Chapter Nine

27 4 0
                                    

Pagkulong

"B-Bitawan niyo ako!"

Malakas akong hinagis ng mga kawal sa loob ng kulungan bago hinagisan ng isang makapal na kumot. Hindi na sila nag-alinlangan pang isira ang pintuan at iwanan ako sa dilim.

Pinunasan ko ang kumawalang luha ko sa mata bago kumapit sa mga selda.

"Hindi ito makatuwiran! Wala kayong rason para gawin akong bitag! Pakawalan niyo ako!" Buong lakas kong sigaw sa mga papalayong kawal. "Malalaman ito ng lahat! Malalaman ng buong Theros ang ginawa niyo!" Humigpit ang hawak ko sa selda.

"Wala akong naging kasalanan sa inyo... Kayo... Kayo ang may kagagawan ng pagkawasak ng bayan! Wala kayong awa! Wala na kayong ibang ginawa pa kung hindi ang mag-agawan lang ng kapangyarihan!"

"Oh, another fool..."

Bumagsak ako sa sahig. Nasapo ko ang dibdib ko sa gulat at napalingon sa likuran ko. "S-Sino ako?! Anong ginagawa mo dito sa selda ko?!"

Hindi ko sinasadyang magtaas ng boses sa kung sino man ang nagsalita, pero hindi ko na talaga mapigilan ang sariling damdamin sa mga oras na ito.

"Excuse me? This is my jail. Kakapasok mo lang dito. Marunong kang gumalang sa mas nakakatagal nang naririto." Sagot ng boses sakin. "Anyway... What does a mermaid like you doing here? Nabingwit ka o nagpabingwit?"

"Wala akong panahon para makipagbiruan sayo kung sino ka man..." Akmang iiwas na ako ng tingin nang may gumalaw na anino sa maliit na sindi ng apoy sa pader. Lumabas ang mukha ng isang babaeng elven roon.

"Mukhang ikaw nga yung tinutukoy ng nawawalang prinsipe. An Olden Mermaid with pretty eyes..."

"Nawawalang prinsipe? Ano ang sinasabi mo riyan?" Napatayo ako sa harapan niya. Ngumisi lang siya at bumalik na sa pagsasandal sa madalim na bahagi kung nasaan siya kanina.

"You know, that rebellious Prince of the five kingdoms. Nakalimutan ko ang pangalan dahil maraming pangalan naman yung ginagamit nun. Basta yung nakakulong rin rito kahapon..." Naanig ko ang pagkabit-balikat niya.

"D-Damen..." Wala sa sariling naibulong ko ang pangalan niya. N-Nandito rin siya?

"Hmm, yes... I think that's what the knights called him." Bulong ng babae.

"A-Anong nangyari sa kanya? N-Nasaan siya ngayon?" Nag-aalala kong tanong. Kung nahuli siya... Mas malala pa sa pagkakakulong ang kanyang aabutin. Isa siyang Prinsipe ng limang kaharian at isang malaking kasalanan ang pagiging pabaya niya sa pwestong iyon.

Napabangon mula sa pagkakahilig ang babae at bahagyang lumabas sa liwanag ang mukha niya. Lumang kasuotan nalang ang kanyang suot at puno na ng alikabok ang mukha at katawan. Pinanliitan niya ako ng mata bago bumakas ang pagtatanong sa kanyang mga mata.

"Teka... Nakita na ba kita? You look... really familiar. Did someone carved you a statue or something?"

"Ano?" Hindi makapaniwalang giit sa kanya. Naririnig ba niya yung mga tinatanong ko? "Sumagot ka. Nasaan si Damen ngayon? Saan siya dinala?"

Napakamot siya ng ulo. "Aba, malay ko. Baka pinakain na sa bakunawa ng Gintong Reyna?" Tumawa siya ng malakas at napailing-iling sa sarili.

Napasinghap ako at hindi na siya pinansin pa. Isang baliw. Mukhang ikinulong nila ako kasama ng isang baliw na elven.

Tumigil siya sa pagtawa sa likuran ko matapos ang ilang minuto. "Oizys. My name is Oizys by the way. I'm completely harmless." Rinig ko ang mahina niyang paghagikgik. "Ikaw? Anong pangalan mo, ligaw na sirena sa lupa?"

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now