Chapter Thirty

21 3 0
                                    

Katotohanan

Parang bula lang ang pagkawala ng kapangyarihan ko sa himpapawid dahil sa tuluyan nang pagtupok ng alon sa akin. Mabilis na nagbago ang anyo ko at hinayaan ang sariling tangayin ng bagsik ng alon.

Hindi ko na nagawang makalangoy pa dahil sa sunod-sunod na pagtama ng katawan ko sa nagwawalang hampas sa ilalim ng tubig. Ito ang ikinatatakot ko. Hindi ko na ito nararamdaman... Ang kapangyarihan ko. Kumawala na ito sa utos ko at kusang nangibabaw.

Wala pa ring nagbabago. Kagaya ng dati... Ang bawat hiling ko'y may kaakibat na kapalit. Sa huli ay ako pa rin ang magdudusa nito. Ang pinagkaiba lang ngayon... ay handa akong tanggapin ito. Ano mang kapalit ng ginawa kong hiling ay buong puso kong haharapin.

"Siya na ba ang hinihintay nating lahat?"

"Ang natitirang sirena mula sa Riverdel... Nandito siya sa lupa. Kung ganun ay totoo nga ang mga naririnig natin... Buhay siya..."

"H-Huwag muna natin siyang hawakan... Kasalukuyan pang nagwawala ang kapangyarihan niya... Higit pang malakas ito sa inaakala ko..."

"Nasaan na ang espada?"

Napakagandang mga tinig. Pakiramdam ko'y sunod-sunod na magagandang tinig ang nagsalita sa paligid ko. Hindi ko magawang maidilat ang mga mata ko dahil sa walang tigil na paghampas ng katawan ko sa iba't ibang direksyon... Ngunit nadidinig ko na sila... sa aking isipan.

"Nephalae!"

Unti-unti akong napamulat sa boses ni Enoch. Nagmumula ang boses niya sa itaas, at parang lumalapit na sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko bago sinubukang lumangoy papunta sa kanya. Hirap na kinumpas ko ang sarili ngunit bawat galaw ko'y tila hinihila lang ulit ako pababa. Napainda ako nang maramdaman ang tila mga kamay sa buntot ko na parang pinipigilan rin ako.

"Bitawan niyo ako!"

Tinutok ko ang palad ko sa ilalim at agad na sumunod ang kumpas ng tubig sa akin. Tumama iyon sa mga sirenang hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin... Hinaharangan ako sa bawat daanan ko pabalik sa itaas.

"M-Mawalang galang na... ngunit hindi mo maaaring dalhin ang sarili mo sa itaas ngayon... Sapagkat dumating na sila... Ang mga Hari't Reyna kasama ang kanilang mga dragon. May nagaganap na pag-atake ngayon sa Deacon..."

"At dahil ito sa akin!" Giit ko pabalik at pilit na lumabas sa kanilang harang.

Masaya ako at sa wakas nakikita ko na sila... ngunit hindi tama ito. Hind tama na nandito lang ako habang nagsisilabasan na ngayon ang mga nilalang mula sa ilalim ng lupa sa buong Deacon. Dahil iyon sa akin nang maramdaman nila ang paglabas ng espada...

"Kasalukuyan silang hinaharangan ng tubig mo. Ilang sandali nalang ay mapapatay rin sila lahat ng mga Hari't Reyna..." Sambit ni sirenang may dilaw na mga mata sa harapan ko habang nakatitig sa itaas.

"Ang espada? Nabitawan ko ito kanina..."

Natahimik silang lahat at nagkatinginan. Bumaba ang tingin ng sirenang may dilaw ba mga mata sa akin nang may pag-aalala. "Nasa kamay ng isa pang nagmamay-ari nito..."

"Paumanhin... at ngayon ka lang namin nahanap, Olden... Ngunit hindi maganda ang kutob ko sa iyong kasama... Paano kung ibigay niya iyon sa mga kalaban? Nararamdaman ko ang daloy ng itim na kapangyarihan ss kanya..." Sambit ng isa pang sirenang katabi niya.

"Hindi niya iyon magagawa..." Marahas akong umiling bago pinukulan silang lahat ng tingin. "At huwag na huwag ninyo akong tawagin na Olden, dahil kung tutuusin hindi pa ako ganap sa mga mata ninyo... Hindi ko alam kung bakit kayo ang ibinigay ng dagat sa akin pagkatapos kong humiling... ngunit ang pananatili rito sa ilalim ay hindi ang layunin ko kung bakit ko iyon ginawa." Sambit ko at humarap sa lahat. "Nagtagpo muli ang mga landas natin, at malaki ang pasasalamat ko roon... Pero may landas ako ngayon na kasalukuyan kong ginagampanan, at hindi ko nalang bastang iwan iyon..."

Voyaging Scales (Legend Of The Stars #3)Where stories live. Discover now