Chapter One

119 5 0
                                    

Dagat

Ang aking tanging hiling sa asul na karagatan at sa korona ni Astraea, ay ang muling paglangoy ko ng malaya...

Kahilingan.

Napakaraming kahilingan na ang aking narinig, hindi ko na mabilang ang aking mga natupad. Karamihan ay gawa sa kaligayahan. Karamihan ay para sa kapangyarihan. At karamihan rin ay napunta sa wala.

Ngunit ang sa akin... ay tila isang bulong lamang sa gitna ng malalakas na sigaw. Isang ihip ng hangin lang sa gitna ng malalakas na ulan. Isang patak ng tubig sa buong karagatan.

Ang aking munting kahilingan ay walang sino man ang nakakadinig. Hanggang sa isa isang araw na dinalaw ako ng aking panaginip.

"Hinihiling ko na... maging malaya ka."

Isang batang babae. Sa tagal kong namuhay, masasabi kong isa pa rin siyang bata na paunti-unting mamumulat sa mundong ito, sa propesiya niya, sa pagkatao niya, at sa pagdating ng panibagong oras niya. Isang nilalang na hindi nagmula sa mundong ito ang nagligtas sakin sa sariling kapalaran. Habang-buhay kong paglilingkuran ang mga alaala niya.

Sa wakas... Makikita ko na muli ang langit. Ang sarili kong langit... kung saan sumisisid ako sa gitna ng mga ulap.

"M-Magandang umaga..." Halos walang lumabas na boses mula sa bibig ko.

Tuluyan na umahon ako mula sa tubig pagkatapos ng ilang oras na pagtatago rito sa likod ng mga halaman sa maliit na ilog na nasa likod lang ng palasyo ng Axiom. Bumalik ako sa tubig at nagdalawang-isip pa kung tama bang batiin ko ang tagapagsilbi rito.

Kanina pa siya tahimik na umiiyak habang nakaharap sa mga bulaklak. M-Mas mabuti sigurong babalik nalang ako sa ibang pagkakataon? Ilang linggo pa lang bago natapos ang digmaan, a-at mukhang hindi pa nakalimot ang matandang elven na ito.

Ngunit... Ilang araw na rin akong nagpabalik-balik rito sa Axiom. Hindi ko na pwedeng sayangin ang oras na ito ngayon na may nakalapit na rito sa ilog.

Tumikhim ulit ako ng mas malakas. "M-Magandang umaga--"

"Nakikita mong naghihinagpis ako rito tapos babatiin mo ako ng magandang umaga? May isip ka ba, sirena?"

Napaawang ang bibig ko at bahagyang sumilip sa paligid niya. N-Nakikita niya ba ako? Imposible. Nakatalikod siya mula sakin at kalahati lang ng katawan ko ang lumalabas sa tubig. Napakaraming mga halaman pa ang pumapagitna samin para mapansin niya ako. M-Maingat rin ang mga galaw ko para marinig.

Napahigpit ang kapit ko sa batong nagsisilbing suporta ko para umahon.

Yumuko ako. "P-Patawad. Hindi ko intensyong... d-disturbuhin kayo sa pag... uhm... p-paghihinagpis. May nais lang sana akong ibigay na isang mahalagang sulat sa tagapagmana... Kung inyong mamarapatin, m-maaari niyo po ba akong matulugan at tawagin siya?" Pinilit kong panatagin ang boses ko.

Masyado pa akong nahihiya sa pagkikihalibalo. Bago pa lamang ako nakalabas sa aking kweba para makiaayon sa napakaraming pagbabagong hindi ko na nasubaybayan sa mundong labas. Hindi ko rin inaasahan ang pananalita ng matandang elven na ito.

"Ang tagapagmana ni Astraea ba?"

Nagulat ako nang bahagya siyang natawa, tila na nakakaaliw ang mga salita ko. Nakita ko ang marahas niyang pagpitas sa isang bulaklak sa tabi niya at patapon na binitawan iyon.

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now