Chapter 36

89 19 0
                                    

KANINA pa ako hindi mapakali kakalakad.

"'Nak, ako nahihilo sayo." Kuha ni Papa sa atensyon ko na sinabayan pa ng tawa, ngumiti lang ako ng pilit kay Papa. Kanina pa kasi ako kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil buntis ako? Kaya kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isipan ko.

"Pa? Bakit ang tagal nila?" Mahinang tanong ko sabay upo ng Sofa it's already Eight pm, pero wala parin sila.

"Baka bukas pa iyon uuwi. Matulog ka na, masama yan sa buntis ang mag puyat." Napanguso nalang ako sa sinabi ni Papa wala akong magawa kaya pumunta ako ng kwarto para matulog.

Maaga akong gumising, nag babakasali na dumating sila. Pero ni anino ng sasakyan ay wala. Huminga ako ng malalim, mas lalo akong kinakabahan hindi ko alam baka may nangyari ng masama sa kanila. Sinusubukan ko ding tinawagan ang numero ni Keith pero out of coverage ito, pati ang kaibigan nito ganun din.

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang bosina ng sasakyan. Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto at bumaba para salubingin sila. Pero nawala ang mga ngiti ko ng makita ang mga mukha nila. Habang si Papa naman ay may lungkot sa mga mata habang tumingin sa akin, si Manang Josie naman ay umiiyak na umalis.

"Ayos lang ba kayo?" Nag-alalang tanong ko ng makalapit ako kina Grey at Zaire. Napatingin ako sa labas ng hindi ko makita si Keith.

"S-Sophie...I'm.." Hindi nito tinapos ang sasabihin dahil bigla na lang lumuhod si Cairo sa harap ko at sumunod naman sina Alrick, Zion, Grey at Zaire habang umiiyak. Gulat akong napatingin sa kanila dahil sa hindi ko inaasahan na gagawin nila, hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil sa lakas ng kabog ng Puso.

"Cai. tumayo ka nga dyan." Inalayan ko itong tumayo pero umiling lang ito. "Tumayo kayo. Please, lang." Pero hindi ako nito pinansin. "Ano ba ginagawa niyo?" Bigla na lang tumulo ang luha ko. "Teka, nasaan na ba kasi si Keith? Ang tagal niya naman lumabas." My voice cracked. Ayukong paniwalaan ang iniisip ko.

"A-Ate, patawad." Zaire was crying while kneeling in front of me.

"Sagutin niyo ang tanong ko. Nasaan si Keith?" I asked them calmly but my tears was dripping down to my cheeks. Bigla akong nanlumo ng sagutin nila ako ng iling.

"May binabalak na naman si Keith ano?" Tanong ko, sinabayan ko pa ito ng mahinang tawa but my voice cracked.

"Keith was on the ship, when the bomb exploded." Nakayukong sagot ni Alrick sa akin, Nanghihinang napahawak ako sa ulo ko, bago pa man ako mawalan ng malay, narinig ko pa ang pag tawag nila sa pangalan ko.

Nagising ako ng dahil sa mahinang bulungan sa paligid. Bumungad sa akin sina Grey at Zaire na patuloy parin sa pag-uusap, ilang minuto pa bago ako nito napansin ng dalawa. Nanlaki ang mga mata nila at natatarantang pumunta sa pwesto ko.

"Ate, may masakit po ba sayo?-"

"Ate, nagugutom ka po ba?-"

"Ate, may gusto ka po ba?-"

Palipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung sino ang sasagutin ko at kung saan ako titingin sa kanilang dalawa.

''Ate-" Napatigil si Zaire sa tanong nito ng mapansin akong nitong napahawak sa noo. Gosh parang gusto ko na lang tuloy matulog ulit. "May masakit sayo, Ate? Shit. Tatawag po ako ng Doct-." Napasapo nalang ako ulit ng natataranta ang dalawa. Kaya pinutol ko ang iba pa nitong sasabihin.

"Zaire, Grey" Kuha ko sa atensyon ng dalawa na akmang lalabas ng kwarto.

"P-Po? Masakit na po talaga?" Natatarantang tanong ni Grey hindi nito alam ang gagawin kaya pumunta ito ng pwesto ko.

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon