Chapter Twenty-three

24 2 0
                                    

Pagbabalik

Hindi madali para sa akin ang tumanggap. Hindi rin madali para sa akin ang makisama at makiayon. Ngunit sapat bang mga rason ito para tuluyan akong itulak papalayo ng Sailerys?

Nakita ko kung paano nila ako sa sarili kong mga mata kung paano nila ako tanggapin, kaya hindi. Hindi ako basta-bastang maniniwala sa sinasabi niya. Maaaring hindi ko pa nakilala ang puso ng kasaysayan nila, ngunit nakita ko ang halaga nito. At naging parte na rin ako ng samahang ito gustuhin niya man o hindi.

"Tungkol ba ito sa nangyari kay Wren?" Malamig kong tanong sa kanya bago siya pinukulan ng tingin. "Naiintindihan kong gusto mo lang protektahan ang iba pa rito. Maniwala ka man o hindi, iyon rin ang gusto ko, Loraz... Kaya masisigurado ko sayo na wala akong intesyong hadlangan ang samahan ninyong lahat..."

Napaiwas siya ng tingin. "As I've said. I'm only speaking in behalf of the Captain. This ship contributed many things to kingdoms for years, Nephalae. Hindi namin hahayaan na basta-basta nalang mawala sa amin ang karangalang iyon." Bahagya siyang naglakad sa harap ng mga larawan sa pader. "This has been our life. Mawawalan ng silbi ang lahat ng ito dahil sa espadang sumusunod sayo..." may bahid ng galit ang boses niya.

"Felipe should have been sentenced to death..." Bulong niya at marahas na napahinga.

Napahakbang ako papalapit at umiling sa kanya ng harap-harapan. "Kung ganito pala ang tingin sakin ng Kapitan, bakit? Bakit pa niya ako hinayaang makasakay dito? At ikaw... Bakit mo pa tinulungan si Enoch na kunin ako mula sa selda?"

Kumunot ang noo niya at hindi agad nakasagot. Sapat na ang pagiging tahimik niya para makunpurme nga ang nasa isip ko. Napasinghap ako at dahan-dahang lumayo sa kanya. "Isa itong panlilinlang..."

"Tungkol ito kay Enoch. Natatakot kayo dahil maaari niyo na naman siyang muling bibiguin... At baka sa pagkakataon ito'y... maaaring tuluyan na niya kayong iiwan." Matigas kong bigkas. Bahagya akong napatawa nang mabuo pira-piraso ng mga hinala ko sa isipan. "Dahil sa pagkakataong ito, alam niyo nang hindi na niya muling kayang gawin ang ginawa niya noon. Hindi na niya itatapon pa ang espada, o iisipin mang ilayo ito sa kanya... Dahil nandito na ako. Ang pagtatakwil niya sa espada ay ang pagtatakwil niya rin sa akin..."

Nagsimula nang manlaki ang kanyang mga mata. Naanig ko ang pagkuyom ng mga kamay niya bago umiwas ng tingin. Magsasalita na sana siya nang mula akong bumigkas ng mga salita.

"Hindi na niya iyon kayang gawin muli..." Singhap ko. "Kaya sa akin niyo itinatanim ang lahat ng ito. Sa tingin niyo ba ganito ang kadali malinlang, Loraz?"

Wala akong balak kuwestiyonin ang kung sino mang nandito, sapagkat gusto kong manatili ang respeto ko sa lahat, ngunit tuluyan na rin akong bumigay. Unti-unti nang lumalabas ang mga bunga ng pagtanggap ko sa responsibilidad na ito, at hindi ko mahaharap ang mga iyon sa ganitong paraan. Sa pagkakataong ito'y nais ko naman ipakita sa kanila ang mga nais kong iparating... sa pamamaraan ko.

Gusto nila akong umalis?

Napangisi ako sa isipan. Tinitigan ko ng mabuti si Loraz na kasalukuyang inaabangan din ang bawat galaw ko.

Pinagsaklop ko ang aking mga kamay. "Pagbibigyan ko kayo. Ngunit sa isang kondisyon..." Dahan-dahan akong naglakad at nilampasan siya. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang maanig ang mga larawan sa pader.

"Anong kondisyon?" Marahas niya usal.

"Tatlong araw." Matigas kong sambit. "Sa loob ng tatlong araw ay hindi ninyo ako makikita..." Pinasadahan ko ng tingin ang munting bintana sa silid at pinagmasdan ang alon mula roon. Tatlong araw nalang... at muling maliliwanag muli ang kabilugan ng buwan.

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now