Chapter 34

69 17 0
                                        

NAKAHINGA ako ng maluwag ng maabutan kong mahimbing na natutulog si Sophie. Napatingin ako sa kamay nito na namamaga.

Fuck.

Hindi ko alam kung paano ito harapin at kausapin matapos kong sabihhin sa kanya at ang ginawa ko sa dito sa kamay niya. "I'm sorry, babe. Please, wait for me, when I come home. Please, don't leave me." I kissed him to the forehead, nose and to those lips.

"Give her time." Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.

"What if she changed her mind, Pa? I don't know what to do." Napahilamos ako ng mga palad sa mukha. "What if she leave me?" Fuck! Iniisip ko palang na iiwan ako ni Sophie, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Papayag ka ba na iiwan ka niya? Papayag ka ba na mapunta siya sa ibang lalaki?" Tanong ng Papa ni Sophie sa akin na ikinatingin ko dito sa kanya.

"No." Umiiling na sagot ko sa kanya.

"Isipin mo na may masayang pamilya ang anak ko, pero hindi ikaw ang kasama niya doon." Kahit gulat ako sa sinabi ni Papa ay sinusunod ko parin iyon.

"Fuck. I can't. Hindi ko kayang mawala siya." Bigla nalang lumabas ang larawan ni Sophie sa isipan ko, isang masayang pamilya, at hindi ako ang asawa niya. Napayuhom ang mga kamao ko ng makita kung sino ang lalaking kasama niya. Jake. Fuck!

"The hell! That's not true right, Pa?" Napalunok ako ng makitang seryoso itong tumingin sa akin.

"Keith, alam kong gusto mo ipaghiganti ang pagkamatay ng magulang mo." Huminga ito ng malalim. "Mag iingat ka. Kailangan ka pa ng anak ko." Gulat akong napatingin kay Papa.

"You knew?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Of course. Nakalimutan mo ata kung sino ako." Natatawang ani ni Papa Joje na ikinailing ko. Kaibigan nga siya ni Papa.

Nang makababa ako naabutan ko sina Zaire at Grey sa Sofa na parang hindi mapakali sa kinaupuan.

"You guys okay?" Takang tanong ko sa kanilang dalawa na ikinatingin nito sa akin.

"Kuya!" Sabay na sambit ng dalawa.

"Ate Sophie is okay-."

"-Where's Ate Sophie?"

Palipat-lipat ako ng tingin sa dalawa ng sabay silang nag tanong sa akin.

"Isa-isa lang. Wag kayong dalawa magsabay magsalita." Tumango naman ang dalawa sa akin.

"Okay lang po ba si Ate?" May pag-alalang tanong ni Grey sa akin.

"She's okay. Right now she's sleeping." Mahinang sagot ko sa kanya.

"She's mad to us?" Napatingin ako kay Zaire dahil sa tanong nito sa akin.

"I-I don't know." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Ready na ba kayong dalawa sa mission?" Pag-iiba ng tanong ko sa kanilang dalawa na ikinatango nito.



Nagising ako dahil sa hinahalukay ang tyan ko. Napatakbo ako papuntang Cr para doon sumuka. Panay ang suka pero wala namang lumabas. Nasaganon ang pwesto ako ng maabutan ako ni Manang.

"Ayos kalang, iha?" Nag-alalang tanong nito sa akin.

"Okay lang po Manang." Sagot ko at sinusubukang tumayo pero napabalik ako ng maramdaman ko na susuka na naman ako ulit.

"Anong nakain mo?" May pag-alalang tanong ni Manang sa akin. Umiling lang ako sa kanya habang panay parin ang suka. Napansin ko na natigilan si Manang sa tabi ko kaya napa angat ako ng tingin sa kanya. "Ano pa nararamdaman mo iha?." Tanong ni Manang na ikinataka ko.

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon