MAAGA akong gumising ngayon para mag hanap ng trabaho, hindi naman kasi kami mayaman, kaya kailangan ko mag hanap ng trabaho para narin makatulong kay papa.
"Pa, alis na po ako." paalam ko dito sa kanya.
"Ingat ka 'nak." Aniya sakin tumango lang ako sa kanya. Hindi pa ako nakalabas ng pinto ng may tumawag sakin.
"Ate! Saan ka po pupunta?" Tanong ng bunsong kapatid ko, magulo pa ang buhok nito halatang bagong gising lang. Ngumiti ako sa kanya at binuhat ito.
"Aalis po si ate, baby Sy." Ani ko sa kanya sabay halik sa pisnge niya.
"Saan ka nga po pupunta?" Nguso niyang tanong.
Ang cute
"Asan muna kiss ni Ate?" Pagiiba ko ng topic na ikinanguso nito sakin sabay halik nito sa pisnge ko.
"Bumaba ka na kay ate mo, Sy baka ma-late yan." natawa ako sa sinabi ni papa.
Namatay si Mama nung ipinanganak niya si Syrille, may sakit kasi sa puso si Mama. Nakakalungkot lang dahil iniwan niya kami, naawa din ako sa kapatid ko. 'Di man lang niya nakita si Mama. Hindi man lang din nakita ni Mama si Syrille.
"Bye-bye, Ate!" She shouted. Tanging mahinang tawa lang ang naging tugon ko sa kanya.
Malapit na pala ang birthday ng kapatid ko.
Naglalakad ako ngayon papuntang sakayan ng jeep, nang may bigla umakbay sakin, amoy palang kilala ko na kung sino ang umakbay. Walang iba kundi si Keith ang kaibigan ko.
"Good morning, Saan punta mo?" Nakangiting tanong ni Keith sa akin.
Nakakahawa talaga ang ngiti niya. Umagang-umaga eh no!
"Morning, maghahanap lang ng trabaho, ikaw saan lakad mo?" Niliitan ko siya ng mga mata.
Napakamot naman ito ng sariling ulo. "Sasama sayo?" Napangiwing sagot nito sa akin.
"At bakit naman aber?" Masungit na tanong ko.
"Please, gusto lang kita samahan, tsaka para siguradong ligtas ka" Anito sabay ngiti.
Yaws. Yan na naman ngiti niya, kahinaan ko talaga yun eh! "Tsk, ano pa nga ba." Napangiti naman siya sa sagot ko
"Yes! Tara na." Anyaya nito sabay hila sakin.
Kung makahila naman to!
Buti na lang merong jeep kaya hindi kami tumagal kakahintay.
"Saan ka mag aapply?" Tanong ni Keith ng makababa na kami ng jeep.
"Kahit saan, kahit anong trabaho." Sagot ko sa kanya, habang busy ito sa cellphone niya,
"Tara, may alam ako bagong bukas ngayon." Sabay hawak niya sa kamay ko, nagulat ako dun pero hinayaan ko nalang.
Napahinto kami sa tapat ng Cafe, tama nga siya bagong bukas lang, may makalagay din sa pintuan na Hiring, nagka tinginan kaming dalawa ni Keith bago pumasok sa loob.
Pagpasok namin sa loob napatingin samin ang mga tao dun, syempre sino ba naman kasama ko si Keith lang naman na habulin ng babae to, nakita kong nagulat ang iba at nataranta.
Nagugulohan man pero pinagsawalang bahala ko iyon.
"H-Hi, Ma'am and Sir ano po ang maitutulong ko sa inyo?" Parang kinakabahang tanong ng babae.
Siguro siya ang manager ng Cafe.
Tumikhim muna ako bago sumagot "Hmm, a-apply po sana." kinakabahan kong sagot. Nakita ko napatingin ang babae kay Keith, para bang nag uusap gamit ang mata nila. Napansin yun ni Keith na nagtataka ako sa kanilang dalawa kaya tumikhim ito.
BINABASA MO ANG
His Dark Side (COMPLETED)
RomanceHe was busy looking for the person who killed his parents. He meets Don Giovanni, and helps him build a small organization and his friends join him. He is in love with her best friend But he couldn't say that. He will do anything to keep her safe. B...
