Special Chapter - MR AND MRS SCOTT

113 18 0
                                    

                                  THE WEDDING DAY

"READY?" Bigla na lang tumulo ang mga luha ko sa tanong ni Papa. Kanina pa ako kinakabahan at na eexcite.

"Opo, Papa." Ngumiti ako sa kanya ng matamis.

"Alagaan mo ang sarili mo ah? Wag mong pababayaan ang sarili mo anak." Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Pasensya na. Dahil hindi nakaabot ang mama mo sa araw na to." Ngumiti ng tipid sa akin si Papa. Pinipigilan nito ang maiyak.

"Papa naman. Walang ganyanan." Para kaming tanga dalawa ni Papa na umiiyak habang tumatawa.

"May sarili ka ng pamilya." Malungkot na ngumiti ito sa akin. "Alam ko na darating talaga ang araw na to, ang araw kung saan malayo ka saamin-" Hindi ko na pinatapos si Papa sa sasabihin nito dahil ayukong marinig iyon. Isang mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya.

"Sige, maiwan na kita dito. Mauna na ako sa simbahan." Paalam sa akin ni Papa na ikinatango ko. Napatingin ako kay na pumasok habang may masayang ngiti sa labi.

"Bakla." Hindi ko mapigilan ang matawa ng marinig ang boses ni Jay.

"OMG! Ang ganda-ganda mo." Napailing na lang ako sa kakuletan ni Jay.

"Syempre, mana ba naman sayo." sagot ko ikinahalakhak ni Jay.

"Naman." Sinabayan pa ito ng mataray na boses na ikinatawa ko. "Tara na nga. Naghihintay na doon si Pogi." Napangiti ako sa sinabi ni Jay.

"Teka, saan ang baby ko?" Takang tanong ko sa kanya.

"Nandun kina, Kate at Claire, Tara na." Natawa ako kay Jay dahil mukhang mas excited pa ito kesa sa akin na kinakabahan. Gosh ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko! Bumuntong hininga ako para mawala ang kaba, pero kahit anong gawin ko ay hindi parin nawawala. Shit! Bahala na!.


"Relax, Bro." Natatawang wika ni Alrick sa akin habang  hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Nandito na kami sa loob ng simbahan, kaya medyo kinakabahan ako.

"Hindi pa naman siya late, diba?" Kinakabahang tanong ko kay Alrick na mas lalong ikinatawa nito. "Fuck. Don't fucking laugh at me." Madiing sita ko dito pero ang loko ngumisi lang ng nakaka-asar.

"The fuck. Where here in the church. Can you please stop arguing." Pigil na tawa kaming dalawa ni Alrick sa sinabi ni Zion.  "And please, don't curse." Sabay iwas na wika nito na ikinatawa ko. Pero siya nag mura din. Tsk!.

"Wow ah. Zion good yan?" Sarkastikong tanong ni Alrick na ikinasama ng tingin ni Zion. Napailing nalang ako sa dalawa. Inilibot ko ang mata ko sa paligid.

"Buti na lang Kompleto-." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang hindi ko makita si Cairo sa loob ng simbahan. "Where's Cai?" Takang tanong ko sa kanila. Kibit balikat lang ang sagot sa akin ni Zion at Alrick.

"Kuya." Napatingin kami kay Grey na patungo sa pwesto namin.

"May problema ba?" Hindi ko alam pero kinabahan ako sa tanong ni Zion.

"Wala naman po." Nakahinga ako ng maluwag.

Shit. Akala ko kung ano na eh.

"Ano pala?" Tanong ko sa kanya.

"Si Kuya Cai, po. Baka malalate daw po siya." Wika ni Grey na ikinatango ko.

"Bakit daw?" Tanong ni Alrick kay Grey.

"Eh? Malay ko po." Napakamot pa ito ng batok nito. Habang kami naman ni Zion ay nagpipigil ng tawa dahil sa sagot ni Grey. Sinamaan naman kami ng tingin ni Alrick.

His Dark Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon