Chapter Nineteen

19 2 0
                                    

Paglaban

“No.” usal ni Enoch bago tumayo sa harapan ko.

“There’s no need for this, Sora…”

“Yes, there is. Ipinalampas ko ang pagtanggi mo sa espada noon, pero ito, Enoch? This is a mess now. I can help you with this spell and everyone but still, you choose to run. Always running, Enoch.” Panunumbat sa kanya ng Reyna. Ibinaba niya ang kanyang espada at humakbang papalapit sa amin. “I warned you before, haven’t I? Hindi mo matatanggihan ang espada… You cannot overpower this but still you didn’t listen! Tingnan mo ang nangyari ngayon… Sa tingin mo gusto kong hamunin ang isang sirenang walang alam tungkol rito? I don’t want any other creature involved in the conflagration, but you dragged her into this!”

Naningkit ang mga mata sa kanya ni Sora. “And here I thought you looked for her because of—”

“Sora, please… Hindi pa niya alam…” nanghina ang boses ni Enoch na tila ba’y nagmamakaawa.

“W-What?!”

Namilog ang mga mata ng reyna at napabaling siya sa akin. “You mean… she’s…”

“Hindi pa. Kaya kinakailangan naming umalis. This was supposed to be our quest… but this sudden change of plans ruined everything.”

Humarap ako sa kanilang dalawa at nagpabalik-balik ng tingin. Pinasadahan lang ako ng tingin ng mga mata ni Enoch bago umiwas rin. Kinuha niya lang ang kamay ko hiniwakan iyon ng mahigpit na tila ba’y nagpapaalala na pagkatiwalaan ko lang siya.

Napasinghap ang Reyna sa harap namin. Tumalikod siya na para bang biglang may bumagabag nalang sa kanya nang hindi niya inaasahan. Nasaklop niya ang mga kamay niya at tinukod ang espada sa sahig bago muling tumingin sa akin. “I kept lying to other holders for the sake of both of you. I’ve always hated lies… Hindi ko akalaing ginagawa ko ito ngayon.” Nasuklay niya ang kanyang buhok at nanlumo. Napaupo siya sa higaan at tila nagsimulang mag-isip ng susunod na gagawin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa nangyayari ngayon. Hindi ako bulag, at madali kong matutukoy na may alam silang tungkol sa akin na tanging silang dalawa lamang ang nakakaintindi. Bakas sa kanilang mga mata ang mensahe na parang mga hudyat at babala.

Pag-aalala ang namutawi sa mukha ni Sora ng ilang segundo bago rin agad itong napawi. Umupo siya ng maayos, agad nangibabaw sa silid ang awtoridad sa kanyang presensya. “Only one can hold the sword of the sea.” Walang pag-aalinlangan niyang pahayag.

“One of you two…” dugtong niya. “Walang makikihati. Naiintidihan niyo ba akong dalawa? That’s why your powers needs to be tested. Consider this as a warning from me…”

“And what if we’ll prove you wrong, Sora? What if this is possible to me and Nephalae?” giit naman ni Enoch.

“The sword cannot serve two masters. I’m sure you’ve studied this, Enoch. Ano sa tingin mo ang ginagawa mong ito? You dare to play with the sword of Astraea as if it’s one of your chess pieces. This could do worse than you can imagine.”

“Then, why did my spell to it years ago almost casted out perfectly?” aroganteng sagot ni Enoch sa kanya.

“Almost.” Pag-uulit ng reyna. “But the spell was not successful, and nothing will. You only made things complicated. Hindi ka ba nadala sa nangyari sa Theros?”

Tila nagising ang buong katauhan ko nang marinig ang pangalan ng kaharian. Kumunot ang noo ko sa reyna. “A-Anong nangyari sa Theros?”

“Now you know how our enemies could be very deceiving.” Sambit niya. “Bago pa man naganap ang pag-atakeng iyon ay nalaman na namin bago pa man ang araw na iyon. That’s why we came as fast as we could to Theros. The attack happened because another sword of Astraea has been unveiled… in the waters of Theros. Naramdaman ko ang biglaan nitong paggising roon. At hindi iyon dahil sayo, Nephalae…”

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now