New Voyage
Namayagpag ang kakaibang uri ng reyalisasyon sa isipan ko. May tumatak rin sa puso ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Enoch kagabi. Isang uri ng pagkagising at pagdiriwang na hindi ko inaasahang maramdaman ko pa. Isang pagbabago na tila ba’y siyang muling nagbibigay sa akin ng silbi at bagong layunin.
Kagaya ng inaasahan ko sa paglabas ko mula sa silid ni Enoch ay wala pang gising sa mga kasamahan nila. Maging siya ay tulog pa rin sa loob. Pinalipas namin ang buong gabi ng hindi lumalabas rito, sapagkat hindi niya gugustuhing makita muna ako ng lahat dahil maaaring iniisip nila na ako ang may kasalanan nito. Napag-usapan rin namin na sa araw na ito ay siya na ang magpapaliwanag sa lahat. Ang aming koneksyon sa isa’t isa at sa espada… Ang iginawad niyang sumpa rito at ang kanyang pagtatakwil. Ngunit bibigyan niya pa rin ng hustisya ang lahat, at sisiguraduhin ang kaparusahang igagawad kay Felipe.
Walang sino man sa Sailerys ang madadamay kung hindi lamang siya nagtaksil.
Umakyat ako sa sunod-sunod na palapag sa tabi ng silid ni Enoch at kumapit sa kalapit na mga lubid bilang suporta. Hindi pa sumisikit ang araw, marahan ang mga alon sa dagat, at hindi pa gaanong kalakas ang hangin. Banayad lang ang takbo ng barko at kitang-kita pa ang buwan sa kalangitan. Ang nagsisilbing mapa nila.
Maingat ang aking mga pang umakyat sa tuktok na palapag sa harapan ng barko. Sinigurado ko rin na mahina ang aking bawat hakbang upang maiwasang gumawa ng tunog. Nais kong… mapagmasdan ang karagatan kahit ilang minuto lang… habang wala pang lumalabas sa kanila.
Sinalubong ng aking buhok at kasuotan ang hangin sa oras na tumapak ako sa mataas na bahagi. Kagaya ng mga kababaihan rito, makapal at hanggang tuhod na kasuotan lamang ang aking suot. Mahaba ang mga manggas at mahigpit ang yakap sa aking bewang dahil sa ilang ulit na pagkalaso nito. Bahagyang nakababa rin ang mga manggas sa aking mga balikat at maalon ang saya ng kasuotan na siyang madaling madala ng hangin.
Nakapaa lamang ako sa pag-akyat. Hindi na ako nag-abala pa na magsaot ng kahit ano dahil magiging mas maingay lang aking mga yapak. At hindi naman ako magtatagal. Nais ko lang matanaw muli ang laki ng karagatan pagkatapos ng mahabang panahon na nawalay ako rito.
Bahagya akong tumalon sa huli at pinakaharapang bahagi na palapag habang yakap-yakap pa rin ang lubid mula sa mga matataas na bandera ng barko. Napalunok ako nang tuluyang masilayan ang tila mahabang sa harapan ko. Humugot ako ng malalim na hininga at nagsimulang tumapak roon.
Mabilis ang tibok ng puso ko sa paglalakad dahil sa kaliitan nito. Halos lumampas na ang mga paa ko sa tulay at wala na akong babagsakan pa kapag nagkataon kung hindi ang dagat na.
“Be careful…”
Isang malambot na boses ang nakapagpatigil sa akin sa paglalakad. Hindi ako makalingon sa takot na mawala ako sa balanse. Bagamat kahit na hindi na ako tumingin pa, pakiramdam ko’y sobrang pamilyar na ako sa kanyang presensya.
“Hindi mo na ako kailangang sundan.” Sagot ko sa kanya at nagpatuloy sa mahinang paglalakad. Gusto kong maritang ang dulo ng tulay na ito, upang mas maanig pa ng mabuti hindi lang ang karagatan kung hindi pati na rin itong sinasakyan namin. Nais kong maging pamilyar na rito kahit paano.
“Kanina pa ako gising…” natatawa niyang sambit. “I’m in charge of the ship before the sun rises.”
“Kung ganun bakit hindi ka na lumabas?” Natigilan ako nang bahagyang gumalaw ang tulay. Sinusundan niya akong umakyat…
“Napag-isipan ko na hindi makakabuting iiwan kita ng mag-isa kasama ng espada. You’re still fragile to it. It can overpower you.” Saad niya. Higit ng mas malapit ang boses niya sa akin. Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong lumingon sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/229854465-288-k166989.jpg)
YOU ARE READING
Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)
FantasyLegend Of The Stars #3 (Completed) •Alignments After thousands of years of being in prison in a cave, the Olden Mermaid--Nephalae, finally found herself free. Or was she truly is? Considering her eyes have only been open to the new world she once lo...