Chapter Fifteen

31 4 0
                                    

Pangitain

Lumipas ang buong araw na parang isang kisapmata. Halos mag-isa na ako buong araw matapos ang pag-uusap namin ni Enoch. At wala na akong may ginawa pa kung hindi ang titigan lamang ang espadang nasa harapan ko.

Sa lahat ng nilalang na nasa karagatan, bakit ako?

Sa matagal na pamumuhay ko sa mundong ito, kailanma’y hindi ko inakalang posible na magkaroon ng dalawang nagmamay-ari sa napakahalagang sandata na ito. Kaya’t nagdududa pa ako… Bakit kailangan pa itong itapon ni Enoch? Sa pagkakaalam ko’y malapit ang mga kagaya niya sa mga Hari’t Reyna kaya kung alam man nilang siya ang nagmamay-ari nito, gagawin nila ang lahat para protektahan siya. Sigurado ring bibigyan siya ng kayamanan.

Mamumuhay siya ng marangya at makapangyarihan…

“Bakit ka niya hindi tinanggap?” mahina kong tanong habang nakatitig sa espada.

Sa loob ng ilang oras na pagtitig ko rito, masasabi kong napakaganda nito. Higit pang mas maganda sa ano mang uri ng sandata, at mas lamang pa sa anumang diyamante ng isang korona. Napakaganda… ngunit may dala-dalang sumpa at himagsik. Kaya ba walang may lumalapit sayo? Hindi lang dahil nais mong protektahan ang iyong sarili, kung hindi ay dahil na rin sa natatakot ka? Natatakakot kang mapasakamay ng kung sino ulit na muli ka lang iiwan sa dagat…

Kaya pumili ka ng isang katulad ko… na hindi kayang iwan ang dagat.

Humigpit ang kuyom ko sa mga palad ko sa reyalisasyon. Umalis ako sa pagkakaupo at maingat na lumapit sa espada, ngunit mabilis ring umurong ang mga paa ko dahil sa pagdadalawang-isip at muling bumalik sa pagkakaupo. Hindi muna…

Wala pa akong sapat na tiwala sa sarili para suriin ang kapangyarihan nito.

Kung tunay ngang pagmamay-ari ko ito, ito na mismo ang magbubukas ng sarili nito para sa akin.

Bumalik ako sa itaas ng higaan at pinakiramdaman ang lumalakas ng alon sa karagatan. Niyakap ko ang aking mga tuhod at pinagmasdan nalang ang espada mula sa malayo.

Napakaliit lang ng alam ko tungkol sayo. Ngunit sigurado akong may ilan pang mga kagaya mo… Paano kaya kapag dumating ang panahon na muli kayong pinag-isa… sa iisang lugar? Paano kung muli kayong pinagtipon-tipon?

Napahinga ako ng malalim at bahagyang kinabahan sa naisip.

Tiyak na… isang pangyayari na iguguhit sa itinakdang kasaysayan kung darating man ang araw na iyon. Isang makapangyarihang araw.

“My lady…” may boses na tumawag sa akin mula sa pintuan.

Hindi na ako bumaling pa sa kung sino man ito at tumingin nalang sa kalapit na bintana. “Ano iyon?”

“I’m Wren. I’m sure you already know me. Uhm… pinakapakuha ng Kapitan ang espada para sa pagsusuri ng babaylan. Maaari ko ba itong kunin?”

Pinasadahan ko ng tingin si Wren bago tinignan ang espada. May parte sa akin na nais tumutol sa kanyang tanong. Ngunit sino ba naman ako? Nasa barko pa rin nila ako at ganoon rin ang espadang ito. Kung nais nilang magsagawa ng pagsusuri para sa kanilang kaligtasan, wala naman akong may nakikitang mali roon. Karapatan rin nila ito.

Tahimik akong tumango. “Sige. Ngunit hindi mo ito basta-bastang mahahawakan…”

Ngumisi ang pamilyar na kaibigan ni Enoch. Pumasok siya sa silid at lumapit sa kinaroroonan ng espada bago inalis ang kanyang talukbong. “I know, Enoch already told us. And don’t worry, my lady… I came prepared.”

Napakagat ako sa ibabang labi nang ipinulupot niya ito sa kanyang kamay at dahan-dahang inabot ang espada. “Sa tingin ko ay hindi sapat iyan...” bulong ko.

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now