Chapter Two

77 6 0
                                    

"Sa pahina ng mga libro o sa mga kwento sa tabing dagat, ang mga katulad namin ang tumatawag sa mga nilalang papunta sa dagat. Ngunit sa aming dalawa... ako ang nabihag. Ako ang sumunod sa tawag ng kanyang plawta."

---

Flute

"Matagal nang sira ang bangka! Ito na ang ikawalong beses na idiniinan 'to sayo, Damen! You can't even sail... Masisira lang ang tanging tinitirhan natin dahil sayo, eh!"

Naabutan ko ang malalakas na namang sigaw ni Everett sa oras na pagkapasok ko sa loob bangka. Tinakpan ko ng mabuti ang labasan at tahimik na hinila ang pinto paloob. Maingat kong hinila iyon para mailigtas ang sarili mula sa kanila. Nadamay na ako noong isang araw sa gulo nilang ito, ayoko nang mapagsabihan pa ulit ngayon.

Halos dasalan ko lahat ng mga bituin sa paglapit ng pintuan sa pader. Huwag kang humampas...

"How can you fucking sail if you're stealing the ropes?! Everett naman, alam mong kaya kong pagalawin ang bangkang ito sa maayos na paraan pero ikaw itong nagmamatigas! You hardheaded elf! I told you to--Aw!"

"Ayan! Magsagwan ka ng mag-isa!"

Narinig ko ang pagtilapon ng kung ano sa sahig. Hindi ko na sila sinilip pa dahil masyado pa akong abala sa pintong ito. Hindi sinadyang tuluyang nadulas ang kapit ko roon dahil sa basa pang katawan. Napapikit ako nang kumalabog iyon ng malakas sa pader.

Tumahimik ang silid sa dahan-dahan kong pagbaling sa kanila na agad kong pinagsisihan.

"Ilasandre!" Malakas na sigaw ni Everett. Galit niya akong dinuro at humalukipkip. "Anong oras na?!"

Tumayo ako nang matuwid, sinubukan kong alisin ang basa sa katawan at kinakabahang yumuko. "E-Everett, kasi... bumili pa ako nang masusuot natin para sa g-ganaping bulwagan--"

"Wala akong pakialam sa maliit na bulwagan rito! Para lang iyon sa mga mamamayan ng Theros! Wala tayo sa lugar na magpunta roon. Lalong na ikaw at ang ikinakahiyang prinsipeng ito!" Matigas niyang dikta.

"Eva!" Malakas na tawag ni Damen. "Mind your words..."

Napahigpit ang kapit ko sa dala-dala kong mga lalagyan ng damit. Ang t-totoo niyan... Natagalan talaga ako sa pagpalangoy. Hindi ko na namalayan ang bilis ng oras sa araw na ito. Kaya nag-aaway na naman kami ngayon. Ito kasi ang ginagawa ni Damen sa tuwing hindi ako nakakabalik sa tamang oras na sinang-ayunan naming apat. Sinusubukan niyang paggalawin ang bangka kung saan kami naninirahan. Iniisip niya na tuluyan na akong tinanggap ng karagatan at iniwan ko na sila... kaya binabalak niyang libutin ang karagatan.

Kahit ilang beses ko na siyang sinasabihan na hindi ko ito magagawa, hindi pa rin siya nakukumbinsi.

Lumingon sakin si Damen at umamo ang ekspresyon sa mukha. Mabilis siyang lumapit. "Can I see that? Nabili mo ba ang gusto mo?"

Tinulungan niya ako sa mga dala ko. Napatitig rin siya sa basa kong braso bago niya hinubad ang nakatali niyang panangga sa katawan niya at pinulupot iyon sakin.

"Damen! Wala ngang pupunta sa bulwagan! Paano kung mahuli ka roon?" Daing pa ulit ni Everett sa harapan namin.

"Anong nangyayari dito?"

Napabaling ako kay Atticus na nagmamadaling bumaba mula sa ikalawang palapag ng sira naming bangka. Napamura siya ng malaglag kasama ng mga bitbit niyang libro. Tinitigan niya iyong nagkalat ang mga pahina sa sahig bago niya kaming pinukulan lahat ng masamang tingin.

"Do any of you know the concept of a quiet conversation? For once, Everett, can't you speak without yelling?" Kalmado niyang tanong.

Humarap naman sa kanya si Everett. "Hindi ko naman kasalanan na nalaglag ka diyan!"

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now