Chapter 18

58 28 0
                                    

NAGISING ako na maganda ang pakiramdam at masaya. Hindi ko alam pero ang sarap ng tulog ko ngayon. Napatingin ako sa tabi ko ng mapansin ko na walang may nakahiga doon. Pucha ano yun panaginip? Aba ang ganda naman, bat naging panaginip pa? Napasimangot ako ng maalala ko ang nangyari kagabi.

Tss, panaginip lang pala yun! Mahinang bulong ko. Akmang aalis na sana ako sa higaan ko nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Keith na nakatapis lang ng tuwalya. Nalaglag ang panga ko sa gulat at hindi makapaniwalang tumingin kay Keith na gulat din ng makita akong gising. Shet. Hindi 'yon panaginip? Teka bakit ang Hot? Napakagat ako sa sariling labi ng tingnan ko si Keith mula ulo hanggang paa.

"Staring is a rude, Sophie " pukaw nito sa atensyon ko kaya Natatarantang napatakip ako sa mata ko gamit ang dalawang kamay.

Ay wow meganon Sophie?

"Aww, my Innocent Sophie." May halong pang aasar ni Keith sabay kuha ng kamay ko na nakatakip sa mata ko. Kaya napa simangot ako sa kanya na ikinatawa nito. "Nah, Don't worry, it's all yours." nakataas ang sulok ng labi nito. Umalis sa harap ko si Keith at pumunta sa gilid para kunin ang damit nito. "Panunuorin mo ba akong magbihis?" Nakangising pang aasar pa ni Keith sa akin na ikinamula ng mukha ko kaya binato ko siya ng unan. Natatawang sinalo niya iyon.

"Pervert!" Sigaw ko kay Keith.Padabog akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Narinig ko pa ang tawa ni Keith. Buset na 'yon! Mamaya ka talaga sakin Keith! Naabutan ko si Papa na naghahanda ng pagkain habang si Syrille naman ay nanunuod ng Tv.

"Good morning pa." bati ko sabay mano. Hindi pa man nakasagot si Papa dahil biglang sumigaw si Syrille papunta sa akin.

"Good morning Ate!" Bati ni Syrille at biglang tumalon sa likod ko kaya napa upo kaming dalawa. Natatawang napailing nalang si Papa sa amin.

"Hey, baka ma bagok ang ulo niyo," biglang sulpot ni Kieth sa tabi namin ni Syrille na may pag alalang mukha. "Good morning po, Tito." Magalang na bati niya kay Papa sabay mano. Samantalang si Syrille naman ay umalis sa tabi ko at lumipat kay Keith. Napa iling nalang kami ni Papa sa kakuletan ni Syrille.

"O siya, kumain na tayo." Anyaya ni Papa sa amin na kumuha sa atensyon ng dalawang nagkukulitan. Napatango lang ako kay Papa.

Habang kumakain kami si Papa ang unang bumasag sa katahimikan.

"Kamusta na ang pakiramdam mo iho?" Tanong ni Papa kay Keith

Nahihiyang napakamot ito ng batok niya. "Okay na po, Tito. Pasensya na po sa abala" Ani ni Keith sabay iwas ng tingin.

"Ang galing ba naman ng nag-alaga sayo." Natatawang pang aasar ni Papa habang nakatingin sa akin kaya nabulunan ako ng kinakain ko. Dali-dali naman inabot sa akin ni Keith ang Tubig.

"P-Papa naman eh!" Napaigtad ako sa gulat ng hagurin ni Keith ang likod ko. Tinaasan ko siya ng kilay pero ngumiti lang ito sa akin. Aba't tong loko na to!.

Nang matapos kaming kumain ay umalis si Papa at sinama si Syrille pupunta daw sila ng palengke. Tanging ako at si Keith lang ang naiwan sa bahay, kaya tinulungan ako nitong maghugas ng plato.

"Pagkatapos nito, May pag-uusapan tayo" basag ni Keith sa katahimikan. Tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa, ganun din si Keith.

Umupo kaming dalawa ni Keith sa  Sofa ng matapos kami maghugas ng Plato. Ang kulet kasi sabi ko ako nalang kasi kaunti lang naman yun, eh ayun nagpupumilit tumulong para daw mabilis matapos.

"Hmm, ano pala pag-uusapan natin?" Kuha ko sa atensyon niya.

"Ahm, You and Jake are in relationships?" Tanong niya na ikinagulat ko

"Ha? Ako at si Jake? Relationships?" gulat na tanong ko sa kanya na ikinatango nito. Nang ma-realize ko ang sinabi niya humagalpak ako ng tawa. "Seriously? " hindi makapaniwalang tanong ko kay Keith.

"Yeah? Kasi nakita ko kayong dalawa ni Jake nung birthday ni Syrille, you know, hugged him happily-" Ani niya na ikinatigil ko at inaalala iyon."-Then nung nakaraan na hinatid ka niya" Mahinang wika ni Keith sabay iwas ng tingin sa akin.

"Okay, Let me clarify that to you" Ani ko na ikinatingin niya sa akin. "Jake and I are just friends and nothing more" nakita ko itong nagulat. "And yung sinabi mo nung birthday ni Syrille?" Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Ahm, Binasted ko siya nun" Mahinang saad ko.

"Fuck." Biglang mura ni Keith na ikinagulat ko." Oh, I'm sorry. I mean mabuti naman," Walang ganang sagot nito sa akin na ikinaawang ko. "So, Are You Single?" Nakangiting tanong niya sa akin na ikinatango ko. Sumilay ang ngiti nito sa labi.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "I will be gone in 2 weeks" Ani niya ng humiwalay ito sa akin. "Please, take care of yourself, hmm" tumango lang ako sa kanya habang masuyong hinahaplos ang mukha ko.

Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang cellphone ni Keith. "Excuse, sasagutin ko lang." paalam nito sa akin na tanging sagot ko lang ay tumango.

Ilang minuto pa bago bumalik sa loob ng bahay si Keith. "Aalis na ako." wika ni Keith na ikinalungkot ko.

"Ah, ganun ba? Sige hatid na kita sa labas" Ani ko sabay labas ng bahay. Hindi ko alam pero nalulungkot ako bigla.

Nang makarating kami sa kotse ni Keith, tumigil ito at humarap sa akin. "Hey, Are you okay?" Nag-alalang tanong ni Keith.

"Oo naman, Ano kaba."  Ani ko sinabayan ko pa iyon ng pekeng tawa. "Sige na pasok ka na po" natatawang taboy ko dito ng hindi ito kumibo. "Baka matunaw ako niya ah?" Nakitang kong napangiti ito kaya napangiti na lang din ako. Napabuntong hininga ito at pumasok ng kotse. When he start the engine akmang tatalikod na sana ako ng tawagin ako ni Keith.

"Wait, Sophie." Tawag niya sa akin na ikinalingon ko sa kanya. "When I come home after two weeks. Ready your answer to my question. Because, from now on I'll Court you-" Nakangiting ani niya sa akin. "Even, though.. I'm far away from you, I will still court you." Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi ni Keith. Bago pa man ito makaalis binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Ngiti na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko, ang kaninang lungkot napalitang ng saya at excitement.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay. Wala sariling napaupo ako sa sofa at inalala ang huling sinabi ni Keith.

''Ready you answer your answer to my question. Because from now on I'll Court you. Even though I'm far away from you, I will still court you''

I will still court you

I will still court you

Parang silang plaka na paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang huling salitang binitawan ni Keith sa akin.

"WAAAAAAAAAAA!" Malakas na tili ko ng hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi ni Keith.

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon