Chapter 26

67 23 2
                                    


ILANG BUWAN na ang lumipas dito na ako nakatira sa bahay ni Keith, minsan dumadalaw dito sina Papa pag umaalis ng manila si Keith. Pumupunta ito'ng probinsya kasama ang mga kaibigan niya, may inaasikaso daw sila doon.

Nitong nakaraan buwan laging may napapansin lang ako sa kanila na tuwing uuwi ang mga to ng Manila laging may mga sugat isa sakanila. Tapos ang sasabihin na disgrasya daw kahit ano nalang pinapalusot ng mga to. Pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon, ayukong mahimasok sa mga ginagawa nila. Gusto ko si Keith mismo ang magsasabi sa akin. Sino ba naman ako para panghimasukan ang ganoo'ng sitwasyon, Girlfriend niya daw ako, akalain mo 'yon naging kami na wala akong kamalay-malay. Nalaman ko lang na kami na! ni hindi niya nga ako tinanong kung papayag ako eh! tss!

''Saan ba kasi tayo pupunta?'' Pangungulit na tanong ko kay Keith. Kanina pa ako nagtatanong sa kanya tanging tawa lang ang sagot nito sa akin. Nakakainis na ah!

''Shh, Secret nga kasi ang Kulet mo naman eh!'' Napanguso ako dahil ganun na naman sagot niya sa tanong ko. Ba't pa kasi maypa takip-takip pa ng mata tssk! daming alam nito eh!

''Paulit-ulit naman ya'ng sagot mo sakin eh!''Pagmamakdol ko habang inaalalayan ako nito sa paglalakad.

''Paulit-ulit din kasi ang tanong mo eh.'' ginaya pa ang boses ko Jusko babatukan kuna talaga to eh! kumalma ka muna Sophie!

''Kanina pa kasi tayo naglalakad, Keith, Sumasakit na paa ko oh!'' Ani ko sa kanya sabay taas ng paa ko.

''I'm Sorry'' Naramdaman ko na yumuko ito. ''I'll piggyback you'' Napakagat ako ng sariling labi at hindi mapigilang mapangiti. Walang oras na sinayang ko, Agad akong sumakay sa likod niya. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Keith. ''Hold on tight'' He said and he started to walk. I hugged him tightly and I leaned down on his shoulder. 

Ilang minuto pa kami naglalakad  ni Keith, ay si keith lang pala ang naglalakad. Tanging mabibigat na hininga lang ni Keith ang naririnig ko kaya nag alala ako.

amputa baka mabigat ka sophie!

''Keith, Bababa na ako! Hindi na masakit ang Paa ko'' Basag ko sa katahimikan

Tumigil siya sapaglalakad at binaba ako. ''Are you Sure?'' Takang tanong nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad.

''Nandito na tayo'' Malambing na wika ni keith sa likod ko. ''Wait, dito kalang ha. Wag ka'ng aalis may kukunin lang ako'' Paalam nito sa akin tangin tango lang ang sagot ko sa kanya.

Ilang minuto pa bago ko hinintay si Keith pero hindi ko naramandaman na bumalik ito. ''Pwede ko na ba kunin ang takip sa mata ko!?'' Sigaw na tanong ko dito sa kanya pero walang sumagot sa akin. ''Woi! Keith, Walang ganyan uyy!'' Kinakabahang ani ko. ''Pag hindi kapa sasagot sakin. bahala ka! kukunin ko to!'' Pananakot ko dito Pero walang keith na sumagot sa akin, Kaya kinakabang tinanggal ko ang takip sa mata ko at inilibot ang paningin sa paligid.

Unang bumungad sa akin ang liwanag ng mga kandila sa paligid at nakapalibot sa isang lamesa  na nasa gitna at tanging dalawang upuan lamang ang nakalagay. Sa dulo naman ay may nakaukit na puso at ginagabayan iyon ng ilaw para humugis puso.

Isang butil na luha ang tumulo sa mga mata ko ng makita ko'ng lumabas na kung saan man sina Papa at Syrille at may dala ito'ng Board. WILL ang nakasulat na Board ang dala ni Syrille, Nagtatakang tiningnan ko siya tanging Thumbs Up lang ang tugon nito sa akin. Samantalang si Papa naman ay YOU ang nakalagay sa dala nito'ng Board, Ngumiti lang sa akin si Papa kaya hindi ko mapigilan ang mapaluha sa kaba at saya.

Sumunod nama'ng lumabas ang kaibigan ni Keith na sina Alrick At Zion. Katulad nina Papa meron din sila dalang Board.  Ang dala ni Alrick ay may sulat na BE at kay Zion naman ay MY. Ngumiti lang sila sa akin kaya ginantihan ko din sila ng ngiti. Sunod namang lumabas sina Cairo, Zaire at Grey nakangiting kumaway sa akin sina Grey at Zaire natatawang napailing nalang ang mga kaibigan ni Keith, Kumaway din ako pabalik sa kanilang na ikinangiti nito. Meron ding sila dalang Board nagulat ako ng mabasa ang nakasulat sa Board ni Cairo na WIFE inilibot ko ang paningin ko na umaasang makita ko si Keith pero hindi ko ito nakita. Gulat parin ako'ng nakatingin sa kay Cairo inulit ko pa'ng basahin iyon, naluluhang bumaling ako kay Papa na nakangiting umiiyak na din. Hindi ko alam ang nangyayari, Hindi parin pumapasok sa isipan ko, Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko parang mayamaya lang sasabog na ito ewan pero nakaka excite.

Bumalik ang atensyon ko kina Grey at Zaire ng pinakita na nila ang nakasulat sa dala nito'ng Board. FOR ang nakasulat sa dalang board ni Zaire , Samantalang kay Grey naman ay EVER. kumunot ang noo ko ng tumabi sila'ng lahat nabuo ang salita. Umuwang ang labi ko ng marealize ko ang mga nakasulat sa Board.

''WILL YOU BE MY....WIFE FOREVER.''  Parang nanghina ang tuhod ko ng mabasa ko iyon. Hindi ko alam ang gagawin, Pinigigilan ko ang umiyak ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang nagsasaya sila.

''WILL YOU BE MY WIFE FOREVER?'' Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang boses ni Keith. Napatingin ako sa kung saan nanggalin ang boses na iyon, Ang kaninang luha na pinipigilan ko kusang lumabas ng makita ko si Keith sa harap ko nakatayo habang may hawak na sticker ng Question Mark. Hindi ko mapigilang tumakbo papuntang pwesto niya at yumakap ng mahigpit at doon ko binuhos ang mga luha sa balikkat niya. Narinig ko pa ang mahina nitong tawa.

''I-Ikaw! lagi mo nalang ako pinapaiyak." Pangsesermon ko sa kanya habang pinupunasan ang tumulo'ng luha ko.

''I'm sorry.'' Ani niya sabay lagay ng mga kamay niya sa mukha ko. ''Pinapaiyak lang naman kita sa Sarap at Saya ah.'' Habol na salita nito na ikinalaki ng mata ko.

''Keith!'' Suway ko sa kanya sabay hampas sa balikat, Tumawa lang ito sa akin.

 ''Kidding Babe'' Malambing nitong wika na ikinanguso ko na ikinatawa nito.

''What?'' Naiinis na tanong ko sa kanya na mas lalo itong tumawa, Yawa nito ang hilig mang asar! ''Hindi kita sagutin dyan eh!'' Napatakip ako ng bibig ko ng mapalakas ang sabi ko, Shit sa isip ko lang dapat yun! ''Charoot lang, to naman di mabiro.'' Ngiting aso'ng wika ko sa kanya sabay Peace sign.

''Okay, Gusto ko marinig ang sagot'' Nakangiting ani niya sa akin.

''Sure ka dito ah?'' Tanong ko na ikinatawa nila. Tumango lang sa akin si Keith. ''Wala ng bawian? as in di ka nagbibiro?''

''Sure na sure na ikaw lang mamahalin ko'' Shit parang gusto ko'ng magwala ngayon ah!

''Bakit ganito ang proposal mo?'' Pangungulit na tanong ko dito.

''Bakit may kulang ba? Panget? Hindi mo gusto?'' Sunuod sunod na tanong nito sa akin na ikina ngiwi ko.

''I mean....Walang singsing?'' Mahinang bulong ko sa kanya na ikinatawa nito. ''Kasi nakikita ko sa mga TV ganun, Luluhod ang lalaki tapo-'' Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang lumuhod sa harap ko si Keith habang nakalahad ng singsing. Narinig ko pa ang mga hiyawan ng mga kaibigan niya.

''Okay na ba?'' Nakangiting tanong nito sa akin. Habang ako naman ay gulat paring nakatingin sa kanya.

''Uh-..W-Wait-Tubig.'' Palinga-linga ako, Narinig ko pa ang mga tawa nila, Pigil na tawa naman lumapit sa akin si Syrille sabay abot ng tubig. Ghosh parang hihimatayin ako nito sa gulat ni Keith ah!

Hinarap ko si Keith ng matapos ko'ng uminon ng Tubig.

''Yes'' Nakangiting bungad ko sa kanya.

''W-What?'' Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ewan ko nalang kay Keith

''Sinasagot ko na ang alok mo, Sabi ko Yes!'' Pigil na tawang ani ko habang pinagmamasdan ang reaction ni keith. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap at siniil ng halik.

''I love you'' Malambing nito sabi. ''I love you so much and thank you'' ani niya sabay halik sa noo ko.

''Thank you din Keith, I love you'' Bigla nalang kumalas sa akin si Keith. ''Bakit?'' takang tanong ko sa kanya.

''Kinikilig ako'' Mahinang bulong nito sa akin at yumakap ulit at itago ang mukha nito sa leeg ko. Hindi ko mapigilan ang matawa.

Humiwalay sa akin si Keith para pumunta sa kaibigan nito. Narinig ko pa ang mga kalokohan nila, habang sina Papa at Syrille naman ay lumapit sa akin ay yumakap. 

Tumingala ako sa kalangitan at kinausap si Mama. Ma! ikakasal na po ako, Sana no naabutan niya pa ito. Ipinikit ko ang mga mata ko para pigilan ang luhang lalabas.

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon