Serene
"Sa susunod, Wren, sumama na tayo kay Enoch mamingwit. Akalain mong nakabingwit ng sirena? I want to catch one, too!"
"Stupid, Loraz. I am the one who caught her!"
"That was all Enoch's plan. You don't even know how to catch a young sea serpent! Sirena pa kaya?" Ismid ng lalaking nangangalang Loraz sa harapan at bahagyang tinulak ang kasama nito sa paglalakad.
Napayuko na lamang ako at napatitig sa sariling mga palad. Nagmamakaawa na ang mga paa ko sakin na bumaba sa lupa ngunit hindi ko magawa. Kanina pa ako buhat-buhat ng lalaking ito. Bakit hindi na niya lang akong hayaang makapaglakad? Alam niya ba kung gaano kahirap para sa mga sirenang magbalat-kayo para lang mapakiramdaman ang ibabaw na bahagi mula sa ilalim na mundo ng karagatan?
Sumilip ako sa gising dagat na kung saan lumalayo na kami. Lumakas pa ang tunog nito sa mga tenga ko ngunit tila wala lang iyon sa mga manlalakbay na ito.
H-Hindi ako sasama sa kanila... Hindi maaari.
Wala siyang karapatan sa akin o kahit sino man sa kanila. Wala ring ipinapahiwatig ang mga bituin kaya para saan pa ito? Posibleng... gagamitin lang nila ako sa kung ano mang ninanais nila mula sa dagat. Iyon ang silbi ng mga sirena para sa mga kagaya nila. Pagmamay-ari.
Ngayon pa lang, wala na silang mapapala sa akin. Ni hindi ako magawang tanggapin nito, ng sariling kong tahanan.
"Sasabihin mo na ba ang pangalan mo sakin?"
Napayuko pa ako lalo sa pang-ilang ulit na niyang tanong. Iling lang ang tanging nasagot ko. Hindi ko na matandaan ang huling beses akong nakipag-usap sa isang estranghero. Buong buhay ko, hindi naging likas sa akin ang magpakilala nalang nga basta-basta. S-Sino ba sila? Sigurado akong hindi sila mga mamamayan ng Theros. Iba ang tono ng pananalita nila kumpara sa mga taga-rito.
At ano ang sinabi nila kanina? B-Bulwagan? Pupunta sila roon?
Tahimik akong dumaing nang humigpit ang paghawak sa akin ng lalaki sa mga binti at braso ko. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Agad sumilay ang ngiti niya sa pagtingin ko.
Mabilis ulit akong umiwas sa mga mata niya at pilit na tumikhim.
"N-Nais ko sanang b-bumaba..."
"Mapapagod ka lang sa paglalakad," sagot niya. "I insist to carry you. It's like carrying the whole ocean itself in my arms, my serene."
Kumunot ang noo ko at hindi nalang sumagot pa. Hindi ko lubusang naintindihan ang mga sinabi niya. Lumingon ulit ako sa dagat. Sa totoo lang ay mas nag-aalala pa ako rito ngayon kaysa sa sarili ko. Hindi maganda ito. Sa loob ng napakaraming taon ay nasa itaas ako ng dagat at nagbabantay rito. At masasabi kong hindi sila mabilis mapaamo kung nagising.
"Speaking of walking, bakit ka nga ba naglalakad? Hindi ba dapat nasa dagat ka?" Tanong ni... Enoch.
"At bakit ka naninilip? I've seen mermaids, the rumors were true. They were very good seductresses. Hindi ko lang inaasahang may maninilip pa... Akala ko mabilisan na. They just sing a song and lure you." Naaaliw na tugon ng malalim niyang boses sakin habang nanatili naman ang mga mata ko sa paulit-ulit na hampas ng alon sa mga batuhan papunta sa direksyon ko.
"I'm supposed to be sorry to what we did to you, but I couldn't be more thankful now. Paumanhin, aking sirena, ngunit wala akong pagsisisi sa pagdakip sayo."
"Gusto kong puntahan ang dagat."
Hindi ko akalaing masasambit ko ang mga salitang iyon. Dahan-dahang akong nag-angat ng tingin sa kanya at bahagyang itinaas ang isang kamay ko para ituro ang nagwawalang mga alon.
YOU ARE READING
Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)
FantasíaLegend Of The Stars #3 (Completed) •Alignments After thousands of years of being in prison in a cave, the Olden Mermaid--Nephalae, finally found herself free. Or was she truly is? Considering her eyes have only been open to the new world she once lo...