Heart of a Sailor
Pagkatapos ng hamon ay tuluyan ng nagpaalam sa akin si Sora. Kasama ang isang nilalang mula sa dagat na nangangalang si Talulah ay nagpadala na silang dalawa sa mga alon sa mismong lugar kung saan kami naglaban. Nang mawala sila’y agad na rin akong nagising sa sariling reyalidad. Tulala na ako matapos ang pangyayari at wala nang may pumapasok pang matino sa isipan. Pakiramdam ko’y lubusan akong nanlumo sa naganap na pag-uusap namin.
Hindi ko intensyon na masaktan siya, at alam kong hindi niya rin intensyon na ibunyag sa akin ang tungkol sa katauhan niya. Ni hindi ko nga alam kung may balak pa ba siyang sabihin iyon kung hindi pa siya naudyok ng hamon.
"Ilang araw na kayong hindi nag-uusap, ah? Did we miss something?"
Binigay sa akin ni Oizys ang isa pang lalagyan ng mga tali. Kasalukuyan siyang may inaayos ngayon sa mga nakakabit na tali malapit sa silid ng kapitan. Hindi pa lumalabas ang araw ngunit madami na ang nasa labas at may kanya-kanya nang ginagawa. Nakakapagtaka, kadalasan sa mga oras na ito ay wala pang nasa labas.
Hindi ko pinansin ang tanong niya at nagpatuloy lang sa pagmamasid sa kani-kanilang mga ginagawa.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay dumating na rin sina Wren at Loraz. Kumapit sila sa mga lubid na inaayos ni Oizys at bahagya pang umindayog roon. Sabay silang napahalakhak nang halos mabitawan ko ang hawak ko dahil sa gulat.
"Why so tense, my lady?" Tanong ni Loraz at kumunot ang noo sa akin.
"Hey, you two! Stop swinging!" Asik ni Oizys at tinabig ang dalawa sa balkonaheng nilalagyan niya ng mga tali. Bumaling rin siya sa akin at nagkabit-balikat. "She's been like that days ago--Wren! Tabi!" suway pa niya.
"Why?" Mas lalo pang kumunot ang noo ni Loraz. Tinaasan niya ako ng kilay bago napangisi. "Don't tell me you're having... seasickness?"
Humagalpak ng tawa si Oizys. "She's a mermaid, Loraz..."
"I know! Pero matagal na rin bago siya nakapagpalit ng anyo, hindi ba? And besides, all of us have experienced that here. Oras na ba para pakainin siya natin ng isda? How about a shell perhaps?"
Umakbay sa kanya si Wren at napangisi rin. Tinapik niya ang balikat ng kaibigan. "I don't think she eat seafoods. Ano sa tingin mo, Zys? Surely a small taste won't hurt... O baka kailangan niya lang magpalit ng anyo ulit? Do you need a swim, Nephalae? I always wanted to swim with a--Aw!"
Tinulak silang dalawa ni Oizys at dumaan sa pagitan nila. Napainda ako nang bigla niya lamang akong inakbayan. "Why don't you ask your friend?" Ngisi niya sa dalawa. "I'm sure Enoch has something to do with this..."
"Woah, woah... Let's not point our fingers here!" Giit ni Wren at itinaas pa ang dalawang kamay.
Naglakad naman si Loraz papalapit sa amin ni Oizys. "Oo nga. At bakit naman si Enoch? Baka kayong dalawa na naman ang nagkasagutan? You know, you always question him with almost everything just to contradict his answers... Maybe another debate, Wren? And Nephalae probably choose to side with Oizys. Tapos natalo sila kasi hindi pinagbigyan ni Enoch." Halakhak niya.
Tumango-tango naman si Wren sa tabi niya. "Tungkol saan ba kasi iyon, Zys? May maitutulong kami?" Dagdag na panunuya pa niya.
"Good theories. But, no. Kung nandito lang kayo para guluhin kami, get loss you two! And for the record, I don't do debates with Enoch... A-At kung meron man, hindi ko hahayaang matalo ang sarili ko!" Parang bata niyang sagot.
Napailing ako sa kanilang tatlo bago inalis ang braso ni Oizys na nakaakbay sa akin. Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin. Napatikhim si Oizys habang napawi naman ang ngisi ng dalawa.
YOU ARE READING
Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)
FantasyLegend Of The Stars #3 (Completed) •Alignments After thousands of years of being in prison in a cave, the Olden Mermaid--Nephalae, finally found herself free. Or was she truly is? Considering her eyes have only been open to the new world she once lo...