akin. Hindi ko siya pinansin kaya sumimangot ito

"Uyy, sorry na joke lang yun" naka simangot na ani niya. "Please, pansinin muna ako" patuloy na hindi ko ito pinapinsin. Nagulat ako ng bigla niya akong pinaharap sa kanya.

"Please, pansinin mo na ulit ako, hindi ko na alam ang gagawin ko pag hindi mo naman ako ulit papansin" Malungkot na ani nito. Hindi ko alam pero parang may sumaksak sa puso ko, nasasaktan ako hindi ko alam na ganito pala ang epekto nang pag iiwas ko sa kanya.

"Hey, why are you crying? I'm sorry." Natatarantang ani ni Keith, sabay yakap sa akin hindi ko pala namalayan na tumulo na pala ang luha ko. "May kasalanan ba ako?" Tanong ni Keith sa akin, umiling lang ako sa kanya. "Then, bakit mo ako iniiwasan?" Mahinang tanong niya, Hindi ko alam kung paano ko sabihin sa kanya!

*Flashback *

"Bakit mo pala ako gusto maka-usap?" Tanong ko sa kanya

"I'm Claire, Keith Girlfriend " Inaasahan ko na iyon. "And can you please stay away from Keith? He always has no time for me! when he is with me he doesn't pay attention to me, lagi na lang ikaw ang bukang bibig niya!. Like what the heck!? I'm his girlfriend pero lagi na lang ikaw like duh!" Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya nakaramdam ako ng saya . I was shocked hindi dahil sa sinabi niya na girlfriend siya ni Keith o she's insulting me, kundi dahil sa mga binitawan niyang salita.

"Please, can you do that? I love him, Sophie " Paki usap nito sa akin.

''O-Okay." hindi ko alam kung tama pa desisyon ko

"OMG, thank you so much." Nakangiting ani niya.

So ibig sabihin iiwasan ko si Keith, napahawak ako sa puso ko ng kumirot ito. Bat ka naman Pumayag Sophie shuta naman!. Simula nun ay iniiwasan ko na si Keith, yun naman ang tama diba? Kesa naman na makasira ako ng ibang relasyon.

*End of Flashback *

"Hey, kanina pa kita kinakausap." Nagulat ako ng nagsalita si Keith sa tabi ko.

"Uh- sorry, may iniisip lang." Sagot ko sa kanya sabay sandal ng ulo sa bintana ng sasakyan, ang gulo-gulo na ng utak ko.

"May problema ba Sophie?" Mahinang tanong niya sakin umiling lang ako at pumikit, sumasakit ulo ko! Ang dami kong tanong sa kanya pero natatakot akong malaman ang totoo, natatakot akong sa kanya mismo manggagaling ang mga salitang iyon.

Narinig kong bumuntong hininga ito. "Please say something-" hindi ko pinatapos sa Pagsasalita si Keith

"Sino si Claire?" Putol ko sa sasabihin nito sa akin, hindi ko alam kung ba't yan ang lumabas na tanong sa bibig ko.

"I don't- What?" Gulat na tanong nito, patuloy parin akong naka pikit.

"Sabi ko sino si Claire?" Madiing tanong ko, hindi ko alam ba't ako naiiinis. Basta pag naririnig ko yang pangalan na yan naiiinis ako!

"Fuck" bulong na ani nito. "Sinong Claire?" Walang emosyon na sabi ni Keith kaya napa dilat ako ng mata ko at tumingin sa kanya na nagtataka.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wag mong sabihin na marami kang Claire." Gulat na tanong ko kay Keith.

"Wala ah!" Natatarantang sagot nito." I mean sinong Claire? Saan mo siya nakilala?" Mahinahong tanong niya.

Huminga ako ng malalim sasabihin ko ba kay Keith ang sinabi ni Claire sa akin? Shuta naman oh!! Bahala na nga! "Hmm, ano kasi" hindi ko alam kung paano sabihin sa kanya eh.

"Please, Anong ginawa niya sayo? Sinaktan ka ba niya? O tinakot?" Malamig na tanong ni Keith sa akin nakakatakot naman ng mukha nito, minsan ko lang siya nakikita na ganito!

"Ano kasi sabi niya ano, layuan daw kita" yumuko ako at pumikit. Ayukong umiyak sa harap niya, ayukong ipakita sa kanya na nasasaktan ako! Na hindi ko kaya na layuan siya!

"What?" Gulat na tanong nito sa akin. "Hey, look at me" malambing na ani nito at ini angat ang ulo ko at tumingin sa kanya. "Kaya mo ba ako iniiwasan?" Malungkot na ani nito tumango lang ako sa kanya at umiwas ng tingin, hindi ko alam kung paano siya harapin at kausapin ng maayos. Pareho na kaming hindi nagsalita, napapansin ko din si Keith na panay tingin sa akin na parang hindi mapakali sa kina uupuan nito. Takot ba siyang malaman ko na may girlfriend siya? Tss pagak akong napatawa sa isipan ko, tama lang pala ang ginawa kong pag iwas sa kanya. Kingina kinuha pa niya yung first kiss at second kiss ko!! Tapos may jowa naman pala ampucha ka Keith!! Humanda ka talaga sa akin! Pisteng Yawa ka!

While Keith was already cursing Claire to his mind to the death. Kaya pala ganun na lang ang naging patungo sa kanya ng dalaga dahil may ginawang hindi maganda na naman ang babaeng 'yun, Keith's though. Fuck Kailangan ko na talaga makuha ang impormasyon sa kanya para matapos na ang kalokohan na to. It was Cairo suggestion. At first, hindi ako pumayag dahil iyon na nga nangyari na ang iniiwasan kong mangyari. But, kailangan kong ipagpatuloy to. I need Claire, I still need her para lamang sa impormasyon.

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon