Chapter 11

77 32 0
                                    

ILANG minuto ang dumaan, nakahinga ako ng maluwag nang makarating kami sa bahay. Naunang lumabas sina kuya at Manang sumunod naman ako sa kanila. Samantalang si Keith naman ay nagpa iwan sa loob ng sasakyan may kakausapin lang daw ito sa cellphone.

Hindi pa man kami naka lapit ng bahay napangiti ako ng makita ko si Syrille na makangiting tumatakbo papalapit sa akin.

"Ate!" Ngiting sigaw nito habang tumatakbo.

"Ingat, baka madapa ka.'' Natatawang sabi ko sa kanya at ng makalapit na ito sa akin bigla itong tumalon at yumakap, kaya ayun na tumba kaming dalawa. Narinig ko pa na may tumawa sa likod ko.

"Ang kulet ng batang yan." Natatawang ani ni Papa ng makalapit na ito sa amin, tinulungan naman ako tumayo ni Keith na nasa likod na ko pala.

"Kuya Keith!" Masayang tawag nito kay Keith

"Hello, baby." Ngiting bati ni Keith kay Syrille.

"Tara na sa bahay." Anyaya ni Papa sa amin, sumunod sina kuya at Manang kay Papa. Habang kaming tatlo ay nagpa iwan muna dahil sa kakuletan ni Syrille.

Nang dumating kami sa bahay sinalubong agad kami ni Kuya Mike para kunin ang mga dala namin.

"Sophie!" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Jake.

"Uy, Jake buti nakapunta ka." Nakangiting sambit ko kay Jake

"Syempre naman." Masiglang ani niya at tumingin sa likod ko kaya napalingon din ako dun, si Keith at Syrille na nagtatawanan. Binalik ko ang tangin ko kay Jake at ngumiti ito ng pilit.

"Kanina ka pa dito?" Pag iiba ko ng topic, tumango lang ito sa akin at niyaya ako sa loob ng bahay. Nag ayos ako ng mga handa ni Syrille sina Manang naman ay nasa kusina habang si Keith nandun parin kay Syrille, ayaw daw siyang paalisin. Si Jake naman ay tumutulong sa akin sa pag lalagay ng mga pagkain sa lamesa.

"Kamusta naman ang pagtira mo doon sa bahay ni Keith?" basag sa katahimikan ni Jake

"Okay lang naman." ngiting sagot ko sa Kanya, tumango lang ito sa akin.

"Hmm, Sophie pwede ba kitang makausap mamaya pagkatapos nito?" May pag alinlangan na tanong niya.

"Sige ba." Sagot ko sa kanya na ikinangiti nito. Habang nag aayos kami si Mike panay kwento din siya sa akin yung mga panahon na Nag-aaral pa kami, kaya panay tawa kaming dalawa. Paano ba naman pinaalala niya yung mga kalokohan na ginagawa niya dati, pati yung kasama niya si Keith sa kalokohan. Hindi ko namalayan na sa amin na palang dalawa ang atensyon sa bahay, pati sina Keith at Syrille napatigil na din at nagtatakang tumingin sa pwesto namin ni Jake. Sakto naman na lumabas sina Manang galing sa kusina at dala ang niluto nito.

"Naku ang sweet niyo ah, parang may something." pang aasar ni Manang sa amin ni Jake pero kay Keith ito tumitingin.

"Wala po Manang, Kaibigan ko lang po si Jake" Nakangiting sabi ko. Napa iwas naman ng tingin si Jake.

"O sige, sabi mo yan eh." natatawang wika ni Manang kaya napailing nalang ako.

When we finished putting the food on the table. We started Celebrating Syrille's birthday and sang happy birthday to her.

"Wish and blow the Candle." malambing na ani ni Keith kay Syrille.

Pumikit si Syrille at nagsimulang magsalita. "Papa Jesus, maraming salamat po sa araw na ito, Salamat din po dahil marami akong bisita lalo na sa mga kuya ko, At syempre si Keith dahil pina ngako niya yun. Salamat din po Papa Jesus dahil binigyan mo po ako ng napakabait at napaka gandang Ate sa buong mundo-" Napangiti kami sa sinabi niya. "At sana po wag mo kaming pabayaan lalo na po ang Papa ko, dahil pasaway po siya-" pa sungit na ani nito na ikinatawa namin ng mahina. "Tsaka po sa Mama ko," Malungkot na ani niya na ikina angat ng tingin ko. "Mama, sana nandito ka po ngayon-" naluluhang ani niya, kaya Natatarantang lumapit kami ni papa sa kanya. "Kahit hindi kita nakasama, nakayakap man lang o nakita, Mahal na Mahal po kita Mama-." hindi ko mapigilang mapa iyak sa mga sinabi niya, ang sakit sa puso na nakikita mo ang kapatid mo na nasasaktan. "Ang swerte ko po dahil ikaw po naging Mama ko, Miss na Miss ka na namin Mama." Napa hagulhol nang iyak si Syrille agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit at sumali naman si Papa sa amin dalawa, Nakita ko ding umiyak si Papa.

Nang humiwalay na kami sa pagyakap agad na hinipan nito na ang kandila.

"Yehey! Kainan na!" Biglang sigaw ni Syrille habang umiiyak pa ito, kaya napatawa kaming lahat. Masaya ang araw na ito kahit kulang kami, kahit wala si Mama alam kung nandyan lang siya sa tabi-tabi, nanunuod at binabantayan lang kami.

"Sophie, pwede na ba kitang maka usap? Aalis na din kasi ako eh" Ani ni Jake na ikinatingin ng lahat sa amin, tumango lang ako sa kanya. Tumingin muna ako kay Papa para mag paalam, tumango lang ito hudyat na pumapayag. Unang lumabas si Jake kaya sumunod naman ako sa kanya.

"Maaga pa ah? Uuwe ka na agad?" Taka kong tanong sa kanya

"Oo eh, tinawagan kasi ako ni Mama may emergency daw" nanghihinayang na ani nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya at huminto kasi sa tapat ng sasakyan niya, hindi ko pala na pansin to kanina.

"Hmm, Sophie?" Kuha niya sa atensyon ko sabay hawak ng kamay ko, napatingin naman ako dun.

"Ano 'yon?" Tanong ko na pinagsawalang bahala ang paghawak niya sa kamay ko, kahit nakaka-ilang iyon.

"I like you" Ani niya na ikinagulat ko. "Gusto kita Sophie, matagal na." ulit na ani nito. Hindi ko alam pero walang lumabas na Salita sa bibig ko. Habang hawak niya ang kamay ko ay inilagay niya ito sa dibdib niya.

"J-Jake." gulat na sambit ko kaya binawi ko ang kamay ko. Nakita ko sa mga mata nito ang sakit at pagka bigo. Hindi ako makapag salita dahil sa gulat.

"I'm sorry akala ko kasi may chance pa." natatawang wika nito na may halong lungkot. "Ang tanga ko kasi, alam ko naman na siya ang gusto mo pero ito parin ako umaasa." pagak na tawa nito.

"Sorry Jake, Hanggang dun lang talaga ang kaya kong ibigay sayo." Malungkot na sambit ko dito. Tumango lamang ito sa akin.

"Pwede bang mayakap ka? Kahit sa huling pagkakataon?" Malungkot na Ngiting tanong nito, ngumiti ako sa kanya at tumango.

"I'm sorry, Jake." Tanging tango lang ang sagot nito. Napatingin ako sa isang tao na nakatingin sa amin ni Jake sa di kalayuan, isang taong may lungkot sa mga mata. Ngumiti ito ng mapait at tumalikod. Kumalas ako sa yakap ni Jake.

"Keith?" Mahinang sambit ko habang nakatingin sa papalayong bulto nito, akmang susundan ko sana ito ng magsalita ulit si Jake.

"Sana maging masaya ka sa piling niya." Ngumiti lang ako sa kanya . "Salamat Sophie, aalis na ako" paalam nito sa akin.

"Sige ingat, Salamat din." ngiting sabi ko, pumasok naman si Jake sa sasakyan nito at umalis.

Habang pabalik ako ng bahay hindi nawala sa isipan ko ang mukha kanina ni Keith. Ba't parang nasasaktan siya? Nag away ba sila ng jowa niya? Sabay-sabay na tanong ni Sophie sa sarili.

Hays kingina naman oh!

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon