Chapter 15

80 29 0
                                    

SIMULA nang maka-usap ko kagabi si Keith, parang nabawasan ang lungkot ko. Lumalabas na din ako sa kwarto. Tinanong ko din si Syrille kanina kung bakit siya nag sinungaling sa akin. Alam mo kung ano sinabi niya sakin? Ganito lang naman.

''Ate naman pakipot pa, pero gusto din naman niya maka usap si Kuya Kieth.'' Aba't tong batang to! Hindi ko alam pero may tama din naman si Syrille.

Argh! buset na bata na 'yon ah.

Dali-dali akong umakyat ng kwarto ko para maligo at magbihis ng damit. Naisipan ko kasing pumunta ng Cafe, Ilang araw na din kasi ako hindi pumapasok. Buti nalang mabait ang boss namin. Nang matapos akong Magbihis, bumaba na din ako para makapag paalam kay Papa.

Tanghali na ako nakarating sa Cafe dahil sa matinding Traffic. Yawa sumakit pwet ko dun sa kakaupo! Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng Cafe, gulat na sinalubong ako ni Jay.

"Bakla." Masayang sigaw na tawag niya sa akin kaya napatingin sa amin ang mga customer. Nahihiyang napangiwi ako ng yumakap ito sa akin.

"A-Aray ko. T-Teka lang." Reklamo ko dito sa kanya natatawang binitawan naman ako nito.

"Anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang nagpa kita dito? Masama ba pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin kaya hindi ko alam kung alin ang uunahin kong sagutin sa mga tanong nito.

"Teka lang naman. Isa-isa lang ng tanong mahina ang kalaban." Natatawang wika ko kay Jay kaya napa simangot ito. "Tsaka upo muna tayo, sumasakit paa ko katatayo dito. Okay lang sana kung makadagdag ng height sa pagtayo natin dito eh-" hindi niya na ako pinatapos sapag sasalita ng hatakin niya ako papunta kung saan walang customer.

"Okay na po ba?" Sarkastikong tanong niya sa akin na kinatawa ko. Nang nakaupo dun kuna sinagot ang mga tanong nito pero syempre hindi ko sinama ang tungkol kay Keith no. Kinausap kuna din ang manager namin ang sabi niya ok lang naman daw kasi hindi naman masyadong busy sa Cafe.

"Ano kaba, Ayos lang 'yon. Tsaka wag niyo na nga akong tawaging Manager parang ang tanda ko na kung pakinggan eh ang panget." Nakangiwing wika ng manager namin na ikinatawa namin ni Jay. "Kaya Ate nalang ang itatawag niyu sakin, Total wala naman akong kapatid eh" May malungkot na ngiti ni Ate Kate sa amin. Masaya ako kasi wala din naman akong Ate, at hindi ko iyon naranasan ang magkaroon na tinatawag kong Ate.

"Yes, po Ate Kate." sabay na sabi namin ni Jay na ikinatawa ni Ate Kate.

"O siya, sige balik kana sa trabaho Jay." utos ni atw Kate at tumingin sa akin. "At ikaw naman bukas ka na lang mag trabaho." Nakangiting tumango ako sa kanya. "Sige Mauna na ako" Ani niya at iniwan kaming dalawa ni Jay. Nagpaalam na ako kay Jay para umuuwi at sa mga ka trabaho ko. Kahit minsan nagtataka ako kung bakit parang ayos lang sakanila na hindi ako magtrabaho sa Cafe. Hindi ba sila nakaramdam ng unfair? Parang may mali eh.

Bago ako umuwi ng bahay, Gumala muna ako saglit. Habang naglalakad ako may napansin akong dalawang Van, ang isa ay kulay itim ang isa naman ay kulay puti na umaaligid. Bigla na lang ako kinabahan kaya binilisan ko ang paglalakad at pumunta sa mataong banda. Nakahinga ako ng maluwag ng lumagpas ang dalawang Van. Kaya dali-dali akong bumalik sa dinaanan ko para umuuwi na lang.

Habang naglalakad ako papuntang Terminal ng Bus may napapansin akong may sumusunod sa akin. Nang lumingon ako nakita ko may lalaking naka hoodie na kulay black at naka mask din na kulay itim. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad at binigla kong tumingin sa likod ko, nakita kong balisa itong umiwas at pakunwaring busy sa Cellphone.

Tumingin ako sa paligid at napansin ko ang puting  Van na sumusunod sa akin kanina. Baka magka kulay lang Kumalma ka Sophie, magka kulay lang yan. Pagkumbinsi ko sa sarili ko. Binilisan ko ang lakad ko wala na akong pake kung sino ang nababangga ko. Kinakabahang ako lumingon ako ulit sa Van na di kalayuan sa akin. Lalakad na sana ako ulit ng may nabangga ako, Humingi na sana ako ng paumanhin ng makilala ko ito.

"Jake?" Gulat na sambit ko sa kanya.

"Sophie." Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siya. "Ayos ka lang ba?" Takang tanong niya sakin tumango lang ako sa kanya at tumingin ako sa paligid para tingnan kung saan na ang lalaki, pero hindi ko iyon nakita. Tanging ang Van lang ang nakita ko.

"Saan pala punta mo?" Tanong nito habang naka alalay  sa akin.

"Pauwi na." maikling sagot ko tumango lamang siya sa akin.

"Hmm, hatid na kita?" Anyaya nito sa akin. Nag alinlangan man pero pumayag na lang ako, Baka kasi sundan na naman ako ng lalaking yun.

Habang nasa byahe kami ni Jake walang nagsalita sa amin dalawa. Tanging ingay lang ng sasakyan ang marinig.  Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at tumingin sa labas, Habang abala ako sa pagmumuni. Tumingin ako sa side mirror ng sasakyan. Nanlaki ang mata ko ng makilala ang dalawang Van na nakasunod sa amin. Yan yung Van na nakamasid sa akin kanina! Owmyygosh. Natatarantang kinakabahan ako na napatingin kay Jake.

"Bakit? May problema ba?" Takang tanong sa akin ni Jake napipilitang umiling ako sa kanya. Bumalik ako sa aking posisyon kanina at tumingin ulit sa side mirror. Nagtatakang napatingin ako sa dalawang Van. Teka Ba't parang nag uunahan ang dalawang Van na to? Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at hindi pinansin. Baka nagkamali lang ako ng iniisip.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag na walang masamang nangyari sa amin ni Jake. Sabi ko nga guni-guni ko lang yun. Akmang bubukasan ko sana ang pintuan ng sasakyan ng pigilan ako ni Jake.

"Wait, ako na." Unang lumabas si Jake at ng makalabas na ito ay binuksan niya ako ng pintuan.

"Salamat nga pala sa paghatid sa akin Jake." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Wala yun, basta ikaw,"  umiwas ako ng tingin. "Hmm, By the way nga pala Sophie, free kaba sa sabado?" Nahihiyang tanong nito sa akin.

"Hmm, siguro bakit?" Takang kong tanong sa kanya

"Yayain sana kita mag Bar, tsaka Birthday ko din." Ani niya sabay kamot sa batok nito.

"Eh? hindi naman ako umiinom eh." nahihiyang ani ko. Sa totoo lang hindi naman talaga ako umiinom, Ewan ko ba pero hindi ko gusto eh. Ayos lang naman kay papa na uminom ako, pero ako lang talaga ang ayaw.

"Ah, ganun ba? Sige, okay lang 'yon."

"Pero pag isipan ko." Lumiwanag naman ang mukha nito nang sabihin ko iyon.

"Salamat, Sophie. Sige una na ako." Masayang paalam nito sa akin.

"Ingat." Pahabol na sabi ko habang kumakaway sa papalayong sasakyan ni Jake.

Keith blow out a heavly breath, pagkatapos ang nangyari kanina hindi niya maiwasan ang makahinga ng maluwag dahil walang nangyaring masama sa dalaga. Buti na lang naisipan niya kanina na sundan ang dalaga. Napansin kasi nito kanina ang puting Van na mukhang umaaligid sa paligid. Tama nga ang hinala niya, idadamay nila si Sophie. Pwes, hindi siya makakapayag na gagawin nila iyon. Lalo na kung si Sophie ang pag uusapan.

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon