Chapter Ten

22 4 0
                                    

Mga Binti

Hindi ko na namalayan pa ang sumunod na mga nangyari at natagpuan nalang ang sarili na nakabulot sa makapal na kasuotan. Walang hirap niya akong pinasan sa mga braso niya at tinahak ang direksyon papalapit sa dagat na hindi ko na masyadong naanig pa.

Gumapang ulit ang kamay niya sa pangalawang pagkakataon para ayusin ang pagkatakip ng panangga sa mukha ko. Agad ko iyong itinakwil.

"Salamat... sa paghila sa akin mula roon. P-Pero ibaba mo na lang ako sa dagat..." Mahina kong sambit sa likod ng kasuotan.

"But Neph, you did our friend a favor didn't you?" Ramdam ko ang lapit ng mukha niya sa nakaharang sa mukha ko. Umiwas ako ng tingin ngunit hindi sinasadyang mapasubsob ako sa dibdib niya.

"Ano ang tawag mo sakin?" Bigla kong tanong. Tama ba ang narinig ko?

"Neph... Nephalae." Makabuluhan ang kanyang pagsambit.

Humigpit ang hawak ko sa kasuotang ibinigay sakin. "Pakiusap... Huwag mo akong tawagin sa pangalang iyan."

"Oizys was right. She's so serious, Enoch... Are you sure you want her aboard? Mukhang hindi pa nakakarinig ng biro ang sirenang 'yan. Baka mag-inarte 'yan satin ah..." Panibagong boses ang nagsalita sa kalayuan.

"She's entirely different from us, mate. Are you sure about this? Have ever been with an Olden Mermaid before?" Isang pamilyar na boses ang sumunod sa nagsalita. "Ang rinig ko at higit daw silang mapanakit..."

"Huwag niyo ngang isipin ang pinagkaiba niya sa atin. Worry about what she did! If it's true... that she's one of the holders-"

"That's not true." Pinatahimik ng boses ni Enoch ang iba.

Napayakap ako sa sarili sa likod ng kasuotan. Napakabilis... ang pagkalat ng balita tungkol sa akin. Kahit na ako mismo ay walang maintindihan sa mga nangyayari. W-Wala akong ginawang masama sa mga Hari't Reyna... Maaaring may ginawa akong destraksyon sa Theros at lumalabag sa mga batas, ngunit hindi ako masama.

Paano ba ako nakaabot pa sa sitwasyong ito? Ang nais ko lang naman ay isang tahanan sa ilalim ng dagat para magsimula ng bagong buhay... At nagkataon lang na ang hinahanap kong tahanan ay nasa pwesto ng mismong espada...

"But if it's true that she's one of them... Hindi magandang ideya ang pagtakas natin sa kanya nito. We will be disappointing the kingdoms. We will be criminals, Enoch!"

"All of you, shut up. Walang mapapahamak sa atin..." Kampanteng sagot ni Enoch. "Has the Captain returned yet?"

Nagsimulang bumilis ang kanyang lakad hanggang sa tuluyan ko nang narinig ang sunod-sunod na pagtakbo nila.

"Not yet. But we better hurry. Ayokong mahagis na naman sa harapan ng barko." Humalakhak ang ilan sa kanila.

Ibig sabihin... papunta sila sa naglalakihang mga bangka nila? D -Doon nila ako dadalhin?

Hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagdiwang ng puso ko nang maisip ang sariling naroroon. Magkahalong kaba at pananabik ang unti-unting namuo sakin. Mahigpit akong napakapit sa kasuotan.

"S-Saan niyo ako dadalhin? Hindi niyo ba ako ibabalik sa dagat?" Mahina kong bulong sa dibdib ni Enoch.

"Mabilis ka nilang mahuhuli ulit kapag nasa dagat ka..." hinihingal na sagot niya. "Just trust us, okay? We'll take you back to the sea but in a different way. Hinding-hindi mo pagsisisihan ang ganitong paraan."

"P-Paano ako nakakasigurado sa inyo? Ang huling pagkikita na tin ay..." Hindi ko naituloy ang sasabihin nang maalala ang pangyayari. Lumawag ang kapit ko sa kanya at nakaramdam ng kakaibang uri ng takot. Pakiramdam ko'y papunta kami sa isang lugar na kailanma'y hindi ko naisip na mapapasama. "Enoch..."

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now