Chapter 2

124 40 0
                                    


ILANG minuto lang ng lumabas si Keith, tinawag ako ni Papa para  ihatid ko daw si Keith sa labas dahil uuwi na. Gustohin ko mang umayaw pero nakakahiya naman kay Keith kung hindi ko siya ihahatid sa labas, sinamahan pa naman niya ako kanina mag apply ng trabaho.

Nang mahatid ko siya ni isa walang nagsalita samin. Awkward! Tanging 'Thank you' at 'goodbye' lang ang nasabi namin.

Yun ang huling kita't usap namin ni Keith. Ilang araw na ang lumipas ngunit walang Keith na nagpapakita sa akin. Nandito ako ngayon sa Cafe na pinagtatrabahuhan ko. Tumunog ang bell ng pintuan, hudyat na may papasok na customer. Napangiti ako nang makilala ko iyon. But my smile faded when I saw him with a woman. I just looked at them, ni hindi man lang niya ako binati o kamusta man lang, kahit nga tingnan ako hindi man lang nagawa. Parang Hindi niya ako kaibigan ah!.

Si Jay na ang nag asikaso ng order ni Keith, ayukong lumapit dun. Galit ako sa kanya!, tsaka baka masira pa ang DATE niya pag pumunta ako dun. Kung Date nga ba yun. 

Hays ano ba nangyayari sayo Sophie!? Stop acting like you're jealous! 

Wait-?

"What?!" Gulat kong sigaw na ikinagulat din ng mga tao sa cafe, pati sina Keith naka tingin din sakin. Shet! Nakakahiya! Napatingin ako sa manager namin na gulat na nakatingin sakin. "Sorry po." ani ko sabay takbo palabas ng cafe.

Dumiretso akong umuwi ng bahay, nahiya ako bumalik dun eh tsaka medyo masama din pakiramdam ko, nag text nalang ako kay manager na hindi ako makapasok bukas. Padabog akong umupo ng sofa. Parang lalagnatin ata ako ah.

"Nandito ka na pala" Biglang sulpot ni Papa na ikinagulat ko.

"Papa naman, bat ka naman nanggugulat?." Tanong ko dito habang naka hawak sa dibdib ko.

"Kanina pa ako dito, Hindi mo lang napansin"  Natatawang wika nito. "May problema ba 'nak?" Mahinang tanong ni Papa sa akin.

"Wala naman po pa, pagod lang siguro" Mahinang sagot ko. "Saan nga po pala si Syrille?"

"Nandun sa kwarto mo." Sagot nito sa akin.

"Puntahan ko lang po." paalam ko kay papa

"bibilhan ba kita ng gamot?" tanong ni papa tumango lang ako sa kanya.

Pagdating ko ng kwarto ko naabutan ko si Syrille na tumitingin nang picture.

"Pssst" kuha ko sa atensyon niya. Napangiti naman ako ng lumiwanag ang mukha niya.

 ''Ate!'' masyang sambit nito sabay takbo nito papunta sa akin at nagpabuhat.

"Miss mo si Ate?" Tumango lang siya sakin na ikina ngiti ko. Ibinaba ko siya sa Kama ko at sabay kami tumingin ng mga picture. Picture ni mama ang lagi nyang tinitingnan. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Keith. Gulat na napa tingin ako sa kanya.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong sa kanya.

"I-I was worried about you, Tito said you were sick, so I came here,"  mahinang boses na sagot nito habang maingat na pumunta sa pwesto namin ni Syrille.

"How are you feeling? May masakit ba sayo?" Sunod sunod niyang tanong ng maka upo sa tabi namin.

"Ang OA niyo naman dalawa ni Papa, okay lang ako pagod lang ata." Sagot ko na nakangiti.

"Tsk, hi baby Sy." Bati nito at binuhat si Syrille.

"Dito ka ba matutulog kuya?" Tanong ni Syrille na ikinatigil ko.

"Hmm, dipende kung papayag si Ate mo." Sagot ni Keith. Napatingin naman sakin si Syrille.

"Ate, payag ka ah?" Tumango lang ako sa kanya na ikinatuwa ng dalawa at lumabas ng kwarto. Naiwan ako dito sa loob, kaya niligpit ko nalang ang album na kinuha kanina ni Syrille. Habang nagliligpit ako bumukas ang pinto at pumasok si Keith na may dalang pagkain.

"Hmm, kumain ka na daw sabi ni Tito, tsaka may gamot na din dyan." Sabay lapag nito ng tray.

"Salamat, dapat hindi mo na dinala dito" ani ko habang nagliligpi.t

"Hey, are we okay?" Tanong nito na ng may lungkot na boses na ikinatigil ko at humarap sa kanya.

"Parang tanga ka dyan, ang pangit mo pag malungkot." Natatawang wika ko na ikinatawa din nito.

"So, okay na tayo? Hindi ka galit sakin." 

"Bat naman ako magagalit sayo?" Tanong ko.

"Hmm, about kanina sa cafe?" Sagot nito na ikinaiwas ko. Shuta!

Hindi ko na siya sinagot. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.

Nang matapos akong kumain, si Keith ang nagligpit ng kinainan ko.

"Keith dito ka ba matutulog?" Basag ko sa katahimikan.

"Kung okay lang sayo.''

"Okay lang naman." sagot ko, Napangiti naman si Keith.

Inaayos ko na ngayon ang higaan ni Keith, habang busy ito sa kinakausap niya sa cellphone. Nang matapos kong ayusin ang higaan niya ay pinuntahan ko siya.

"Fuck! that bastard!, Don't Let him get away." Rinig kong boses ni Keith na malamig, ngayon ko lang narinig na ganyan ang boses niya. Nakakatakot. Aalis na sana ako ng makita na niya ako.

"Kanina ka pa dyan?" May halong gulat na tanong nito sa akin.

"Ha? Hindi ah" Natatarantang sagot ko. "kararating ko lang tatawagin sana kita." tumango lang siya sakin at na unang pumasok sa loob. Napahinga naman ako ng maluwag.

Pagpasok ko ng kwarto hindi ko nakita sa loob si Keith. Saan naman nagpunta yun? Tanong ko sa sarili ko. Humiga na lang ako sa Kama ko para na rin matulog, ngunit ilang minuto pa ang lumipas ay hindi parin ako nakatulog.

Bumangon ako at akmang lalakad na sana ng bumukas ang pinto ng cr at lumabas si Keith. Sabay kaming nagulat ng makita ang isa't isa. Napatingin ako sa kanya at tiningnan siya mula ulo Hanggang paa. Nanlaki ang mata ko ng mapansin na naka tapis lang ito ng tuwalya, natarantang napatakip ako ng mata ko. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.

"K-Keith, yung braso ko." nauutal na wika ko dito

"Can I kiss you?" he said with a husky voice. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko.

"A-Ano?" Gulat kong tanong, na Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Uh-Nothing, goodnight Sophie." Wika nito at iniwan akong nakatulala. habang naglalakad si Keith, napatingin ako sa likod nito na may mga sugat at pilat. Wait what? Sugat? Pilat?

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog, basta ang iniisip ko lang ay ang sinabi ni Keith kagabi at ang sugat at pilat sa likod niya. Saan naman niya nakuha ang mga yun?

Hays akala ko ba galit ka kay Keith Sophie!? 

Pigil hininga si Keith habang pinakiramdaman ang paligid. Matapos ang kagagohan na ginawa niya kanina.

He fucked up. Damn.

Nakatulog na kaya si Sophie?  Keith though. He can't sleep. Dahil sa iniisip niya kanina. Lalo na nung tumawag sa kanya kanina ang Ama ni Sophie. He was scared, akala ko may masamang nangyari sa kanya. Mas lalo siyang hindi makatulog dahil sa bad news na ibinalita ni Cairo sa kanya. 

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon