Chapter Twenty-five

21 2 0
                                    

Lover

“Nephalae, I don’t want to argue with you… My days as a King were long over in cased you’ve missed it. Kung gusto mo ng mga kasagutan… hindi mo mahahanap sa akin ang mga ito. I, too, have only perks of the answers.” Matigas niyang giit. Agresibo na ang kanyang mukha at kumukuyom na ang mga kamao. “I respect you, as always. Kung ako rin ang tatanungin mo ay hindi ko gustong mapasakamay mo ang espadang iyan…”

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Natitiyak kong marami siyang alam sa nakaraan at kasalukuyan, ngunit maiintindihan ko rin kung wala siyang kasagutan na maibibigay sa akin sa ngayon. Pero imposible pa rin na wala siyang alam. “Ito ba ang unang beses na nangyari ito? Na dalawa ang pinili ng espada?” tahimik kong tanong.

“Yes. This never happened before… But are you certain? Sigurado ka bang dalawa kayo ang pinili nito?”

Tumango ako. Narinig ko ang impit na mura niya sa likuran, ramdam ko na rin ang lito niyang mga tingin sa akin at sa espada. “Who was it, then?”

Kumunot ang noo ko sa tanong niya bago siya nilingon. “Hindi mo alam? Hindi ka ba sinabihan ng iyong kapatid na naghahari-harian ngayon?” Walang alinlangang tanong ko.

Nanigas pa siya lalo sa kinatatayuan bago bigong napayuko. “I told you… I’m no longer the King. I gave up the throne. I’ve stopped meddling with this matters. Tapos na ako sa lahat ng ito, Nephalae. Tapos na ako sa nakaraan…”

Napahakbang ako papalapit sa kanya nang may pagbubugso nag alit sa dibdib. “Pero hindi pa tapos ang nakaraan sayo, Daniel.” Gusto ko siyang sigawan. Naririnig ba niya ang sarili niya?

“Pagkatapos ng lahat ng mga nagawa mo, sa tingin mo titigilan ka nalang ng mga posibleng kahihinatnan?” marahas akong napailing. “At alam kong hanggang ngayo’y hindi ka pa rin tumitigil sa… kahibangang ito! Ilang beses ba kinailangang sabihin sayo ng lahat na patay na siya!” hindi ko na napigilan ang aking sarili.

“I did not ask for your counsel…” matigas niyang giit.

Lumapit ako sa kanya, akmang muli akong magsasalita nang mapasada ko ang aking tingin sa mga lumang larawan na nakalapat sa kanyang lamesa. Tinitigan ko siya ng mariin bago linampasan siya. Nilapitan ko ang mga iyon at isa-isang hinawakan.

“Nephalae,” nagtitimpi niyang tawag ngunit hindi pa rin ako tumitigil sa pagmamasid ng mga ito. “We are living beyond our time. You are an Olden and I am becoming one… Hindi na dapat tayo nangingialam sa kasalukuyan…”

Hindi ko siya pinakinggan. Sa tingin niya ba ginusto ko ito? Hindi! Ngunit tuluyan na akong napilitan na muling gumamit ng kapangyarihan dahil sa walang hangganang digmaang hanggang ngayo’y hindi pa rin pala humuhupa… Lalo na sa sitwasyon ni Enoch, maaaring mas muling manumbalik pa ang lahat ng ito sa mas mabigsak pang pamamaraan. Nasa akin na ang responsibilidad ngayon kung pipiliin ko bang alamin kung paano matitigilan ito o hahayaan nalang na mapasakamay ang espada ng dagat sa pagitan ng dalawang layunin... na kung saan maaari itong gamitin ng kasamaan.

“I promised him. I promised him I would keep you safe…” bulong ng Hari sa likuran ko. “If the sword you hold has been cursed, then it is better for you to reject it. Hayaan na mo nalang ito mapasakamay ng isa pa nitong pinili... Do yourself a favor and save yourself from it.” Pagpatuloy ng Hari, pero nanatili pa rin akong walang imik at patuloy lang sa pagbukas ng mga libro. “Are you even listening to me, Nephalae?”

Biglaang lumapat ang kamay niya sa librong hawak ko at malakas na tiniklop iyon. Kalmado akong umangat ng tingin sa kanya. Bakas na sa mukha niya ang pagkawala ng pasensya at labis na pag-aalala.

“Please… As your King’s closest friend, I ask you to stop this. This isn’t for you, Nephalae. Nadamay ka lang sa gulo ng kasalukuyan. And I am deeply sorry for that…”

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now